J-25

20K 300 3
                                    

J-25

MALAWAK na pinagmasdan ni Jenny ang kanilang hacienda. Labis niyang inaalala ang mga trabahador niya. Ngayong wala na ang kanyang Lolo Miguel, dapat at siya na ang maging punong-abala sa lahat ngunit heto siya sa beranda. Malayo ang tinatakbo ng kanyang utak.

Napalingon naman siya sa kanilang gate nang marinig niya ang malakas na pagserbato ng isang itim na van.

Natigilan siya at napakurap. Hindi siya puwedeng magkamali. Ang Tita Jean niya ang may-ari niyan. Ang bunsong anak ng kanyang Lolo Miguel.

Agad siyang napalabas ng bahay. Maging si Cole ay napatayo din mula sa pagkakaupo nito sa sofa sa sala.

"Jenny what's wrong?"

"She's here," aniya at wala sa sariling kumapit sa braso ni Cole. Agad siyang nakaramdam ng takot.

Her Tita Jean is not a good guardian to her. Naalala niya pa noon noong hindi pa dito sa Cebu nag-stable ng buhay ang kanyang Lolo Miguel at nasa poder pa siya ng kanyang Tita Jean.

Inalila siya nito sa edad na nuebe dahil hindi nito matanggap na ang naging paborito ng kanyang Lolo Miguel ay ang kanyang yumaong ama, higit pa do'n dahil lahat din ng mana ay napunta sa kanyang ama.

Kumapit siya ng husto kay Cole nang makalabas na sa sasakyan ang kanyang Tita Jean.

"Look who's here?" anito at nakataas pa ang kilay.

"Good morning Tita Jean," hindi makatingin niyang bati.

"Of course I am having a good morning! Dahil sa wakas, wala na ang Papa, I can own this place from now on."

Diretso siyang napatingin sa Tiyahin.

"Po? Tita hindi, sa akin iniwan ni Lolo Miguel lahat."

Bigla siyang hinila nito at sumenyas kay Cole na huwag makialam nang akma itong lalapit.

"Are you sure? Well, read this darling."

Itinapos nito sa kanya ang hawak na envelope. Agad din naman niya itong binuksan at kinuha ang ilang mga papeles. She was shocked upon reading those papers that she was holding. It was from court, a motion for consideration on freezing all the properties from being declared to be hers. It was also written on the paper that she cannot easily claim all the rights because according to Don Miguel's last will and testament, she'll only have all the power if she turns twenty four nor if she'll be married. If not, the court also hereby announced that Ms. Jean Reyes, will temporarily takes place as the guardian of the heir.

But she was already married to Cole?

"This is not fair!"

"Naririnig mo ba ang sarili mo Jenny!? Hindi mo puwedeng ariin ang haciendang ito dahil ako na ang iyong guardian. Don't you forget my sweet darling? You're just nineteen! So? Why don't you pack your things and leave!?"

"Hindi Tita Jean! Please, huwag ninyong gawin sa akin 'to!" pagmamakaawa niya habang tumutulo na ang kanyang mga luha.

"Awa!? How dare you!" Akmang sasampalin na sana siya nito ngunit si Cole ang sumalag dito.

"You know what ma'am? I had so much respects for my elders and in fact, away pamilya 'to at hindi ako dapat makialam. But, Jenny is my wife and you don't have the right to hurt her! Mana pala ang problema mo? Don't worry it is all yours because I am rich enough to get everything what Jenny likes. I am rich enough to provide everything. I can even buy a hacienda for her. So don't you dare lay your fingers on her because I swear ma'am. You'll need to pay for that." Tinabig ni Cole ang kamay ng kanyang Tita Jean at hinila na siya ni Cole paakyat sa kanyang kuwarto.

Nagulat siya sa ginawa ni Cole.

"Cole bakit mo ginawa iyon? Lalo mo lang ginagalit ang Tiyahin ko," umiiyak niyang ani nang makapasok sila sa kuwarto niya. Niyakap siya ni Cole.

"I was doing the right thing. And I know your Lolo Miguel won't like this."

"Pero ayaw kong umalis ng hacienda..."

Ikinulong ni Cole ang kanyang mukha sa mga palad nito.

"We have to Jenny. Tama ang Tita Jean mo, hindi mo makukuha ang haciendang 'to kung wala ka pa sa tamang edad. Yes, you're already at the legal age, yet the true legal age without having the parent consent anymore is twenty-four."

"Pero Cole ang mga trabahador," muling pasubaling niya.

"Jenny please listen to me. Kaya kong bawiin ang hacienda para sa iyo but not in here. Hindi ko hahayaang saktan ka ng iyong Tita Jean. Nangako ako sa Lolo Miguel mo. Please Jenny, trust me. Whatever ever may the risks involved, I swear to you babawiin ko ang hacienda sa kanya at sisiguraduhin ko na habang wala tayo dito magiging maayos pa rin ang lahat."

"Cole please..." umiiyak niyang protesta habang umiiling.

Ikinulong siya ni Cole sa mga bisig nito. Ayaw niyang umalis. Hindi niya kayang iwan ang hacienda sa matapobre niyang Tiyahin.

MANGIYAK-NGIYAK niyang iniligpit ang kanyang mga damit habang inilalagay sa kanyang maleta.

"Señorita Jenny huwag na kayong umiyak, masama po sa kalusugan ninyo iyan," ani Manang Lupe.

"Manang hindi ko ito gusto. Hinding-hindi!"

Itinapon niya ang kanyang mga damit. Malungkot din naman itong pinulot ni Manang Lupe at ito na ang nag-ayos ng kanyang maleta.

"Wala tayong laban kay Señora Jean. Hindi niyo makukuha ng ganoon kabilis sa kanya ang hacienda kung ganito kayo."

Pinunasan niya ang kanyang magkabilang pisngi.

"Puwede kong tawagan si Hilda, Manang Lupe. Puwede kong hingin ang mga papeles sa kanya."

Lumapit ito sa kanya at mahigpit na hinawakan ang kanyang mga kamay.

"Señorita, alam kong mabigat sa loob mo ang pansamantalang pag-alis dito pero tama si Doc. Lazarte. Hindi maaayos ang lahat kung mananatili ka dito. Alam mo kung ano ang kayang gawin ni Señora Jean. Hindi siya basta makapapayag na makuha mo lahat ang ari-arian ni Don Miguel. Ikaw ang mas nakakikilala sa kanya señorita at alam mo kung paano siya lalabanan. Ngunit hindi mo magagawa iyon kung mananatili ka dito. Mabuti na iyong kasama mo ang asawa mo."

Muli siyang naluha. Hindi naman siya nag-aalala para sa sarili niya. Kundi sa mga trabahador at kay Manang Lupe.

"Sumama na lang po kayo sa akin Manang."

Agad itong umiling.

"Ayos lang ako señorita. Mas mabuti nga na narito ako dahil may mata at tainga ka dito sa hacienda. Huwag kang mag-alala sa akin at sa ibang mga kasambahay natin. Ako na ang bahala sa kanila. Sisiguraduhin kong hindi sila magagalaw ng Señora Jean."

"Manang naman," humihikbi niyang sumamu dito. Umiling ito at niyakap siya nang mahigpit.

"Basta ipangako mo sa akin na babawiin mo ang karapatan mo dito señorita, alang-alang kay Don Miguel."

Umiiyak siya habang tumatango. Kumalas na ito at inayos na ang kanyang mga gamit. 

SEÑORITA SERIES 3: JENNY (PUBLISH UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon