Chapter 4:
Cureanz Chase-Aztare Khrys Avellar-
-:-
The two of us arise at the cold water of this deep river, pumunta kami kaagad sa pangpang at mabilis naming hinanap ang tatlong zombies na may mga asul na mga mata pero wala kaming may nahigilap kahit na anino o isa manlang sa kanila na nasa ilog at sa bangin kung saan kami tumalon kanina. Siguro ay natatakot din silang tumalon o natatakot sila sa tubig. Dapat ay malaman din namin ni Jez ang kanilang mga kahinaan, pero sa ngayon ay kailangan namin ang komunikasyon ng aming mga kasama.
Pero ang problema ay basang-basa ang cellphone ko at pati na rin ang back-pack na may lamang ng first aid kit. Kinapa ko ang bulsa ng aking palda at hinanap ang kutsilyo pero nawala rin ito sa akin, baka nahulog sa ilog kanina o sa sobrang pagtakbo namin papalayo sa mga zombies na mga patay gutom talaga kung makapaghabol.
"Don't lower your guard Khrys, hindi na natin kabisado kung saan nagtatago ang iba pang mga zombies. Mapapanatag lang ang loob ko kapag nasa safe zone na tayo." Kalmado lang ito habang hinuhubad ang basang-basa niyang purple na varsity jacket.
Napatingin ako sa hubog ng kaniyang katawan kahit na suot ang itim na sando. Akma na rin nitong huhubarin ang kaniyang sandong itim na suot kaya agad naman akong tumalikod. Ayaw kong mabahiran ng pagpapantasya ang aking mata ngayon, hindi ko makakayang tumingin sa mga lalaking may magandang katawan. OMG!
"Don't be shy Khrys! Tayong dalawa lang naman ang nandito." Ramdam kong humahakbang ito patungo sa akin.
"Huwag kang lalapit nang nakahubad kung ayaw mong masuntok kita sa mukha!" pagbabanta ko sa kaniya.
Ramdam ko na namang namumula na ang mukha ko. Nakahihiya ito sobra, hindi ko ito mapigilan.
"Sobrang basa mo na rin kaya Khrys." Humawak ito sa aking balikat kaya agad na akong nataranta, mukhang may masamang balak ang Jez na ito sa akin!
"Bastos ka!" Tumakbo ako kaagad sa ibang direksyon papunta sa may mga mayayabong na maisan.
"Wait Khrys, mali ang iniisip mo! Wala akong masamang intensyon sa iyo!" Humahabol ito sa akin pero mas binilisan ko pa ang pagtakbo at humanap ng maaaring mapagtataguan.
Hindi ko na ito nilingon pa, muntik ko nang makalimutan na nasa isa kaming digmaan ng mga zombies at tao. Mas takot pa yata akong ma-rape kaysa makain nang buhay ng mga pesteng zombies. Mas pinahahalagahan ko pa ang virginity ko kesa sa buhay ko. Ganiyan ako katanga mag-isip!
"Bumalik ka ditong feeler ka! Gusto mo bang mapahamak ha?!" Patuloy pa rin ang pagtawag ni Jez sa akin. "Kung gusto mong magpakain sa zombie ako na lang kakain sayo! Tang ina naman oh!"
Bumilis pa ang takbo ko hanggang sa madulas ako at tumilapon papunta sa putikan, napahawak na lamang ako sa mga nakatayong mais dahil wala na akong may makita pa. Ikaw ba naman ang malagyan ng putik sa mata? Putiks na 'yan, bakit ba kasi ako nagpapakahirap ng ganito.
"Holy cow! Seriously Khrys?" Mukhang pinipigilan lang ni Jez na tumawa, naabutan niya na ako kaya ano pa ang magagawa ko kung hindi wala.
"Tulungan mo na lang ako rito! Ikaw kasi eh!" Dahan-dahan kong pinunasan ang aking mukha gamit ang aking kamay.
"Anong ako? Tatakbo-takbo ka tapos ako pa ang may kasalanan?" Ramdam ko na siya habang pumapalapit.
"Punasan mo muna ang mukha ko, bilis!" utos sa kaniya kahit naaasar na, siya talaga ang may kasalanan kung bakit ganito ako ngayon.
"Huwag ka kasing feeler, hindi kita gagalawin at isa pa hindi naman ako manyak!" Hinawakan ni Jez ang aking balikat. "Huwag ka nang tumakbo ulit ha?!"
BINABASA MO ANG
The Last Survival Escape
Ciencia Ficción(Completed) THE LAST SURVIVAL ESCAPE Escape Series #1 -:- If the zombies are approaching, there are two ways that we should actually make, to give our all in fighting them or to run as fast as we can just to escape and become a survivor in a zombie...