Chapter 10- Escort

7 2 0
                                    

Nagsimula na ang aking klase sa New Era. Akala ko madali lang lahat, hindi pala.

Ang hirap magfocus lalo't wala si Sha sha. Dati kasi kami ang laging magkasama sa lahat, magreview, kumain. Nakakahiya pero minsan siya pa ang nagtuturo sa akin kapag hindi ko maintindihan.

Nag-aaral ako ngayon ng Math. Pfw. Akala ko walang Math sa Ministertyo. Hay marami talagang namamatay sa maling akala.

Ang hirap naman!

Kinuha ko muna ang cellphone ko para isearch kung paano ba isolve itong mga 'to.

19 messages from an unknown number.

From 09********1

Hey Sweetie. I can see what you're doing:*
-Goddess of Wisdom

From 09********1

Hi:*

-Goddess of Wisdom

From 09********1

Hey Brandon. Saan ka nanggaling kanina? :*

-Goddess of Wisdom

Nakakairita! Sino ba itong Goddess of Wisdom ang dami raming magmessage!

Tinignan ko pa ang aking phone. Hindi ba magtetext si Sha sha? I miss her.

Galit kaya siya? Bakit ba kasi hindi ko pinigilan ang sarili kong halikan siya? Alam kong mali, sobra kong pinagsisihan iyon.

Ibinalik ko ang aking phone sakto namang pagvibrate nito.

From Sha Sha Puso ko.

Natawa naman ako sa nickname niya sa akin. Buti hindi niya ito nakikita, nakakahiya.

'Dondon. Wala akong sinisisi sa nangyari sa atin noong nakaraan. Noong lumapat sa akin ang mga labi mo, parang milyun-milyong bulaklak at paru-paro ang lumilipad sa aking tiyan. Alam kong hindi gutom iyon. Kaligayahan iyon. Sobrang saya, sobrang sarap pero mali. Naaalala ko kung paano mo hinawakan ang kamay ko habang tumatawa. Naaalala ko kung paano mo ako sinusungitan pero bibigay ka rin kapag kiniliti kita. Naaalala ko lahat, hindi lang lahat nang nangyari sa MOA, kung hindi lahat ng mga ala-ala natin simula pagkabata. Mamimiss ko 'yun, Dondon. Mamimiss ko lahat. Mukhang mararanasan ko nang maging independent ngayon. Wala ka na sa tabi ko. Wala nang tutulong sa akin, maghahatid at susundo. Wala nang aagapay sa akin, wala na akong iiyakan, wala na akong sasabihan ng mga sikreto. Ngayong wala ka na, susubukan ko munang kalimutan ka, hindi iyong masasayang ala-ala, never kong makakalimutan iyon. Kakalimutan ko muna lahat ng nararamdaman ko sa iyo. Mahihirapan ako, oo. Pero sa tulong ng Ama, makakaya ko. Sana kalimutan mo na rin lahat nang nararamdaman mo sa akin. Kung tayo talaga, gagawa ang Ama ng paraan.

Ikaw ang PanalanginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon