Prologue

769 19 2
                                    

Prologue

Way back year 2014

Light rainfall started to meet the dry cemented grounds as I walk towards our house.

Kakagaling ko lang sa school kung saan ako nag aaral ng ika anim na baitang sa elementary at nasa loob ng bag ko ang magandang balitang ibubungad ko kay Mama.

"Mama nandito na po ako."

Sigaw ko mula sa pintuan ng bahay namin bago ko hinubad ang sapatos at medyas ko. "Oh anak, gusto mo ba ng kapeIpagtitimpla na kita

Alok ni Mama bago pa ako makapasok sa kwarto namin ng aking kapatid

"Opo Ma! Konti lang po yung asukal ha magbibihis lang po ako" Sigaw ko at tuluyan nang pumasok sa kwarto.

Pagpasok ko sa kwarto ay naabutan kong nakahiga si Tonton at may hawak hawak na libro tungkol sa mga hayop. Masasabi kong maluwag ang kwarto namin ng kapatid kong si Elton dahil naka double deck kami at maluwag pa ang studying area namin.

"Tonton,labas ka muna ng kwarto tulungan mo si Mama sa labas.Susunod narin si Ate,magbibihis lang ako" Simpleng sabi ko sa nakababata kong kapatid. Agad naman siyang bumangon mula sa kama at lumabas ng kwarto namin. Tumingin ako sa labas ng bintana at napangiti ako dahil basang basa na ang mga hanging plants ni Mama.

Kumuha na ako ng damit pang palit at lumabas narin ng kwarto para mag tungo sa banyo na katabi ng kwarto ni Mama 

"Anak ito na yung kape mo ,bilisan mo nang mag bihis"

Sabi ni Mama na nakaupo sa sofa at nanonood ng tv kasama si Elton. Pumasok na ako sa banyo at mabilis din akong natapos. Sinampay ko na ang mga basa kong damit sa maliit naming bakuran bago muling pumasok sa bahay namin "Telhalika na dito. Mag pahinga ka narin" Sabi sakin ni Mama nang tapikin ang tabi niya.

Inabot ko na ang paborito kong mug at ininom na ang kape "Kamusta naman ang araw mo? Napagod ka ba?" Tanong sakin ni Mama habang pinupunasan ng tuwalya ang medyo basa kong buhok.

Napangiti ako nang maalala na may ipapakita nga pala ako sa kanila "Mama wait lang po,may kukuhanin lang po ako sa kwarto

Biglang sabi ko kay Mama at tumayo na, halata naman ang gulat sa mukha niya.

Binitbit ko ang mug ko at pumasok na sa kwarto, pinatong ko sa study table ang bitbit ko at kinuha na ang certificate at ribbon na nasa loob ng bag ko. Iniwan ko sa study table ang baso ng kape at lumabas na ako ng kwarto habang itinatago sa likod ko ang mga hawak ko. Nagtatakang naka tingin sakin si Mama dahil naka ngiti akong lumabas ng kwarto

"Ate mukha kang ewan"

Biglang singit ni Tonton kaya naman napa irap ako.

Epal talaga tong batang to. Ipinakita ko na sa kanila ang hawak ko at nanglaki ang mga mata ni Mama nang makita niya ang naka sulat sa certificate "Nag rank 1 ka ulit anak? I'm so proud of you!" Tili ni Mama bago ako niyakap. Maya maya pa ay sumingit samin si Tonton at bahagya siyang tumingin sakin 

"Congrats Ate" Malambing na sabi ni Elton kaya naman nginitian ko siya.

Humiwalay na si Mama sa pagkakayakap at tumingin siya sakin "Anak, baka naman pinapagod mo na yang sarili mo sa pag aaral ha. Alam mo namang masaya na kami kahit hindi ganyan kataas ang mga grades mo" May pag aalalang sabi ni Mama kaya naman napangiti ako.

Our Past Connected UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon