Chapter 2
I woke up early and it's only 5:00 in the morning.
After brushing my teeth and washing my face, I already changed my clothes to my jogging attire. As I was tying the lace of my shoes, Chlowie suddenly got up from her bed.
Making me stop from what I'm doing.
Dire diretso siyang naglakad papunta sa banyo at nang lumabas siya ay nahiga na ulit siya sa higaan niya.
Mukhang nag puyat na naman silang dalawa kagabi kaka kwentuhan. Nang matapos kasi ako sa pag aayos ng mga gamit ko ay nagpaalam na ako sa kanilang mauuna na ako sa pagtulog.
"Goodmorning Estelle" bati sakin ng landlady na siyang taga bantay sa dorm namin.
Balita ko ay matanda siyang dalaga, hindi naman suplada at meron ding maipapakitang ganda nakakapag taka lang bakit wala siyang boyfriend "Goodmorning Ate Shen"
Bati ko pabalik sa kanya nang bahagyang naka ngiti.
Sabi nila Rei suplada raw talaga yan, sakin lang daw talaga mabait.
Nakalabas na ako ng dorm dahil ang opening hours ng dorms ay 4:30 am, tuluyan na akong naglakad papunta sa oval "Bakla!" Rinig kong tili ni Sef, agad akong lumingon sa pinanggalingan ng boses niya at ang laki laki na naman ng ngiti niya
"Good morning"
Bati ni Dwight na nasa likod niya.
At the moment he's not wearing his eye glasses and its really better that way "Morning"
Maikling bati ko sa kanya at hinarap na ang baklang Sef "Tapos na kayo mag jog?" Tanong ko habang nilalagay ang earphones sa cellphone ko
"Oo bakla, kanina pa nambulabog to si Dwight. Akala siguro gising ka na ng 4:30, maharot kang lalaki ka" Biro ni Sef at agad siyang sinakal ni Dwight gamit ang braso niya.
Halatang nahihirapan si Sef dahil ang totoo, mas malaki talaga ang pangangatawan ni Dwight sa kanya. "I'll go now,kita kita nalang mamaya sa cafeteria"
Pagpapaalam ko sa kanila at sabay na silang kumaway
Bago ko naiusuot ang earphones ko ay narinig ko pa ang tawa ni Sef kaya naman napa iling nalang ako.
Tuluyan na akong nakarating sa oval at pinony ko muna ang buhok ko,bahagya akong nag stretch at tuluyan nang nag jogging.
This have always been my morning routine, everyday.
Pero kapag may classes at napuyat ako noong gabi ay sapat na ang pag takbo ko papunta sa classroom namin dahil na late ako nang gising.
Tatlong beses kong iniikot ang buong oval ngunit noong nasa pangalawang lap na ako ay may bumato sakin ng towel.
It was Rei, I glared at her and she made a peace sign with her fingers.
Tinanggal ko na ang earphones ko nang makalapit na sila sakin
"Ano na naman yang trip mo?" Tanong ko sa kanya at agad siyang sumimangot "Hindi mo manlang kami ginising ni Chlowie"
Kunwaring nagtatampong sabi ni Rei sakin kaya naman napangisi ako "Kahit gisingin ko pa kayo siguradong kakarating niyo parin lang ngayon,kilala ko na kayo.Kahit mag j-jogging lang puro make up pa mga mukha niyo"
BINABASA MO ANG
Our Past Connected Us
Teen FictionPeople from the past can cross paths with you in the present. Maybe it's because they still need to finish their role in your life or they are part of your suffocating and traumatizing past that needs to hurt you with the truth for you to heal your...