Chapter 2:
Escape Plan-Aztare Khrys Avellar-
-:-
Mas binilisan pa namin ang takbo at medyo lumalapit na ang distansya ng mga kathang isip na mga iyon! Those zombies, I tried to believe that this is just a dream or an imagination but in the end, I failed.
"Lumiko kayo sa kaliwa, we are going to the supreme student government office!" utos sa amin ni Delvon na medyo napasigaw dala na siguro sa nangyayari ngayon.
We are heading now at the SSG Office but the zombies are now at its pace while running too fast. Makararating kami na sakto lang sa building, the lower floor is the PTA office and the second floor is for the guidance office kaya nasa third floor kami papunta dahil doon ang opisina ng SSG pero kapag may maling galaw lang kaming magagawa ay maaaring mawala ang landas naming lahat sa loob ng campus na ito.
Natanaw na namin ang building sa hindi kalayuan pero ang distansya ng zombies ay ilang metro na lamang. Buhay na ang nakataya sa amin kaya inubos ko na ang lahat ng aking makakaya maliban sa babaeng nasa likuran namin ngayon.
"Hindi ko na talaga kaya guys! Just save yourselves, magiging decoy na lang ako at magpapakain sa zombies." namumutla na ang kaniyang mukha habang nanghihina na ang takbo at puno na rin ng pawis ang buo nitong katawan.
"Shut up, Alice!" Mabilis siyang binalikan ni Titus. He lift Alice and carry her with his strong arms then continue again to run as fast as he can.
That was so unfair, hindi ba napapagod ang mga zombies na ito or nasobrahan lang yata ng inom ng kanilang energy drink na mula sa mga tao. Damn!
Nauna na si Delvon sa building na iyon pero ang pinagtataka ko lang ay kung bakit hindi pa siya pumapasok at napatigil doon? Mukhang kabado siya na nakatingin sa aming lahat! Don't you dare to say na naka-lock sa loob?
Nakarating din si Jez doon at sumigaw habang hinahampas ang pinto. This is not our lucky day right?
Pagkarating nina Sam, Gasper at Jules ay nagtulungan silang tatlo na sipain ang pinto na yaon but they failed. Sa ngayon, ang iniisip ko ay kung paano makapasok. Pagkarating ko ay mabilis akong sumigaw, I know there is someone inside this building na nagsarado sa pinto.
"Let us in! Papasukin ninyo kami please! Tulooong!!!" sobrang lakas na talaga ng sigaw ko pero parang wala lang sa mga taong nasa loob nito. Naririnig ko pa ang mga sigawan nila na huwag kaming buksan. So selfish!
Nakarating din si Titus at ibinaba na kaagad si Alice para tumulong upang sirain ang pinto at medyo napayupi ito dahil gawa lang naman sa kahoy na hindi gaano ka kapal at sa lakas niyang taglay.
"May isang zombie na rito!" sigaw ni Alice sa amin. Agad ko itong nilingon at aabot sa limang metro ang distansya sa kinatatayuan namin.
Tumalon ito papunta kay Alice pero mabilis na pinaputok ni Jules ang hawak niyang baril at wasak na wasak ang ulo ng zombie na iyon, natalsikan naman si Alice ng dugo sa mukha na ngayon ay nandidiri. Patuloy naman ang kalalakihan sa pagsira ng pinto at ginagawa ang lahat para lang kami ay makapasok sa loob.
"More zombies are approaching guys." nababahala kong sabi sa kanila habang pabaling-baling ang tingin ko sa mga kasamahan kong sumisira ng pinto at sa mga zombies na malapit na sa amin.
"Ihinto niyo 'yan!!!" may sumigaw sa loob at may bumukas ng pintuan para sa amin. "Pumasok na kayo bilis!" siya ang teacher namin sa P.E. na si sir Kenth.
BINABASA MO ANG
The Last Survival Escape
Science Fiction(Completed) THE LAST SURVIVAL ESCAPE Escape Series #1 -:- If the zombies are approaching, there are two ways that we should actually make, to give our all in fighting them or to run as fast as we can just to escape and become a survivor in a zombie...