J-47

21.5K 383 30
                                    


J-47

WHEN he step inside of the house, he immediately search for Jenny's presence. It was so rude for him to leave her earlier but he was just making sure that the property will be returned without a scratch.

"S-señorito! Ang señorita Jenny po!" salubong ng isa sa mga katulong ni Grace sa kanila.

"Ising, bakit?" Max asked.

"Nasa balita po kasi iyong ano—"

"What news!?"

Bumaling sa kanya ang katulong.

"Señorito, ang sinakyan po kasi ni señorita Jenny na jeep, naaksendente sa may palengke po."

"You must be wrong Ising," ani Max.

Umiling ito.

"Hindi po señorito, ako po mismo naghatid kay señorita Jenny," umiiyak na nitong sabi.

"No!" sambit niya, doon lang nag-sink in sa utak niya ang kanyang mga narinig.

Agad siyang napatakbo palabas ng bahay at agad na sumakay sa kanyang kotse. Pinaharurot niya ito papunta sa pinakamalapit na palengke sa bayan. Kinakabahan na siya ng husto. Nagsisimula na ding manginig ang kanyang mga kamay habang nagmamaneho. Ayaw niyang mag-isip ng mga negatibong bagay pero ayaw mawala sa utak niya ang matinding pag-aalala dahil baka kung napano na si Jenny. He can't lose her. Hindi siya papayag! Never!

NANG dumating siya sa palengke sa bayan ay hindi nga siya nagsisinungaling ang katulong ni Grace. May jeep nga na-aksidente sa daan. Sobrang sira nito at talagang grabe ang pagkakabangga dahil nayupi pa ang likurang bahagi nito.

"Oh fuck!" sambit niya sa kawalan.

"Jenny!" bigla niyang sigaw at akmang papasok sa area pero agad siyang hinarang ng isang pulis.

"Bawal po kayo dito sir."

"No! My wife is there! Let me go!"

"Pasensiya na talaga sir, bawal po talaga kayo dito."

"Damn it!"

Tinabig niya ang kamay ng pulis. He was so frustrated right now and he's starting to get hysterical.

Kinuha niya ang kanyang cell phone at lumapit sa mga taong nakiki-usyoso.

"Excuse me, nakita niyo ba itong babaeng 'to?" tanong niya sa isang matanda. Sa itsura nito'y tindera ito sa palengke.

"Nako hindi po sir e. Kasama po ba sa na-aksidente? Baka po nasa ambulansya na."

"Ambulansya?"

"Iyong dalawang naka-istambay diyan sir. May apat kasing patay."

His knees trembles because of what he heard. Hindi na siya nagtanong pa ulit at tumakbo na papunta sa ambulansya.

Nanag dumating siya'y hinarang siya muli ng isa sa mga medic.

"Sa purinarya niyo na lang po tingnan sir," anito.

"No! I just want to check it, please!" He's starting to get teary-eyed.

"Sige po sir."

Pinagbuksan siya nito ng pinto ng sasakyan. Agad din naman niyang tiningnan ang mga ito. Nanginginig ang mga kamay niya sa tuwing inaangat niya ang mga kumot na nakatakip sa mga bangkay, ngunit kasama nito ang matinding pasasalamat dahil wala ni isa sa mga ito ang kanyang asawa.

"Oh God! Where are you Jenny!?"

Muli siyang umalis sa area at inikot ang buong palengke pero wala talaga. Sinubukan niya nang tinawagan si Jenny ng ilang beses pero nakapatay ang cellphone nito.

Napahinto siya at hingal na hingal dahil kanina pa siya paikot-ikot sa palengke. Marami na din siyang pinagtanungan pero wala talagang makapagsabi sa kanya kung nasaan si Jenny.

Ngunit bigla siyang natigilan nang makita si Jenny sa kabilang kalsada. Palinga-linga ito sa paligid habang kumakain ng mangga.

"Oh God!" sambit niya at dire-diretso sa pagtawid hanggang sa umabot siya sa tapat mismo ni Jenny.

SARAP na sarap siya sa kinakain niyang mangga nang biglang lumitaw sa harapan niya si Cole. Namumula ang mga mata nito, halatang galing lang sa pag-iyak. Pawisan din ang noo nito at halata sa mukha ang matinding pagod. Kunot-noo siyang napatitig kay Cole.

"Gusto mo mangga?" alok niya pa sa asawa.

Bigla siyang niyakap nito nang sobrang higpit at sunod niyon ay ang malakas nitong paghikbi.

"Cole, bakit?"

"I thought I'd lost you..."

"Ha? Namalengke lang naman ako e," sagot niya at niyakap din ito. Kumalas ito at mataman siyang tinitigan habang kulong ang mukha niya sa mga palad nito. Hinagkan siya ni Cole.

"Please don't go anywhere without me."

"Ha? Bakit? May nangyari ba?" naguguluhan niya ng tanong.

"I heard from Ising about the accident, I thought you were on that jeep."

"Jeep? Ay iyong nabangga ng truck? Hindi ako sumakay doon e, bumaba ako kasi natakam ako sa makopa. Hmm?"

"God Jenny, you made me worried sick!"

Ngumuso siya.

"Sorry," aniya at humalik sa labi nito. Napangiti siya. Kitang-kita kasi sa mukha ni Cole ang matinding pag-aalala sa kanya.

Niyakap siya nito ulit.

"I'm so glad you're okay."

Hinagod niya ang likod nito.

"Okay lang nga kasi ako."

Tumango-tango ito at hinalikan ang kanyang noo.

"Let's go home," anito at kinayag na siya.

NANG dumating sila sa bahay ay agad niyang napansin ang pag-aliwalas ng mga mukha ng mga katulong. Even Max let out a heavy sighed, indicating of a relief emotion.

"Okay ka lang ba talaga Jenny?" tanong ni Max sa kanya.

"Yes Kuya," sagot niya.

"Good. Buti na lang at hindi ako agad tumawag kay Grace. She'll panicked if I did. Anyway, susunduin ko muna ang ate mo."

"Sige Kuya," sagot niya.

"Please tell Grace that we're transferring to Jenny's place later," Cole said.

"Sure Cole."

Umalis ma ito at naiwan na silang dalawa ni Cole. Agad siyang pumunta sa kusina para balatan pa ang mga manggang nabili niya.

"It's not sour?" tanong ni Cole habang naka-antabay sa kanya.

Agad naman siyang umiling.

"Tikman mo," alok niya pa at muling sinubo ang mangga na may kasamang bagoong.

Wala sa sarili din namang kumuha ng isang piraso si Cole at isinubo ito ngunit ganoon na lang ang pagkalukot ng mukha nito nang mapagtantong sobrang asim pala ng manggang kinakain niya.

"Shit!" mura nito at malakas niya lang na tinawanan si Cole.

"Liar! It's so sour!" reklamo pa nito.

"Hindi naman kasi," tanggi niya at kinuha ang tatlong PT sa kanyang bulsa at inilapag sa mesa.

"Gusto ko sana ng dinner date surprise kaso nakalimutan ko bumili ng mga rekados at mangga lang nabili ko."

Gulat naman ang itsura ni Cole nang makita nito ang tatlong PT sa mesa.

"B-buntis ka?" hindi makapaniwala nitong tanong sa kanya.

"Hmm," tanging sagot niya sabay kain ulit ng mangga.

"Wow!" reaksyon nito at agad na lumapit sa kanya at pinuno ng halik ang kanyang mukha.

"I love you so much Jen!" masayang wika ni Cole.

"I love you too Cole!" 

SEÑORITA SERIES 3: JENNY (PUBLISH UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon