Epilogue

34K 611 57
                                    

Epilogue

NASA chapel siya at nagsimula nang magdasal. Pinagdasal niya sa Diyos ang lahat ng mga hirap na pinagdaanan niya sa buhay. She was so thankful that everything happened to her are unforgettable experience. Marami siyang natutunananatutunan at higit sa lahat ay natuto siya kung paano ipaglaban ang mga bagay na alam niyang tama. God gave her so much blessings. Naibalik na sa kanya ang hacienda at naging normal na ang lahat. Bumalik na sa dati, iyong dati na masigla. At wala na siyang iba pang hihilingin kundi ang magpatuloy ang kasiyahang natatamasa niya ngayon. Kahit na wala na ang kanyang Lolo Miguel ay biniyayaan naman siya ng isang sanggol sa kanyang sinapupunan na alam niyang mas lalong magpapatatag sa pagsasama nilang dalawa ni Cole. She was so blessed despite of everything.

She sighed but with a smile on her face.

Kinuha niya ang papel sa kanyang bulsa at binuklat ito. May lakas na loob na siyang basahin ang sulat na bigay sa kanya ng kanyang Lolo Miguel.

'Mahal kong Jenny,

Apo, patawarin mo ako sa lahat ng paglilihim ko sa iyo tungkol sa kalagayan ko. Masakit para sa akin na maiiwanan kita pero alam ko apo, magiging masaya ka sa piling ni Cole. Alam kong mamahalin ka niya nang higit pa sa pagmamahal ko para sa iyo. Patawarin mo ako kung pinilit kitang ipakasal kay Cole pero nakita ko kung paano siya manindigan sa iyo apo. Doon ako nabuhayan ng loob at nagkaroon ako ng pagkakataong matupad ang hiling ko. Ang ikasal ka sa taong mahal mo. Apo, selfish ang Lolo mo pero alam kong masaya ka na ngayon sa piling ni Cole. Mahal na mahal kita Jenny at masaya ako dahil makakasama ko na ang Lola Leonida mo.

Nagmamahal,

Lolo Miguel

Sunod-sunod na bumagsak ang mga luha niya sa kanyang mga mata. Until his Lolo Miguel's last breath, siya pa rin talaga ang iniisip nito. Palaging kapakanan niya at kung ano ang makabubuti para sa kanya.

"Jen," it was Cole.

Tiningala niya ito. Tumabi ito sa kanya sa pag-upo at mahigpit na ikinulong siya sa mga bisig nito.

"He's happy," sambit niya.

"I know he's happy Jen, he is."

Kumalas si Cole sa kanya at pinahiran ang basa niyang mga pisngi.

"I know this is out of the blue but Jen, I want to marry you again."

Napangiti siya.

"Kahit saang simbahan pa'y pakakasalan kita..."

Hinagkan niya si Cole.

"Pero nakalimutan mo yatang kasal ka na sa akin at hindi na puwedeng ulitin ang pagpirma ng marriage certificate," aniya at mahinang napatawa.

Napatawa din naman ito sa sinabi niya.

"But I'd never had a chance to say my vow to you."

"Then tell it to me right now," aniya at tumayo. Hinila niya si Cole papunta sa altar. Kinuha niya ang kaliwang kamay nito at hinubad ang singsing. Maging ang sa kanya ay tinanggal niya rin.

"This is so cheesy," kumento pa nito at tinawanan ang sarili.

"Really, come on Cole," cheer niya pa.

He cleared his throat.

"Jen, I did so many mistakes this past few days and I realized that I am still lucky to have you here. For all the undying patients that you've swallowed for me. For all the efforts just to stay by my side. For all the heartaches that I've caused you. Jen, I don't deserve you but you make me feel like I was. Now, I want you to know how deep my love for you and I want to keep that for the rest of my life. You're more than anything in this world to me Jen. Forever and always be. In front of God, I'll promise I'll be a good husband and a loving father to our children. I love you Jen."

Napasinghot siya. Kahit na pigilan niya ang mga luha niya'y hindi talaga ito paawat. Sobrang gaan sa loob niya maring ang mga iyon kay Cole.

"Baby, say something," Cole said while wiping her tears.

Huminga siya ng malalim at may hinugot sa kanyang bulsa. Nagulat si Cole sa nakita.

"Remember this?" aniya habang ipinapakita kay Cole ang hawak niyang gold coin na may nakaukit na ulo ni Queen Elizabeth.

Cole nod.

"It was a gift from Felicity."

"But this gift brings me to you. Ewan ko ba kung bakit itinago ko ito pero parang naging lucky charm ko na rin ito. Ang gold coin na ito ang dahilan kung bakit nakilala kita."

He smirked.

"And you kicked my balls," dugtong nito.

Napatawa siya.

"Pero dahil doon, nagkaroon ako ng pagkakataong makilala ka. Mahalin ka at higit sa lahat maging asawa ka. Aaminin ko, nangarap ako Cole, nangarap ako na sana makatagpo ako ng isang lalaking kayang gawain ang lahat para sa akin. Well—"

"But it turns it to be vice versa."

Kumikit-balikat siya.

"Parang ganoon na nga pero hindi ako nagsisising minahal kita Cole. Hindi ako nagsisising nabaliw ako dahil sa pagmamahal ko para sa iyo. At hinding-hindi ako magsasawang mahalin ka ng paulit-ulit."

He was teary-eyed. Ibinigay niya kay Cole ang gold coin.

"I want you to keep it Cole. Felicity is still part of your life and I don't want to be selfish."

Niyakap siya ni Cole.

"Thank you for understanding me Jenny."

Kumalas siya sa yakap nito at umiling, sabay ngiti.

"Mahal kita at mahal mo ako, iyon ang mahalaga."

Cole nodded and hold her hands so tight.

"Jenny Reyes-Lazarte, I will love you for the rest of my life," he said as he put the ring on her finger.

"Cole Iane Lazarte, I will love you too for the rest of my life," she said as she put the ring on his finger too.

"Till death do us part," they both said with a smile on their faces.

-Wakas-

🎉 Tapos mo nang basahin ang SEÑORITA SERIES 3: JENNY (PUBLISH UNDER IMMAC PPH) 🎉
SEÑORITA SERIES 3: JENNY (PUBLISH UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon