J-26
ILANG oras matapos siyang makapag-empaki ay tinawag na siya ni Cole. Kinuha nito ang kanyang mga maleta at isinakay sa kotse nito.
"Señorita Jenny, mag-iingat ka lagi ha," ani Manang Lupe.
Muli ay mangiyak-ngiyak siyang yumakap dito at malungkot na tinapunan ng tingin ang iba pang mga kasambahay. Ang kanyang Tita Jean naman ay masayang nakatingin sa kanya.
Lumapit siya dito.
"Nanalo ka ngayon Tita, pero sisiguraduhin ko sa iyo. Babawiin ko sa iyo ang hacienda."
"Oh dear. I'm scared. As if you can easily get this hacienda from the true heir. And that's me!"
Umigting ang kanyang panga. Sasagot pa sana siya pero hinila na siya ni Cole at pinapasok sa kotse. Sumunod din naman ito sa loob.
"Jen..."
Bumaling siya kay Cole.
"Be strong, okay?"
Tumango siya.
"Don't worry about your aunt Jean. She don't deserve to light a candle for Don Miguel's ashes."
Umawang ang bibig niya.
"Dinala mo?" Ang tinutukoy niya ay ang porcelain jar na naglalaman ng ashes ng kanyang Lolo Miguel.
"Of course! Not just that, kasama din ang jar ng Lola mo" anito at pinaandar na ang kotse.
Napangiti siya sa ginawa nito. Despite of the fate she's going through. She's still thankful enough to know that she had one person now to rely on and it's Cole. Hindi man totally panatag ang loob niya sa pag-alis siya hacienda pero dahil sa sinabi ni Cole sa kanya, panghahawakan niya ang pangako nitong matulungan siyang mabawi ang kanyang hacienda.
AFTER so many hours of traveling, finally they've reached Cole's residential address. At doon siya namangha dahil sa lugar na pinagdalhan sa kanya ni Cole. Dinala siya nito sa iyang subdivision, not just a plain residential subdivision but a luxurious place. Sino ba ang hindi mamamangha sa Forbes subdivision. Mayayaman lang ang kayang tumira sa lugar na ito at hindi niya inakalang ganoon kayaman si Cole.
"Saan nga pala 'to?" bigla niyang tanong habang ang mga tingin niya'y nasa labas ng sasakyan.
"Sta. Rosa, Laguna."
"Oh," sambit niya.
Hindi niya talaga maiwasang ma-amazed. Iba't ibang klase kasi ng design ng bahay ang nakikita niya. Not just a typical house but its a mansion by the way. Yes, mansion ang bahay niya sa Cebu but not like here, it's so modern and elegant.
Huminto sila sa isang malaking bahay at nang tumapat sila sa gate ay agad din naman itong nagbukas.
"Walang tao?" puna niya pa.
"Oh I think they're still in supermarket and I guess some of my maids are in my other house. Actually this is my new house. Maliit ang nakuha ko dati so I decided to buy a new one since now that I am not living alone anyway."
Napalunok siya sa narinig. Ibig sabihin, bumili ng bagong bahay si Cole para sa kanya? Agad niyang pinilig ang kanyang ulo. She must be assuming. Cole wouldn't do that thing for her. Masiyadong kalabisan na iyon para sa isang gaya niya na hindi naman espesyal sa buhay nito.
"Come on," yaya nito.
Tumango lang siya at lumabas na ng sasakyan. Sumunod siya kay Cole.
Binuksan nito ang pinto. Nang tuluyan nitong mabuksan ang pinto ay agad na bumungad sa kanya ang malawak na espasyo ng bahay. Ang ceiling na may mahabang chandelier at ang mamahaling mga gamit. Nakagat niya ang kanyang labi. Hindi naman siya lumaking ignorante kahit nasa probinsya siya pero hindi niya maiwasang mamangha sa bahay ni Cole.
"Come on Jenny," tawag ni Cole sa kanya. Nasa kalagitnaan na ito ng hagdan. Agad din naman siyang sumunod.
"You should be resting for now and please, don't stress yourself. Just think this as a vacation only if you're not that comfortable, okay? And no more crying."
Sasagot na sana siya ngunit napuna niyang parang may mali. May nakaharang kasing mga plastic cover sa dalawang pinto na kanilang nadaanan.
"Saan ang kuwarto ko?"
"Oh, nakalimutan kong sabihin sa iyo Jenny. Isang kuwarto pa lang ang puwede nating gamitin. Actually, I am still on renovation process. Right there was supposed to be your room but sadly, the workers won't get it done as fast as I wanted. Is it okay with you?" Hindi siya agad nakasagot.
"If you're not comfortable I can sleep at my office, down there."
Agad din naman siyang umiling. Naalala niya. Asawa niya na ito, bakit sila maghihiwalay ng kuwarto? Pero may bumabagabag din sa kanya. Nakalimutan niyang hindi pala talaga sila literal na mag-asawa. Napilitan lang si Cole, kahit pa sabihin niyang mahal niya ito.
"Ayos lang, malaki naman siguro ang kama, 'di ba?" hindi niya makatinging sagot kay Cole.
Nahalata naman niyang pati ito ay bigla ding nag-iwas ng tingin.
"Go on. Isusunod ko na lang ang mga gamit mo."
Tumango lamang siya at pumasok na sa loob. Hindi nga siya nagkamali dahil Queen size pala ang kama. Puwede siyang magpagulong-gulong dito kahit katabi niya pa si Cole. Agad siyang sumampa sa kama at tumihaya. Bago sa kanya ang lugar, bahay at pati na ang mga taong makakasalamuha niya sa pananatili niya dito. Kailangan niyang mag-adjust. Kailangan niya iyon lalo pa at nagsasama na silang dalawa ni Cole sa iisang bobong.
Huminga siya ng malalim at bumaba sa kama. Tinungo niya ang banyo. May sariling jacuzzi. Gusto niyang manlumo. Ganitong banyo ang gusto niya pero hindi naman siya ganoon ka-materialistic kaya hindi niya na nagawa pang mag-request sa kanyang Lolo Miguel noon na magpalagay ng ganoon sa kanyang banyo.
Isinirado niya ang pinto ng banyo at umagaw sa atensyon niya ang walk in closet ni Cole.
Hinila niya ang isa sa mga drawer nito at kinuha ang isang mamahaling relo nito para tingnan.
"Grabe. Ganito ba talaga siya kayaman?" bulong niya sa sarili.
"Jen..."
Nabitiwan niya ang hawak niyang relo dahil sa pagkagulat.
"S-sorry," aniya at agad na pinulot ang relo at ibinalik sa drawer. Ngumiti lang si Cole sa kanya at ipinasok na nito ang kanyang maleta.
"There's a vacant there. You can place your things righ there."
Itinuro ni Cole ang isa pang Closet na nasa likuran niya lamang. Nahihiya naman siyang tumango. Tumango lang din naman ito at lumabas na ng kuwarto. Diretso siyang bumagsak sa sahig at sinapo ang kanyang dibdib. Her heart beats rapidly. Talagang nagulat siya sa biglaang pagsulpot nito.
Tumayo siya at inayos ang kanyang sarili. Kinuha niya ang kanyang maleta at nagsimula nang ayusin ang kanyang mga gamit.
BINABASA MO ANG
SEÑORITA SERIES 3: JENNY (PUBLISH UNDER IMMAC PPH)
RomanceR-18 Not suitable for young readers. Contains explicit mature content. Parental guidance must advice. Ang librong ito ay kuwento po ni Cole.