Chapter 21:
The Sign-Aztare Khrys Avellar-
-:-
"D-dad?" Nakatulala ako habang tinititigan ang bawat detalye ng kaniyang buong pagkatao. Mula ulo hanggang paa.
Sobrang haba ng panahon ang nakalipas, kay tagal siyang nawala at inakala namin na patay na siya sabi ni mama pero heto ngayon at nakangiting nakatitig sa akin ang aking ama at sa wakas ay nakita ko na ang kulang na puzzle sa aking pagkatao.
"You need to get out of here, we will handle the zombie technology case at alam naming mayroon din kayong mga plano. Help your team outside and go straight to Fort Santisimo," mabibilis ang salita ng kasamahang lalaki ng aking ama.
"I miss you, and your mom. I have an eye to the both of you since I left," my dad's cold voice, gustong-gusto ko pakinggan ang kaniyang boses. "And you!" turo nito kay Jez.
"Take care of my daughter, I love her and please love her more than I did." mas lumamig pa ang boses ng aking ama at halata ang takot na ipinapakita ni Jez.
"S-sure! I will! I do! As long as my heart beats, I love her so much!" matapang at taos pusong tugon nito.
"We got to go now. Kailangan pa naming dalhin ang sample ng black box sa corporation, we are counting on you and to your team. Save our country!" pagkatapos sambitin iyon ng aking amahin ay nauna na silang lumabas at tuluyan ng nawala sa aming paningin.
Marami pa sana akong gustong itanong sa kaniya, sobrang dami pero sa ngayon ay hindi pa ang tamang panahon. The important thing is that I see my dad face to face, alam kong buhay siya at ramdam ko na hindi niya kami pinabayaan ni inay.
Kinuha na namin ang aming mga armas na nakalatag sa gilid ng pintuan na malapit sa mga bangkay ng mga hindi kilalang tao na lumiligo sa kanilang mga dugo.
Narinig na lang namin bigla ang mga putok ng baril, lumabas naman kami kaagad at bumungad ang mga walang buhay na tao. Hindi sila bagay na tawaging tao dahil mga hayop sila sa mundong ito, sila ang nagmanipula ng mga zombie technology.
"Bumaba na tayo Khrys." Hinila ako ni Jez at sumabay naman ako sa kaniya.
Gusto kong makarating sa Fort Santisimo para sabihin ang mga nalalaman namin at para malaman ko kung ano ang ginagawa ng gobyerno sa isang epidemyang ito. Kung bakit wala kaming nakikitang pwersa ng militar na umaaligid sa paligid maliban sa grupo ni ama na may mission ngayon at iyon ay tuklasin ang puno at dulo ng zombie technology.
Tumakbo kami kaagad nang makalabas kami sa malaking gusaling iyon, bumungad lamang sa amin ang mga sirang katawan ng mga zombie technology na parang sumabog ng kusa. Hinanap namin ang aming kasamahan pero ni isang anino nila ay wala kaming nakita.
"Where did they go?" iniikot ko ang aking paningin pero wala talaga.
"Hindi naman siguro nila tayo iiwanan ng ganito!" Napakamot naman si Jez ng ulo sa inis.
Sabay kaming napalingon nang lumabas doon ang isang itim na hummer car, nakasakay ang aking ama roon at ang kaniyang kasamahan na lalaki.
Maya-maya ay may tumunog na sobrang lakas na busina, isang tren na kulay pula na hindi gaanong kahaba. Medyo makaluma na ito at kinakalawang na rin. Umuusok-usok pa ito at nakakapanindig balahibo ang tunog habang tinatahak ang riles nito na kahit luma rin ay matibay pa naman.
"Sumakay na kayo bilis!" Lumabas ang ulo ni Gasper sa unahang bintana at sumisigaw.
"Ano 'to? Joy ride?" Hinawakan ako ulit ni Jez. Bawat oras ba ay hahawakan niya ako? Walang bitawan na talaga to? Promise na?
BINABASA MO ANG
The Last Survival Escape
Science Fiction(Completed) THE LAST SURVIVAL ESCAPE Escape Series #1 -:- If the zombies are approaching, there are two ways that we should actually make, to give our all in fighting them or to run as fast as we can just to escape and become a survivor in a zombie...