Chapter 20:
Unknown Group-Aztare Khrys Avellar-
-:-
Nararamdaman ko ang kapayapaan dahil sa napakagandang gawa ng kalikasan, ang ganda lang tingnan na may mga mayayabong na punong nandito para magbigay ng ating pangangailangan. Matirik ang daan na tinatahak namin at ang simoy ng hangin ay mas lumamig na rin kaya napayakap ako bigla sa aking katawan kahit na suot ko naman ang jacket.
"Khrys, alam mo ba kung bakit ko ibinigay ang jacket ko sa iyo?" nagkatinginan na naman kami muli. "Gusto kong ligtas ka palagi at ramdam mo ako sa tabi mo kahit saan ka man magpunta."
"Hindi mo ako mapapakilig ngayon boi!" Tinawanan ko lamang ito pero sa totoo lang ay kinikilig na.
"Gusto ko lang naman na yumakap ka sa akin, nilalamig na talaga ako." ani niya habang ginagawa ang napaka-cute na puppy eyes.
"Nakajacket ka na tapos ang kapal pa! Diskarte mo bulok!" Tinalikuran ko siya at tumingin sa kabilang banda.
Mabilis niya akong hinila papunta sa kaniya at yumakap ng mahigpit.
"Nandito na tayo! Tama na 'yang landian." Napahiwalay kami kaagad ni Jez at napatingin sa harapan kung nasaan may mga malalaking troso at barikada sa gitna ng daan kaya hindi makakapasok ang sinasakyan naming van, pero ayos lang naman kasi maaari naman namin itong lakarin.
"Dito na lang tayo, magsihanda na kayong lahat." Naunang bumaba si Gasper at kumuha ng bato para mapigilan ang sasakyan namin na magpadausdos pabalik sa ibaba.
"Tara na?" Hinawakan na naman ako ni Jez sa braso at hinila pababa. I think sobrang clingy na talaga naming dalawa.
Nakababa na kaming lahat habang hawak ang mga armas, halos lahat na sila ay may hawak na baril maliban sa akin.
"Ito nalang sa 'yo baby." Ibinigay ni Jez ang isang explosive.
"This is super creepy!" Napahawak naman si Alice sa laylayan ni Titus na hawak din ang baby na si Lucky.
"Hindi na ito ang lugar ng kasiyahan, I can compare it to a horror village o kaya ay isang ghost town." Napakasa si Delvon ng kaniyang baril.
"We must double the safety, I sense there is something inside." si Master Yoshi naman ay halatang handa na talaga at hawak-hawak din ang rifle nito.
"Kung may naglagay ng barikada..." napaisip ako pero may nagsalita.
"Siguradong may survivors!" pagdugtong ni Jez.
"Pero huwag natin kalimutan. Our main goal is to find the passage way, we'll ride on the train papunta sa ating destinasyon." nauna na naman ang dalawa na sina Delvon at Gasper papasok sa Festive Park.
Habang sa labas kami ay kitang-kita na namin ang napakatayog at napakalaking ferris wheel, mga makukulay na tent at sari-saring playground. May mga fascilities and buildings din na makikita sa loob nito.
Ito ang nakaukit sa main gate...
(Festive Park)
We'll make you happyPero ang happiness ngayon ay hindi pa makakamit habang hindi pa ito matatapos, walang happy sa bansang pinugaran na ng mga pesteng zombies.
As we enter, walang kwenta ang mga makukulay na palaruan. Mga stuffed toys na kumakalat at mga prizes o kaya candies na makikita na lang kung saan-saan.
"Chamba!" Napadako ang tingin ko sa tumpok na chocolate bars at agad ko itong pinuntahan.
Akma ko na sanang kunin ang mga iyon nang may pumutok at dumiretso ang bala sa masasarap na tsokolate.
BINABASA MO ANG
The Last Survival Escape
Science Fiction(Completed) THE LAST SURVIVAL ESCAPE Escape Series #1 -:- If the zombies are approaching, there are two ways that we should actually make, to give our all in fighting them or to run as fast as we can just to escape and become a survivor in a zombie...