J-36
HE DROVE fast as much speed he wanted. Thank God, there's no traffic on his way home.
When he finally reached his residential address, he immediately press the horn to infom his security guard that he's already in front of the gate.
Agad din namang bumukas ang gate, nasa kalahati na siya sa pagpasok ng kanyang kotse nang bigla siyang lumabas. Ibinigay niya sa guwardya ang susi.
"Park it please."
"Okay po sir."
"Si Jenny ba umuwi?" tanong niya habang kinukuha ang gamit sa likod ng kanyang sasakyan.
"Umuwi naman po sir."
Nakahinga siya ng maluwag. Ang akala niya kasi'y naglayas na naman ito.
Pumasok na siya sa loob at sinulyapan ang kanyang suot na relo. It's already ten-thirty in the evening. By now he guess, baka tulog na ito.
Diretso siya agad sa hagdan, patungo sa kanilang kuwarto pero nang buksan niya ang pinto, agad na kumunot ang kanyang noo. Wala sa kuwarto si Jenny. Agad niyang nabitiwan ang kanyang dalang mga gamit at napatakbo pababa sa hagdan.
"Manang Lita! Have you seen Jenny!? Where is she!?" tanong niya nang makita ang matandang katulong.
"Nako, hindi ko napansin. Hindi ba umuwi?"
Agad siyang kinabahan.
"Aneta, Lina, Myerna!" tawag niya pa sa ibang katulong.
Agad namang nagsilapit ang mga ito.
"Si Jenny ba nakita niyo?"
Itinaas naman ni Lina ang kanyang kamay.
"Nasa chapel po sir."
Hindi na siya sumagot pa at agad na tinungo ang kanyang mini chapel.
Nang umapak ang mga paa niya sa loob ng chapel ay agad siyang nakahinga ng maluwag. He saw Jenny, laying on the chair.
Nang lapitan niya pa ito'y agad niyang nakitang mahimbing na ang pagkakatulog nito.
He kneel down and fixed her messy hair. Mahina itong umungol ngunit hindi naman nagising. Tumayo siya at dahan-dahan na binuhat ito.
Habang bibit niya si Jenny papunta sa silid niya'y pansin na pansin niya ang pamamaga ng mga mata nito. He guess, she's been crying for too long and fell asleep.
"Diyos mahabanging langit," bulalas pa ni Manang Lita nang makita silang dalawa.
"Please bring me a coffee, Manang Lita."
"Ay oo, masusunod."
Umakyat na sila sa hagdan at nang makarating sa silid nila'y maingat niyang ibinaba si Jenny sa kama. Inalis niya ang sapatos at medyas nito. Tinanggal niya rin ang bag na nakasabit pa sa balikat nito at tinabi.
Hinila naman niya ang kumot upang kumutan ito. May kumatok naman sa pinto kaya agad siyang lumapit at binuksan ito.
"Salamat dito sa kape Manang," aniya.
"Ayos lang ba ang asawa mo Cole?"
Tipid siyang ngumiti.
"May tampuhan lang po kami."
"Ganoon ba, oh siya sige, magpahinga ka na rin."
He just nod.
Isinirado niya na ang pinto at hinigop ang kapeng hawak niya. Pagkatapos ay inilapag niya ito sa side table, malapit sa kama at inabala ang sarili na makapagpalit ng pantulog.
Tumabi din naman siya agad kay Jenny pagkatapos niyang inomin lahat ang kape niya.
Pinagmasdan niya si Jenny. He sighed heavily. She's so pure and innocent. At pakiramdam niya'y napakasama niyang tao dahil lagi na lamang niyang pinapaiyak si Jenny. Yes, there were times na hindi siya ang rason, but when you consider the fact that Jenny is staying under his care, he would feel very guilty. Siguro'y bukas na lamang niya ito kakausapin.
Bigla naman itong umungol at yumakap sa kanya.
He don't know what's gotten into him but he hugged her back. So gently, like a fragile item. He sighed again. Sobrang gaan ng pakiramdam niya sa tuwing kayakap niya si Jenny. Oh God, one thing is for sure, he's starting to like cuddling with Jenny.
MAAGA siyang nagising, nagulat pa siya nang makitang kayakap niya na si Cole. Napangiwi siya at agad na kumalas sa yakap nito. Diretso siya agad sa banyo para maligo at magpalit ng damit.
Nang matapos siya'y inis na inis pa rin talaga siya sa tuwing nakikita niya si Cole. Na para bang wala lang nangyari kagabi.
Pinunasan niya ang kanyang basang buhok at itinabi din naman ang tuwalyang ginamit niya. Umuna siyang lumabas ng kuwarto.
"Good morning po ma'am," bati ni Aneta sa kanya.
"Morning po," sagot din naman niya at bumaba na sa hagdan. Diretso siya sa kusina.
"Good morning Jenny," bati naman ni Manang Lita.
"Good morning po."
"Gusto mo ng gatas, ija?" Tumango siya. Agad din naman siyang pinagtimpla nito.
"Siya nga pala ija, baka gusto mong magpaluto ng gusto mo? Tuwing linggo kasi ay cheat day ni Cole. May gusto ka bang kainin?"
Saglit siyang napa-isip.
"Beef steak with pasta po," sagot niya.
Saglit namang napa-isip ang matanda.
"Nako, hindi ko pa naluluto iyan," pag-amin nito. Napangiti siya.
"Ako po bahala."
Agad siyang lumapit sa fridge at inilabas ang mga rekadong gagamitin niya sa pagluluto. Ibinigay din naman sa kanya ni Manang Lita ang pasta na kailangan niya at ito na rin ang nagpakulo. Iyon lang daw kasi ang alam nito.
She was busy slicing and then marinating the beef when Cole appears.
Sinulyapan niya lamang ito. Pansin naman niyang kumuha ito ng baso. Agad siyang umurong nang tumabi ito sa kanya para kumuha ng tubig.
"Jenny, handa na ito," sabi pa ni Manang Lita sa kanya.
"Sige po," aniya at agad na kinuha ang stainless strainer para e-drain ang pasta, pagkatapos ay itinabi niya na ito.
Umupo naman si Cole sa harapan niya pero hindi niya ito tinapunan ng tingin. Napapatingin naman si Manang Lita sa kanilang dalawa at mukhang nahahalata na nitong hindi talaga sila okay ni Cole.
"Coffee?" biglang alok ni Manang Lita kay Cole.
"Sure," tipid naman nitong sagot at muli sa kanya na naman tumingin.
But then she was focusing herself not to be distracted by Cole's presence.
Nagsimula na siyang magluto. Habang nagluluto siya'y nakamasid lamang sa kanya si Cole.
"Nako, ang galing pala nitong asawa mo Cole. Marunong sa gawaing bahay," puri pa ni Manang Lita.
"Of course, she's good in everything."
She glared at Cole then back to what she was doing.
"Ay maiwan ko muna kayong dalawa at may lalakarin pa kami ni Elias," ani Manang Lita.
Naiwan silang dalawa ni Cole.
BINABASA MO ANG
SEÑORITA SERIES 3: JENNY (PUBLISH UNDER IMMAC PPH)
RomanceR-18 Not suitable for young readers. Contains explicit mature content. Parental guidance must advice. Ang librong ito ay kuwento po ni Cole.