Chapter 8

132 5 0
                                    

Chapter 8

"Kuya Jexter wag mo namang ubusin yung ulam" naiinis na sabi ng kapatid ko kay Jexter

The four of us were here at the dining table to eat dinner

At gaya ng sinabi ni Mama ay ipinagluto niya nga kami ng hapunan "Ang dami dami pa oh" segunda naman pabalik ni Jexter kay Elton "Wag na kayong mag talo nasa harap kayo ng pagkain" natatawang suway sa kanila ni Mama

Napailing nalang ako dahil ang laki laki na naman ng ngiti ni Jexter.Akala mo hindi nakaka kain sa Dhelmore

"Ma kumain narin po kayo" anyaya ko kay Mama na nakatayo sa gitna ng upuan nila Jex at Elton

"Sige lang,maya maya na ako Estelle" she said with a genuine smile

Hoping she's not faking it.Sinimulan ko nang kumain at napangiti naman ako. Papa used to help Mama cooking for our dinner.That's why Elton and I grew up being healthy enough. Wala paring mas sasarap sa sinigang na hipon pati pork steak ni Mama

"Masarap ba?" tanong ni Mama kay Jexter na pandalas nang subo ng gulay galing sa sinigang. Sinunod niya naman ang isang buong hiwa ng pork steak kaya kami nagka tinginan ni Mama "Ang takaw"

Sabi ko nang walang boses at bahagya namang natawa si Mama. Agad kong sinalinan ng guyabano juice ang baso ni Jexter dahil nabulunan siya

"Ayan,katakawan.Akala mo laging mauubusan" I said which made him glared at me "Kasalanan ko bang masarap magluto si Tita?" segunda niya at sinamaan ko na siya ng tingin "Elton oh" sabi ko sabay abot sa basi ng juice sa kapatid ko "Thanks"

Mama looked so touched because of Jexter being with us here tonight.Parang kaming tatlo yung anak niya. She looked happy lalo na kapag dinadaldal siya ni Jexter. I continued eating my meal and so Jexter and Elton did.Si Mama ay sumabay narin samin para isang ligpitan nalang mamaya

"At dahil si Jexter ang pinaka maraming nakain,siya ang magliligpit"

Anunsyo ni Mama nang malikom na namin lahat ng ligpitin sa lababo

"Kung gano kadami yung kinain,ganon karami yung liligpitan"

Dagdag pa ni Elton na nasa salas na at si Jexter naman na nagpupunas ng lamesa ay biglang napaubo

"Ahh ako po?"

Tanong ni Jexter kay Mama na siyang katabi ko na nakasandal din sa lababo. Sabay naman kaming tumango ni Mama

"Ahh ako nga"

Sabi ni Jexter at dumiretso na siya nang tayo. Agad naman kaming natawa ni Mama dahil sa reaksyon niya.He already walked towards us and reached for the apron

"Naniwala ka naman,para kang batang paiyak na" pang aasar ko sa kanya at tumawa naman siya nang pilit

"Magpahinga na muna kayong dalawa,si Elton na ang bahala dito sa mga ligpitin" sabi ni Mama kaya naman sabay na kaming tumango ni Jex "Elton,saan ka muna matutulog?"

Our Past Connected UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon