Chapter 15: Missing Shots

1K 67 13
                                    

Chapter 15:
Missing Shots

-Aztare Khrys Avellar-

-:-

Agad na napahinto ang sinasakyan naming van sa tapat ng nakabukas na malaking gate, halos lahat nang sulok ay napinturahan na ng itim mula sa pader nitong nagtataasan, malalapad na tent at sa mga bilihan na gawa sa matitibay na mga kahoy o kaya mga kawayan. May mga umuusok pa sa lugar na hindi namin alam kong saan nanggaling. Hindi lang armas ang makikita rito dahil mayroon ding bilihan ng metal o kaya mga mamahaling bato, gamit pangbahay at iba pa.

Pinagmasdan muna namin ito, walang ni isang survivors na naglakas-loob na magpakita, gumagalang zombies na pagala-gala o mga kahina-hinalang bagay na nagparamdam. Maybe we can enter this Black Market and take everything we need without any inconvenience.

"Tara na, hoping na walang makasasagabal sa atin." Naunang bumaba si Gasper at sinundan naman ni Delvon.

"Let's go!" Tumingin sa akin si Master Yoshi at tumango lamang ako sa kaniya. "This is for Jez."

"Mag-ingat po kayo rito," I smiled infront of baby Lucky and kissed on her forehead. "We'll be back here immediately!"

Guminhawa ako ng malalim at tumuloy sa pagbaba sa sasakyan, inihanda ko na ang aking katana dahil hindi namin alam kung anong mangyayari pagkapasok namin sa malaking gate na iyan. Maalikabok na ang lugar at parang dinaanan ng sunog, may mga dumi kung saan-saan habang papalapit kami sa gate.

"Azy, I'm sorry sa mga ekspresyon kong ipinakita sa 'yo." Sinabayan ako ni Jules sa bawat hakbang.

Walang imik akong naglalakad at hindi ko pinansin ang kaniyang mga sinasabi. Bakit ba kasi ganoon siya makapagreact nang marinig niya ang pangalan ni Jez kanina? Hindi ba siya masaya na malamang buhay ito?

"Hindi ko lang talaga gusto na mas lumamang ang Jez na iyon sa akin, bestfriend kita Azy pero sa totoo ay gusto talaga kita higit pa sa magbestfriend at nahihirapan na akong itago ang feelings ko sa 'yo." Nauna siya sa aking harapan at hinawakan ang aking braso.

"Ano ba Jules! Wala na tayong oras para sa ganito at wala akong oras sa iyo o sa nararamdaman mo. Gusto ko lang ngayon ay makaligtas tayo at bumalik na sa dati ang lahat!" Kumawala ako sa kaniyang pagkakahawak at nagpatuloy sa paglalakad.

Bumilis ang mga hakbang ko habang nakasunod sa likuran nina Delvon at Gasper.

"Are you okay?" Kunot-noong tanong ni Master Yoshi habang direktang nakatitig sa aking mga mata.

"Uhm opo," natatanging tugon ko at hindi na nagsalita pa.

Bumalik si Gasper at bumulong sa amin. "Mag-ingat kayo, huwag kayong gumawa ng kahit anong ingay. May mga malalaking bakas ng paa na kitang-kita sa maalikabok na daanan."

"So it means na may Z-tech dito?" nababahala kong tanong sa kaniya.

He gave us just a nod and depart from us, he go ahead first to guide our way. Delvon is also at the front to secure the area while Jules is at the back without any reaction the same to Master Yoshi. Okay pa naman ngayon pero malay namin na may 16 feet na halimaw na palang nakatingin at naghihintay ng tamang oras para umatake.

Kung totoo nga na technology-based ang zombie na iyon, it can manipulate a door to open pero hindi naman siya makapapasok dahil sa laki nito atsaka marunong siyang maghintay kasi hindi naman siguro nagugutom ang isang robot na zombie na halimaw na iyon? Paano kung mas magaling pa siya kumarate kay Master Yoshi? Edi ubos kami niyan?

Humampas ang malakas na hangin at sumabay roon ang mga alikabok sa paligid. Masakit ang tama ng alikabok na tumatama sa aming balat.

"Ar..." mabilis na tinakpan ni Master Yoshi ang aking bibig. Pusang gala!

The Last Survival EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon