Andito ako ngayun sa isang private plane para puntahan ang mga informant ko. Sila ang matagal ng tumutulong sa akin para maging mabuting tao. 'smirk'
*evil thoughts*
Kapag kailangan mong pumatay ng tao sa loob ng isang araw pero magisa mo lang, kailangan mong puntiryahin ang pinakamalaking sagabal sa kanila.
Papunta ako ngayon sa Russia para tapusin ang taong matagal na akong ginugulo ang pinuno ng Mafia Russians na si Budo Kalazar.
Pagdating sa airport, may sumalubong sa akin na mga lalaki at isinakay ako papunta sa mansion kung saan ako maninirahan ngaun.
Weekdays pa ngayon kaya wala masyadong tao maliban sa mga kailangan magtrabaho. Dumaan kami sa isang squater area na puno ng mga aangas angas na gangsters.
Sa bawat gilid ay puno ng mga nakikipag basag ulo. May grupo na biglang humarang sa dinaraanan namin. Mga nakaporma at mukha talaga silang malakas na grupo.
Parang kilala ko ang mga ito. Ang FELIAS gang. Isa sa mga independent group na may sariling pamamaraan. Wla silang rank dahil hind nmn lahat sa kanila at magaling makipaglaban.
Habang nagiisip ay sabay sabay silang tumitig sakin. Unti unting nagcu-curve ang labi ko. Hindi sila magaling makipaglaban, pero malakas sila pag magkakasama. May sarili silang mga talento at ito ang dahilan kung bakit sila kilala sa underworld bilang isang independent group.
Masasabi kong sila ung matatawag na con artists. Magaling sila sa pagtuklas ng mga secreto at magaling manloko. Gumaagamit sila ng mga tricks para kusang sumuko ang mga kalaban.
Noong makalaban ko sila, aaminin kong ako mismo ay namangha.
Flashback
Pagdating ko sa UG hall ay walang katao-tao at sarado lahat ng mga ilaw. Ginamit nila ang buong arena at nilagyan ito ng mga technological na patibong.
Nakikipaglaban ako sa isa sa kanila na si Sergio habang dumadaan sa mga patibong nila. Ang iba sa mga ito ay hindi ko naiwasan.
Isa akong gangster, killer, assassin o iba pa na may kinalaman sa sariling lakas at hindi gumagamit ng mga tricks na may kinalaman sa science at technology.
Natapos ko rin nmn ang laban sa pamamagitan ng paggamit ng sarili nilang invention o ano pa man laban sa kanila.
Sa huli nakarating ako sa center hall na may kaunting galos at at maruming damit.
Isinuot ko ang ear piece ko para malamn kung anong nangyari. Boses ni messiah ang narinig ko at sinabi niya na na hack ang system ng UG at wala na silang magawa.
May bigla akong nakita sa top balcony na dalawang tao na nakatayo. Isang tao ang tumalon at sinugod ako. Dahil sa reflexcess ko, naitapon ko sa kanya ang dagger ko at nagpaputok din ako sa direction ng isa pa sa taas.
Natamaan ko ang lalaki na sumugod sakin na si Earl sa right thigh niya dahilan para bigla siyang mapaluhod. Pero hind siya nagpatalo dahil pagkatapos noon ay may pinindot siya na parang remote at nakatutok ito sa akin.
Nakita ko agad ang ilaw sa may paanan ko at bago pa mahuli ang lahat ay nasipa ko ito sa direction niya mismo. Pumutok ito sa mukha niya at nakuryente siya.
Pagkatapos nun ay biglang nag on ang ilaw. Kitang kita ko si Sergio na nasa baba ng stage habang naka upo sa isang likido na hindi ko alam kung ano, at hindi siya makaalis. Punong puno din ang mukha niya ng pasa at sugat.
Si Earl na naka dapa sa sahig at punit punit ang damit habang umuusok pa. Ang leader naman nila na si Fang at naka luhod sa may balkonahe habang hawak hawak ang balikat niya.
Nakita ko naman na may lumabas sa control room at hinagisan siya ng kunai. May 'ah' na narinig at sumunod ang isang 'thud'. Natamaan ko siya sa tuhod at nahulog siya sa hagdan dahil sa lakas ng pagkakabato.
"Pasok" sabi ko habang inaayos ang leader jacket na suot ko. Bigla namang bumukas ang double doors at pumasok si messiah na may kasamang mga tauhan at napatigil dahil sa paligid.
Ang buong arena ay sobrang gulo at puno ng mga traps ang wires. Meron ding mga parang mechanical na inventions na nasa sahig at nagspa-spark pa.
"Tsk" bigla silang napatingin sa akin at mas lalo pa ata silang nagulat
"Your... clothes" sabi ni messiah at tinuro ang damit ko na may hiwa at punit sa pantalon, may dumi ang jacket, natanggal ang isang sleeve at malaking hiwa sa may bandang tyan ng t-shirt.
Tinignan naman nila ako mula ulo hanggang paa at saka namula. Nakaponitail ako with natural messy way.
Napansin ko ang paggalaw ng isang camera at tinapunan ito ng shuriken saka lumabas na ng arena.
Pagdating ko sa parking lot, nakita ko ang isang sasakyan at ung nasa loob ay biglang yumuko ng makita akong lumabas.
Dumaan ako sa harapan ng sasakyan at sinuntok ang harapan nito. Dumaan ako sa gilid at saka sinipa ang gulong. Take note, ang sapatos ko ay may mga matutulis na spike sa gilid nito kaya na butas ang gulong.
Sumakay sa sasakyan ko at umalis.
Back to the present.
Lumabas ako ng sasakyan at hinarap sila.
"Yow,demon princess" sabi ni Andy. Yung isa na magaling sa mechanical or ung mga nag iinvent ng mga bagay. Gawa niya din ung mga robot at mga traps nung labanan.
Hindi ko siya pinansin at hinarap ang leader nila na si Fang na naka pamulsa ang kanyang kamay.
"Why do you call us?" sabi niya with his Russian accent
"I know you knew." sagot ko sakanya na ginaya ang accent niya.
Tumingin ako sa kaliwa niya at tinaasan ng kilay ang nasa dulo, ang kanilang hacker na si Leo.
Alam ko ang ginawa nila pagkatapos ng laban.
Wala silang nakuhang information sakin noon kaya hinack nila ang system ng school pero bago pa nila makuha ang confidential file napasok nila ang security barrier na ginawa ko para mablock sila.
Nagkausap pa nga sila nina D brothers at nagpumilit pa silang makapasok. Mabuti na lang at naiwan ang dalawa sa dorm para magbantay.
Dahil sa pagpasok noon ng kaibigan ni kuya sa system, lalo kong hinigpitan ang security ng confidential files about sa mafias at mas lalong tungkol sa conflict na nangyayari ngayon sa UG na connected din ako.
Hindi ko na kailangan pang sabihin sa kanila kung ano at bakit sila nandito.
Si Earl na rin ang nagsabi, pwede silang tumulong na mapadali ang trabaho ko, kapalit ng ilang information na sasabihin ko.
It's a win win situation.
Actually si Indio ang nagplano ng lahat ng ito at siya rin siguro ang nagsabi na magandang makipagtulungan sa akin.
Mas alam din nila ang lugar na ito dahil dito sila lumaki at ito na rin ang naging teritoryo nila. Dahil lang sa paggalaw ng leader na si Budo Kalazar laban sa amin, hindi sila magkakaroon ng interest sa akin at hindi din kami magkikita.
Malaki ang impluwensya ni Budo sa organisasyon lalo na pagdating sa mga transactions main sa iba't ibang bansa. Pero malaking pagkakamali ang gamitin ang mga binili nila sa aming mga armas laban sa amin lalo na dahil nalaman niya na nagkakagulo sa UG ngayon.
Budo Kalazar, Russian mafia leader, babagsak ka sa kamay ko at magbabayad ka sa pagkakamaling ginawa mo laban sa kuya ko.
Magtutuos tayo at gagamitin ko ang mga tao mo. 'Grin'
✨✨✨✨✨
I'm back from having a hiatus.
Nagkaroon kac ako ng 'Author's block' so please understand.I am updating 3 chapters for apologies.
Please don't forget to vote, cause it can be a motivation for me.
Thank you for loving and reading this story.
YOU ARE READING
Burning Hell Academy: The Heartless Gangster Girl
Teen FictionWe all lived in difficulties but this girl lived in the dark. Trained and raised from a monster, a mafia, a gang and the danger that surrounds her. Yes she's a girl, cold, heartless and don't care about others life. She is the most powerful of al...