J-38
NAGBIBIHIS na siya ng bagong pamalit sa kanyang panty nang may tumawag kay Cole. Sinilip niya ito. May kausap na ito sa cellphone. May pinindot ito sa screen at lumakas ang boses ng kausap nito. Humilata pa si Cole sa kama at itinabi lamang ang cellphone nito.
"Yes?"
"Hey, wanna have some pizza party?"
"For what?"
"I told you I'll be visiting you."
"With Julie?"
"Of course with my cupcake."
"Okay. Nasa bahay lang din naman kami ni Jenny," sagot nito at bahagya siyang sinulyapan ni Cole.
Nataranta naman siya at nagkunwaring may ginagawa sa kanyang kabinet. Nang silipin niya ito'y di na ito nakatingin sa kanya.
"Okay. We'll be there in fifteen minutes."
"Sure."
Pinatay na nito ang tawag at bumangon mula sa pagkakahiga sa kama.
"What are you doing?"
Nataranta siya ulit.
"Ha? Wala! Iyong ano ko..." Ininguso niya pa ang kanyang mga labi sa direksyon ng pantalon ni Cole.
Hinugot nito sa bulsa ang kanyang panty at biglang itinapon sa basurahan.
Laglag ang kanyang panga.
"Ibibili kita ng bago, because if you're going to keep that thing, masusugatan lang ang kamay mo kapag nilabhan mo 'yon."
Natahimik siya. May point ito pero hindi e, panty niya iyon.
"Pero Cole..."
"Change your dress," utos nito.
"Ha? May mali ba sa suot ko?"
Agad naman niyang tiningnan ang kanyang ayos sa harap ng whole body mirror. Sout niya'y bagong blouse at bagong palda.
"Just wear a pajama."
Agad naman siyang napatingin kay Cole.
"Pajama? Eh mainit e..."
He glared at him. Napakurap siya.
"Long dress?" suhestiyon niya pa kahit hindi naman niya alam kung ano ang totoong dahilan kung bakit bigla siya nitong pinagbawalang magsuot ng palda.
"Better," sang-ayon nitong bigla.
Tumango siya.
"I'll wait you downstairs."
"Okay," she said while she gesture an 'okay' sign.
Nagbihis na siya. Pagkatapos niyang makapagpalit ng damit ay sumunod din naman siya agad kay Cole.
"Here she come," ani Cole nang makababa siya sa hagdan.
May dalawa silang bisita. She was stunned by the moment she laid her eyes on them. They were so perfect. Parehong may itsura at talaga nga namang hindi niya maiwasang manliit sa sarili.
"Hi Jenny, nice to finally meet you," bati no'ng babaeng nakatayo sa tabi ni Cole. Lumapit ito sa kanya at yumakap.
"I'm Julie, Clayd's wife, best friend of Cole," anito nang kumalas ng yakap sa kanya.
Tumango siya.
"Nice to finally meet you Jenny," anang kaibigan ni Cole, si Clayd.
Wala pa ding reaksyon ang kanyang mukha kaya naman lumapit na si Cole sa kanya at hinapit sa baywang.
"Relax Jen, they're my friends. Do you remembered the cosmetics that I bought? Para iyon kay Julie. They're kind. You can trust them," bulong ni Cole sa kanya.
Doon na siya ngumiti.
"Nice meeting you din po," bati niya.
Muli namang lumapit si Julie sa kanya at hinawakan siya sa kamay.
"Pahiram ng asawa mo Cole," anito pa at kumindat sa kanya saka siya hinila papuntang kusina.
Naiwan si Cole at Clayd sa sala. Bumitiw naman si Julie sa kanya at may hinanap sa loob ng kabinet.
"Don't be too shy Jenny."
"Sorry po," nahihiya niyang ani.
"Nakuwento sa akin ng asawa ko ang tungkol sa iyo. Nakikiramay kami. Kaibigan ng asawa ko si Don Miguel kaya naman noong nalaman naming pumanaw siya, nagplano kami agad na dumalaw sa Cebu but it was cancelled. Dinala ka na pala ni Cole dito sa Laguna," kuwento nito at naglabas ng malaking plate.
"Naging mabilis lang kasi ang mga pangyayari," aniya at mapait na napangiti.
Lumapit naman si Julie sa kanya at hinawakan siya sa kanyang dalawang kamay.
"Nandito kami Jenny. We are willing to help you."
Napangiti siya dahil sa sobrang bait nito.
"The heck! Don't start with me Clayd. Pareho lang naman tayo ng size pagdating sa pataasan ng sandata. Moron!" biglang pagtataas ng boses ni Cole.
Biglang uminit ang magkabila niyang pisngi. The boys are talking about size of their manhood for Pete's sake!
Narinig naman niyang tumawa si Julie.
"Boys are boys Jenny. They are nature to boast their own ego," natatawa pa nitong kumento.
Hiyang-hiya naman siyang tumango.
"Come on Jenny, help me make a side dish for our pizza party."
Tumango siya at agad din naman kumilos. Kung hindi siya nagkakamali. Gumagawa ito ng sauce at fruit salad.
Kung kanina ay medyo nahihiya siya ngayon ay magaan na ang loob niya at kampante siya sa kasama. Ibang-iba sa ugali ng mag-ina, Abby and Jenieva.
Habang patapos na ang fruit salad na ginagawa nila'y bigla siyang may naisip na itanong.
"Nakilala niyo ba si Felicity," aniya.
Natigil si Julie sa ginagawa at humarap sa kanya.
"She passed away five years ago. Hindi ko na siya nakilala."
She nodded.
"You loved him, do you?"
Natigilan siya. Nginitian lamang siya nito.
"Alam mo Jenny, noong iniwan ko ang asawa ko, may malaking rason ako kung bakit nagawa ko iyon at alam kong may rason ka rin kung bakit mo pinakasalan si Cole. Hindi naman lingid sa kaalaman namin ang sitwasyon ninyong dalawa. Cole is madly deeply in love with his late wife Felicity at mahirap pantayan iyon ng ganoon kabilis Jenny."
Huminga siya ng malalim. She's busted.
"Mahal ko siya, sobra..."
She heard Julie sighed.
"Alam mo Jenny, inggit na inggit ako sa iyo dahil sa ganyang edad, alam na alam mo na kung anong pinasok mo at naniniwala akong makakaya mong angkinin si Cole nang buong-buo. Na wala kang magiging kahati, kahit si Felicity pa. I know Felicity will be happy knowing that Cole have you."
Mapait siyang napangiti. She wishes that too.
"I see Cole is changing and I am happy that you're the reason behind it. Siguro hindi mo lang iyon nakikita but he do, he really do changed kaya konting patients pa Jenny."
Dahil sa sinabi nito ay bigla niya itong niyakap. Na-miss niya tuloy ang ate Grace niya.
"Nako, baka magkaiyakan na tayo dito," biro pa nito at hinagod ang kanyang likod. Kumalas siya.
"Tara na sa sala at baka nagbabangayan na naman ang dalawa."
Tumango siya at tinulungan na ito.
BINABASA MO ANG
SEÑORITA SERIES 3: JENNY (PUBLISH UNDER IMMAC PPH)
RomantikR-18 Not suitable for young readers. Contains explicit mature content. Parental guidance must advice. Ang librong ito ay kuwento po ni Cole.