Chapter 12:
Ultimate Chaos-Aztare Khrys Avellar-
-:-
Sobrang ingay ng mga nagsisigawang tao ang bumungad sa aking pagising, hindi ko alam ang nangyayari habang ako ay mahimbing na natutulog. I think hindi naman zombies ang mga iyon dahil wala ring pakialam ang mga kasamahan ko na nakahiga sa sahig habang nasa gilid ng kani-kanilang mga armas.
"Don't mind them, araw-araw ay may gulo sa mall na ito dahil walang nagpapatalo sa bawat isa. Everyone is competing with each other, the claiming of power, their trust issues and selfless desires." Inayos lang ni Jules ang bag na ginawa niyang unan at natulog muli.
Sobrang swerte namin kasi nasa loob kami ng isang resto-bar at kung pagkain lang ang pag-uusapan, siguradong hindi ka na magiging problemado pa kasi kahit saan ka tumingin ay may mga pagkain at mga sangkap sa pagluluto kang makikita rito. Hindi man ito kasing laki sa mga engrandeng restaurant na tinutuluyan ng ibang mga survivors ngunit nakasisigurado ako na sapat na ito sa aming lahat. Kumbaga ay isa lang naman itong pansamantalang tahanan para sa amin pero nabusog talaga ako kahapon sa pagkaing inihanda ng aking kasamahan.
Ngayon ay pinuntahan ko si Alice na parang may ginagawa malapit sa counter area, sa aking inaasahan ay kumakain siya roon na parang pusang hindi gustong maagawan ng isang black forest cake na may strawberry icing. Parati na lang pagkain ang nasa isip niya pero hindi naman tumataba.
"Wala ka bang ganang mang-imbita riyan?" Tinabihan ko ito sabay sa paglipad ng hawak niyang kutsara na puno ng icing at bumulusok sa kaniyang mukha.
"Damn Azy!" Pinunasan niya kaagad ang nakadikit na icing gamit ang tissue.
"Huwag ka namang manggulat! 'Yon na ang huling strawberry icing na matitikman ko sa aking buong buhay tapos nasayang pa!" Nakatingin lamang ito sa icing ng cake na nagkalat sa floor tiles.
"Is it a big deal for you?" Hinagod-hagod ko lamang ang kaniyang buhok habang siya ay nakatingin na ng masama sa akin.
Pinigilan kong tumawa at dumako na lamang sa kung saan naroon ang refrigerator. I open it slowly and surprisingly, there is full of chocolates, softdrinks, liquors and delicacies that makes my stomach sounds like their is something begging inside. Craving for this kind of foods will kills me so damn crazy!
Kinuha ko kaagad ang isang chocolate box at binuksan, natatakam na talaga akong kainin ito. Ready na akong kainin iyon ngunit may humawak sa braso ko upang mapatigil sa aking ginagawa, nasa harapan ko na ang tsokolate ngunit hindi ko pa tuluyang malasahan.
"Your sweetness killed my bro just like that chocolate, Azy! Sa tingin mo hahayaan lang kita?" Sa boses niya pa lang ay alam ko na kung sino siya at dahilan upang mabitawan ko ang hawak-hawak kong tsokolate.
"Titus?" Hindi ako makatingin sa kaniya nang matuwid. "A-anong g-ginagawa mo?" Nauutal kong sabi
Tumayo bigla ang lahat ng balahibo sa aking katawan dahil sa mga masasakit na titig niya sa akin. Oo alam kong may mali ako pero hindi sa ganitong paraan na parang ako ang pumatay kay Jez, we are all victims here! Tapos aksidente lang ang nangyari kay Jez kaya sino siya sa akala niya na isisi sa akin lahat ng nangyari sa kanilang kaibigan?
Mas tumitindi ang pagkakahawak ni Titus sa aking braso at ramdam ko ang kuko nito na dumiin sa aking balat. "Titus! Ano ba talaga ang gusto mo? Nakakasakit kana ah!"
Nagpumiglas ako ngunit ayaw niya pa rin akong bitawan. Gusto ko siyang sapakin pero ayaw kong lumala ang nangyayaring ito. He is not our enemy, he is just carried by his own emotions and I understand that pero sana intindihin niya rin ang kalagayan ko.
BINABASA MO ANG
The Last Survival Escape
Science Fiction(Completed) THE LAST SURVIVAL ESCAPE Escape Series #1 -:- If the zombies are approaching, there are two ways that we should actually make, to give our all in fighting them or to run as fast as we can just to escape and become a survivor in a zombie...