J-16
Tatalikod na sana siya nang bigla nitong hawakan ang kanyang kamay.
"Don't leave me," anito ngunit mahina ang boses.
"Magpahinga ka na," aniya at inalis ang kamay nito. May parte man sa loob niya na gustong mag-stay pero hindi puwede. Kailangan nitong magpahinga.
Tatalikod na sana siyang muli nang hilahin siya nitong muli dahilan para mahiga siya sa kama. Bigla siya nitong niyakap mula sa likod.
"Please stay," muling ani nito. Sandali pa siyang natigilan nang marinig niya ang sunod-sunod nitong paghagulhol.
Bigla siyang nataranta at agad na bumaling upang makita ang mukha nito.
"B-bakit?" naguguluhan niyang tanong. Bigla siyang nag-alala ng todo.
"Please stay," ulit nito. Tumango lamang siya. Umiiyak pa rin ito at masakit sa kalooban niya na makitang ganito si Cole. Ito ang unang beses na nakita niyang nagkaganito ito at talagang umiyak pa sa harapan niya. Pinunasan niya ang basang pisngi nito.
"May problema ba?"
"I... I lost another patient," sagot nito.
Nakagat niya ang kanyang labi. Hindi nga madali ang problema nito. Doktor ito at siguro iniisip nito na wala itong nagawa para isalba ang buhay ng kanyang pasyente.
"It's God's will."
"No, I could've save her but I didn't. Just like what I did to my wife."
Doon siya natigilan. Misteryo rin sa kanya kung ano ang ikinamatay ng awasa nito. Oo nga't nagkuwento ito ng konti pero hindi naman buo at palagi nitong iniiba ang usapan sa tuwing umaabot sila do'n.
Mataman lamang siyang naghintay sa susunod na sasabihin nito.
"It's all my fault! I let her die without doing nothing."
Awang-awa siya kay Cole. Umipod siya upang yakapin ito at hagurin ang likod nito.
"Hindi mo kasalanan iyon. Huwag mo isipin iyan," aniya at hindi maiwasang mangilid ang mga luha.
Umiyak lang ito nang umiyak hanggang sa makatulog ito na ganoon ang kanilang ayos. Dahan-dahan siyang umatras at kinumutan ito. Nanatili siya sa ganoong puwesto na nakahiga sa tabi nito. Hindi siya makaalis dahil nakaangkla ang braso nito sa kanyang baywang.
Mahimbing na ang tulog nito at laking pasasalamat niya't maayos itong nakauwi sa kanila gayong may matindi pala itong pinagdadaanan. Buti na lang at nakayanan pa nitong magmaneho kahit na lasing ito.
Napatitig siya sa kisame. Kulang pa rin ang kinuwento nito. Curious pa rin siya kung bakit sinisisi nito ang sarili. Nakagat niya ang kanyang labi.
"Oh, Si Tomas..." utas niya nang may maalala.
Dahan-dahan siyang gumalaw upang abutin ang telephone at nag-dial ng number.
"C.E Villaraza Medical Group. May I help you ma'am?"
"Ahm, Can I speak with Tomas?"
"Yes ma'am, speaking..."
"Oh, Tomas, si Jenny 'to," halos pabulong niyang ani.
"Jenny? Napatawag ka? Wait, don't tell me long distance 'to? At bakit sa hospital ka tumawag? Bakit hindi sa phone ko? May nangyari ba kay Lolo Miguel?"
"Alam mo ikaw, ang dami mong tanong..." iritado niyang ani.
"Okay, I'll drop this off. Thank you for calling ma'am."
"Hoy! Teka lang!" aniya at muntik pa niyang masigawan ito.
"Paliwanag na kasi, bilis at marami pa akong trabaho."
"May kakilala kang Doctor Cole Iane Lazarte?"
Saglit pa siyang natahimik nang biglang gumalaw si Cole sa kanyang tabi para yakapin siya ng todo.
"Oh? Si Doc. Pogi!"
"Ang bilis mag-switch ah?" pigil tawa niyang ani.
Tumikhim naman ito.
"Lalaki kaya ako. Nagbibiro lang ako. Ang seryoso kasi ng tono mo. Anong sadya mo kay Doc. Lazarte? Wala siya dito sa ospital ngayon. Nasa bahay siya ng isa sa mga pasyente niya."
Napangiti siya.
"Curious lang ako sa kanya," pagsisinungaling niya.
"Hmm? I smell something fishy," anito pa.
"Come on Tomas, just tell me his whereabouts," iritado na niyang ani habang binabantayan pa rin ang mahimbing na pagtulog ni Cole.
"Wala naman akong masiyadong alam sa kanya pero iyong kuwento na hindi mamatay-matay dito sa ospital e iyong tungkol sa asawa niya."
"Tapos?"
"Ang kuwento sa akin ng mga kasamahan ko dito, namatay ang asawa ni Doc. Lazarte dahil sa brain tumor. Kung hindi ako nagkakamali, five years na itong patay. That's so tragic Jenny. Doc. Lazarte is a neurosurgeon, pero bawal sa batas ng ospital na ikaw ang gumawa ng surgery sa kamag-anak mo, kahit asawa mo pa. Walang nagawa si Doc. Lazarte. Habang nasa operating room, hindi na kinaya ng katawan no'ng babae kaya nawalan ng saysay iyong operation. And I think, Doc. Lazarte is still mourning and blamed himself for the death of his wife. Narinig ko rin kasi dito sa ospital na hindi pala sinabi no'ng babae na may sakit siya. Kaya hayon, hindi yata naagapan din."
Wala sa sarili niyang pinahiran ang kanyang pisngi. Tumutulo na pala ang kanyang mga luha sa mata.
"Jenny?"
Tumikhim siya.
"Yes. I'm still here. Salamat sa information Tomas."
"May utang ka na naman sa akin."
"Best friend mo 'ko, kapal nito. Sige na."
"Buraot!"
Hindi na niya ito pinansin at ibinaba na niya ang telephone. Mas lalo siyang naawa kay Cole. Hindi pala madali ang pinagdaanan nito. Namatay ang asawa nito nang wala siyang nagawa. At tama nga si Tomas, Cole is still mourning and longing for his wife. He still blamed himself kahit na limang taon na pa lang patay ang asawa nito.
Umayos siya sa pagkakahiga at pinagmasdan ang maamo nitong mukha.
Ma-ingat niyang pinadaanan ang mga bahagi ng mukha nito gamit ang kanyang index finger.
"Hindi mo kasalanan iyon. Huwag mo sanang sisihin ang sarili mo," bulong niya bago nagpahila sa antok.
BINABASA MO ANG
SEÑORITA SERIES 3: JENNY (PUBLISH UNDER IMMAC PPH)
RomanceR-18 Not suitable for young readers. Contains explicit mature content. Parental guidance must advice. Ang librong ito ay kuwento po ni Cole.