Chapter 24:
Fort Santisimo-Aztare Khrys Avellar-
-:-
Lahat ay nag-aabang sa sagot ni Titus sa aking tanong na kung nakagat ba siya ni Kearah, dahan-dahan nitong ibinuklat ang nakakuyom niyang palad at doon na namin nakita ang kaniyang sugat na may namumuong maliliit na ugat. Halos ang lahat ay hindi na maipinta ang kanilang mga mukha sa nakita, lalo na si Alice na ngayon ay nanginginig sa kaba.
"T-titus..." napatakip si Alice ng kaniyang bibig. "No, hindi ito totoo!"
Mabilis nitong niyakap si Titus ng sobrang higpit at humagulgol ng iyak na parang may nilalamayan.
"Titus, we got to cut that before the virus spreads to your whole body." Master Yoshi suggested.
"I'm fine, hindi niyo na iyon kailangan pang gawin sa akin. I know you can do it, malalagpasan niyo ito kahit wala ako at makakahanap kayo ng lunas." ngumiti si Titus at alam naman naming peke lamang ang mga iyon.
"This is my fault!" sinuntok-suntok pa ni Alice si Titus sa dibdib.
"Wala ng oras para magsisihan dito, I love you and I can do everything for you." hinalikan ni Titus si Alice sa labi at may ipinakitang picture.
"Alice, I'll keep this picture of yours incase na maging zombie ako, baka makilala pa kita dahil sa litratong ito. Sige na! Umalis na kayo." tinulak niya si Alice ng may kahinaan.
"Bro, we'll promise! Babalikan ka namin at hahanapin kapag nakahanap na kami ng lunas!" Gasper tap the back of Titus.
Kahit sila iyong aso at pusa ng magbarkada ay alam kong solid pa rin sila sa isa't isa. Marami na ang nangyari kaya hindi na dapat ito magiging malala pa.
"Titus!" wala pa ring hinto ang pag-iyak ni Alice na parang hindi alam kung ano ang gagawin nito.
"Sige na! Umalis na kayo!" napasigaw na si Titus at parang naiirita na sa pangungulit.
"Duwag ka talaga! Takot ka bang putulin 'yang kamay mo? Ayaw mo na ba akong makita pa?!" pasigaw pabalik ni Alice, mas lalong lumakas ang agos ng kaniyang mga luha.
"Because I trust all of you, please save the world..." umiwas si Titus at mabilis na tumakbo papalayo sa amin.
Hahabulin pa sana ito ni Alice pero mas hinigpitan ko ang pagkakapit sa kaniyang kamay. Tuluyang nawala si Titus at bumaba na ito sa bundok, hindi na namin alam kung saan na ito papunta o kaya magtatago.
"We should not waste any time, huwag niyong kalimutan ang mission natin, ang mga pangako natin. For Roselda and Doctor Johny, for Jules and Titus, for our parents, friends and love ones. Especially for the whole country." si Delvon ay naunang kumilos, hindi ito lumingon at diretso sa paglakad papalabas.
"Ako na lang muna ang magdadala kay Baby Lucky." isa pa to, wala na rin sa modo si Jez habang binubuhat ang bata, sabay sila ni Gasper na lumabas. I know their feelings right now, sobrang sakit talaga na mawalan ng kaibigan.
Sumunod naman kami sa kanila, ang mahirap lang dito ay kung magpapadala kami sa aming emosyon, dahil ang emosyong ito ay maaaring maging sanhi ng aming kapahamakan. Marami na ang nagsakripisyo at nasawi, kung hindi pa kami gagawa ng paraan ay walang kabuluhan ang mga sakripisyong iyon. Masasayang ang lahat ng aming naumpisahan!
Hingal na hingal kami nang makaakyat na kami sa pinakadulo ng bundok, halos mapaluhod na ako sa damuhan dahil sa kapaguran. Naramdaman ko ang pagtigas ng kalamnan ng aking binti dahil sa paitaas na daanan namin simula kanina.
Nanibago ako bigla sa nakita kong lugar, a wide field with a verdant green grasses and at the other side is a great ocean, what a kind of beautiful scenery that my eyes captured for today. Pero ang pinakamaganda kong nakita ay hindi ang lugar na ito kundi ang isang malaki at makalumang kastilyo sa dulo ng espasyong ito na parang makikita mo lang noong unang panahon at pina-iikutan ito ng matatayog na iron grills para hindi makapasok ang mga pesteng zombies.
BINABASA MO ANG
The Last Survival Escape
Science Fiction(Completed) THE LAST SURVIVAL ESCAPE Escape Series #1 -:- If the zombies are approaching, there are two ways that we should actually make, to give our all in fighting them or to run as fast as we can just to escape and become a survivor in a zombie...