Chapter 9- Goddess of Wisdom

7 2 0
                                    

"Bitiwan mo siya!" Malalim na tinig na sabi ng isang lalaki.

"Brandon?" Tuluyan na akong nawalan ng malay at tumumba sa aking pinagkakatayuan.

***
Nagising ako sa aking kwarto habang inaalala ang mga nangyari. Panaginip lang ba lahat ng iyon? Bakit nasa kwarto ako? Nasaan 'yong rapist?

"Sha sha"

Tumingin ako sa lalaking nagsalita.

"Brandon, anong ginagawa mo rito?"

Napansin ko ang mga sugat sa mukha niya habang nakasuot ako ng kaniyang amerikana.

"Ayos ka lang ba?"

"Ako ang dapat magtanong niyan, Sha. Are you okay? Did he hurt you? Did he touch you?"

"No, Brandon. Thank you for saving me." Naluluha kong sabi. "Akin na gagamutin ko iyang sugat mo."

"Are you sure you're fine?"

"Yes, boss."

"Then, change your clothes and heal me."

Mabilis akong nagbihis at kinuha ang first aid kit.

"Salamat, Brandon. Kung wala ka roon, baka kung ano na ang nangyari sa akin. Pero bakit nga pala wala ka sa Central? Paano mo rin nalaman na nandoon ako?"

"You texted me, Sha. And I am very thankful na pauwi na ako galing Central noong nagtext ka sa akin. Dadalawin ko sana si Mommy sa ospital."

"Gaano ka katagal mag-iistay?"

"3 days, Sha sha"

Tatlong araw lang?

Umupo na ako katabi niya at hinanda na ang mga gagamitin.

"Why are you quiet?"

"Hmm, hindi naman ah?"

"That's not you. Na-iistar struck ka ba sa kagwapuhan ko?" Nakangiti niyang sabi.

Mas lalo kong diniinan ang bulak na may alcohol sa kaniya.

"Ugh! Dahan dahan naman, Sha."

"Yabang mo kasi eh!"

"Sa'yo lang naman ako ganito."

"Huh?"

Hindi na siya sumagot at pumikit na lang. Napagmasdan ko muli ang kaniyang makakapal na kilay, mahahabang pilik mata at matangos na ilong. Ang tagal tagal kong hindi nakita ang mukhang ito. Matagal din akong nakapag-adjust simula noong umalis siya. Nakasanayan ko kasing palagi siyang kasama sa lahat ng bagay, sa bahay, sa paaralan hanggang sa pagtupad at mga aktibidad.

Hindi ko napansing nakadilat na pala ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin. Bigla kong iniwas ang mata ko. Nakakahiya. Baka akalain na naman nito, gwapong gwapo ako sa kaniya.

Pero, totoo naman. Mas lalong naging matured ang pustora ni Brandon.

"Sha, namiss mo ba ako?" out of nowhere niyang tanong.

Obvious ba? Ikaw ang naging sandalan ko simula pagkabata. Dati, halos araw araw tayong gumagawa ng masasayang ala-ala. Miss na miss ko na ang mga bagay na iyon, Brandon. Miss na miss na rin kita.

"Para sa Ama naman iyang pag-alis mo." Sagot ko habang tinatabunan na ng band-aid ang kaniyang mga sugat.

"Sinabi mo dating may nararamdaman ka sa akin."

Naaalala mo pa ba iyon? Huhuhu nakakahiya naman.

"Ginawan mo pa ako ng kanta na nagsasabi kung gaano ako kagwapo."

Ikaw ang PanalanginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon