Chapter 19: Go Forward

1.2K 61 6
                                    

Chapter 19:
Go Forward

-Aztare Khrys Avellar-

-:-

Ngayon ay natatakot ako, natatakot akong may malalagas na naman sa aming kasamahan. Hanggang kailan pa ba ito? Ilan pang buhay ang masasawi sa isang napakalaking epidemya na dumating sa bansang ito? Bakit sa Pilipinas pa talaga?

"Stop! Huwag mo munang gawin iyan!" sigaw ni Doctor Johny.

"Patawad," sa bawat bigkas ni Roselda ng katagang iyon ay halata ang sakit na dulot. "Maaari ko bang makita ang aking anak sa huling pagkakataon?"

"Roselda, huwag mong sasabihin 'yan. Mabubuhay ka at makikita mo ang anak mo... ang anak nating dalawa." maraming nagulat sa sinabi niyang iyon.

Dali-daling kinuha ni Alice si Baby Lucky sa sofa at ibinigay sa totoong ama niya. Dahil sa amnesia ay wala na talaga siyang alam sa nangyayari, kung totoo nga ba ang sinabi sa kaniya ni Doctor Johny na siya ang ama ng kaniyang nag-iisang anak.

"I love you Roselda," sabi ni Doctor Johny. Napatingin naman si Roselda sa hawak nitong si Baby Lucky.

Umagos muli ang luha ng isang ina, isang luha na kahit dumurugo na ay isang napakatotoong luha na makikita mo lamang sa tunay na pagmamahal ng isang ina.

"I love you and I'll stay with you no matter what happens." Ipinahawak muli ni Doctor Johny ang anak niya kay Alice. "Please take care of our baby, I give my full trust in you."

Napatulalang kinuha iyon ni Alice at mabilis na lumapit sa kaniya si Titus na nag-aalala na sa nangyayari ngayon. This is not the twist they want to be, this is a very hard decision for them but they accept it.

Isang mahigpit na yakap ang ginawa ni Doctor Johny bago hilahin si Roselda sa gilid, kumuha ito ng makapal na lubid at itinali si Roselda sa isang poste ng kusina. Ano ang gusto niyang mangyari?

"I know what you are thinking right now, not the best idea but in the name of love, you are doing that." tinapik ni Master Yoshi ang balikat ni Doctor Johny at nag buddy hug silang dalawa.

"Hindi niyo na kailangang patayin si Roselda, I'll take care of her... please take care of yourself also." ngumiti ito sa amin at umupo sa gilid ng nanginginig na si Roselda, ang kaniyang pinakamamahal na asawa. Mas lumalala na ang kalagayan niya habang tumatagal ang oras.

"Tatapusin namin ang misyon na ito at sisiguraduhin namin na ibabalik namin sa dati ang bansang Pilipinas." Kumuha si Gasper ng baril at explosives, tinapik-tapik niya rin ang likod ni Doctor Johny pagkabigay nito sa kaniya.

"Hindi po namin kayo makakalimutan, just pray for us as we continue the journey. Salamat po." Napapaiyak na ako, halos lahat na pala kami ay napapaiyak.

"We promise. Aalagaan at poprotektahan namin si Baby Lucky, makikita niyo pa po ang inyong anak." Lumapit si Titus na hawak na ngayon si Baby Lucky at ibinigay ang huling halik ng ama sa kaniyang anak.

And the time comes, the transformation of a loving mother to a zombie is now fully completed. Naging berde na ang kaniyang mata at puno na ngayon ng nakakatakot na ugat sa kaniyang katawan habang gustong kumawala. Nakatingin ito kay Doctor Johny at gustong-gusto nito na maabot para kainin ng buhay.

Nakatingin din sa kaniya si Doctor Johny at nakangiti. Mabuti at malayo sila sa isa't isa kaya nakakasigurado ang kaniyang kaligtasan... sa ngayon.

Gagawin namin ang lahat, matutuldukan namin ang kadiliman na ito at magiging mapayapa na muli ang bansa. Babalik ang lahat sa dati, ang mga ngiti ay magiging katotohanan na sa tamang panahon.

The Last Survival EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon