James/Jimin's pov
Saan nanaman kaya pupunta ang babaeng ito? Nakatingin ako sa labas malapit sa parking lot. Kakalabas lang ng sasakyan ng isang babae. Nandito kami ngayon sa dorm at dito na din nag lunch, nagpaorder na lang kami.
"Anong tinitignan mo jan Jimin?" tanong sa akin ni Carl kaya natahimik yung dalawang magkapatid at napatingin din sa akin
Hindi ko sila sinagot at muling tumingin sa parkingan. Sinundan naman yun ni Carl.
"Oh?" sabi niya habang nakatiro pa sa may salamin. Lumapit naman yung dalawa at nakisilip
"Wala nanaman yung sasakyan niya" sabi ni Rob na kinamot pa ang ulo
"Saan kaya siya nagpunta? Alam mo Ben?" tanong naman ni Carl sa kanya. Nagkibit balikat lang si Ben sa kanya at bumalik sa sofa.
Simula noong araw na yun, nagiging tahimik siya pagdating kay Kate. Ano kayang nangyari? Napahiya din naman siya, kaya baka yun nga.
Hindi ko na lang ito pinansin at pumunta sa may pinto. Pagkabukas ko ay saktong pagdating ng pagkain namin. Niluwagan ko ang pagbubukas para makapasok sila. Inayos naman nila sa lamesa ang mga inorder namin.
May lumapit na isang lalaki sa amin, isa sa mga nagdeliver, at tinanong kung anong oras na. Hindi namin siya pinansin ng sagutin siya ni Carl ba tumingin pa sa relo niya.
"12:15"
"Thank you po" sagot nito at nagbow pa.
"Hindi mo kailangang maging mabait" sabi ni Ben sa kanya. At magsisimula nanaman sila.
"Hindi ako mabait, I am just being rational" sagot naman pabalik sa kanya ni Carl na may tono pang as a matter of fact
"Anong rational ka dyan?"
"Malamang nagtanong siya, kaya sasagot ako" proud na sagot ni Carl
"Sige spell mo nga? Sasagot kapa?" naiinis na sinabi ni Ben
"Malamang nagtanong ka kaya sasagutin kita. Pero mas gwapo parin ako sayo" mayabang na saad nito.
Ano naman kayang connect nun? Iniwan ko nalang sila doon at dumeretso sa kusina para makakain na.
"Tumigil na nga kayong dalawa!!" sigaw naman ni Rob sa kanila at saka sumunod sa pagupo.
Sumunod naman yung dalawa at nagumpisa ng kumain. Lagi na lang umaalis ang babaeng yun.
Alam na rin namin na siya yung laging maingay tuwing gabi. At nang dahil sa laging pagkakasira ng harang sa may parking, nagkaroon pa kami ng gagawin.
*Flashback*
Nandito kami sa isang hall at nag pra-practice.
*knock *knock
Napatingin kami sa pinto at nakita ang secretary ni dad.
"Bakit?" tanong ni Carl sa kanya
"Pinapatawag kayo Sir Kang. Mahalaga daw" pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis na siya.
"Para saan kaya yun?"
"May ginawa nanaman ba tayo?"
"Jimin baka may ipapagawa nanaman sa atin"
Reklamo nila. Hindi ko na lang sila pinansin at nagpalit na lang ng damit. Wala rin naman kaming magagawa kung hindi sumunod.
Ano nanaman kaya ang ipagagawa sa amin. Lagi na lang kaming inuutusan ni dad sa mga pagaayos sa lugar na ito.
Nandito na kami sa office ni dad at hinihintay na lang ang sasabihin niya.
YOU ARE READING
Burning Hell Academy: The Heartless Gangster Girl
Teen FictionWe all lived in difficulties but this girl lived in the dark. Trained and raised from a monster, a mafia, a gang and the danger that surrounds her. Yes she's a girl, cold, heartless and don't care about others life. She is the most powerful of al...