CHAPTER 5- Berane

12 2 0
                                    

"Mommy, daddy, pupunta raw po si Barbie rito bukas. Makikipaglaro."

"No problem. Ipagbabake ko kayo ng cookies." sabi ni mommy.

"Mom, matagal ko nang nirerequest iyan ah!" reklamo naman ni ate Berane.

"Bunsot, inaalala lang ng mommy mo ang bellybell mo." natatawa namang sabi ni daddy. Sa katunayan ay hindi naman talaga mataba si ate, ewan ko ba kung saan napulot ni daddy 'yun.

"Thank you daddy, thanks sa concern." sabi ni ate Berane. I can feel the sarcasm. Haha.

"Welcome, baby Berane" natatawang sabi ni daddy.

"Daddy!"

"Alam mo ba kung bakit 'Berane' ang pangalan mo, anak?"

"Opo. Bernard and Shane combination."

I find it sweet pero si ate, nakokornihan.

"May mas malalim pang dahilan." saka nagtinginan si mommy at daddy at sabay ngumiti na parang may inaalala.

-----------------------------------------------------------------------

Bagong transfer noon ni Shane sa lokal ng Cavite. Nag-ensayo agad siya bilang mang-aawit. Doon niya nakita si Bernard, ang pilyo ngunit gwapong binata. Wala siyang mapagtanungan ng pangalan ng lakaki dahil wala naman siyang kilala roon.

Dumaan ang mga araw ngunit hindi niya pa rin nalalaman ang pangalan ng binata. Mahilig pa naman itong magcombine ng pangalan kaya't sa oras na nalaman niya ang pangalan ng lalaki, agad niya itong pagsasamahin.

Isang araw, pinatutupad ang mga kadiwa ng pulong sa kabilang bayan. Nag-arkila sila ng sasakyan, at dahil walang kilala si Shane, umupo siya sa sulok kung saan wala pang nakaupo.

Dumating ang grupo ng kalalakihan. Agad nagtama ang tingin ni Bernard at Shane. Sa sobrang wala sa sarili ni Bernard, nawalan siya ng upuan at ang upuan na lang katabi ni Shane ang natitira.

"Hi" bati ni Bernard.

"Hello." sagot naman ni Shane.

Matagal ang magiging biyahe. Hindi kaya ni Bernard manahimik nang ganoon katagal.

"Miss, mahilig ka ba sa mga Disney Princess?"

"Uhm, oo"

"Ah, kaya pala kamukha mo si Snow White." sabay ngiti ng lalaki.

"Salamat." wala nang masabi ang dalaga dahil nahihiya ito kapag pinupuri.

"Ano nga pa lang pangalan mo?"

"Shane Barcelona"

"Bernard Macalintal"

Dumaan ang mga araw na naging mas malapit ang dalawa. Nalalapit na rin si Shane sa iba.

Nagboluntaryo si Bernard ihatid siya pauwi lagi. Isang araw habang papauwi sila, may nakita silang truck na may nakasulat na 'Berane' doon. Nagkatinginan sila.

"Bakit kami nagkatinginan? Pinagsama niya na rin ba ang aming pangalan?" pareho nilang naisip.

                                                                                                 ***

"Naalala mo ba noong may nakita tayong bus, mahal?" tanong ni Bernard sa asawa.

"Oo naman, honey"

"Gusto kong iyon na lang ang maging pangalan ng magiging anak natin." hinalikan niya sa tiyan ang kaniyang misis.

"Berane. I love you, anak. Love ka namin ni Mommy."

Ikaw ang PanalanginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon