J-27
ILANG ORAS din ang ginugol niya bago matapos sa pag-aayos. Itinabi niya na rin ang kanyang mga maleta at napamaywang na tiningnan ang ayos ng kanyang mga gamit sa closet.
"Perfect!" habol hininga niyang sambit.
Napalingon naman siya sa pinto nang may kumatok at sunod ay ang pagbukas nito.
"Are you done?" tanong ni Cole sa kanya.
Tumango siya.
"Good. Let's have a dinner."
"Okay," tipid niyang sagot at sumunod dito.
Huminga siya ng malalim. Bigla siyang kinabahan. Dati naman ay hindi siya ganito noong nasa hacienda sila. Normal naman siya. Oo, masakit sa kanya ang pagkawala ng kanyang Lolo Miguel at tinanggap niya iyon ng buo pero iba na ang sitwasyon ngayon. Nakatira na siya sa bahay mismo ni Cole na para bang bubuo na silang dalawa ng masayang pamilya. Happy family? Oh come on! Cole doesn't even love her and she's just nineteen! Nabatukan niya ang sarili at bumaba na sa hagdan.
Lumakad siya at hinanap ng mga mata niya ang kusina. Narinig naman niyang maingay sa kaliwang sulok ng bahay kaya sinundan niya ito. Agad niyang naamoy ang pagkain.
Doon niya nabungaran si Cole na naghahanda ng kanilang dinner. Yes. It's their dinner dahil dalawa lang naman ang plate na nakalagay sa eight sitters glass table.
"Ako na ang naghanda. My maids called me. Mahaba pa ang pila sa supermarket," paliwanag ni Cole.
"Ayos lang," aniya at naghila na ng silya.
Tumabi naman si Cole sa kanya. Nilagyan nito ng kanin at ulam ang kanyang plato.
"Don't be shy to tour around yourself here Jen. This is also your house."
Umawang ang kanyang bibig. Is he now giving her an authority to as her husband? Yes, harap-harapan siyang inangkin ni Cole sa harap ng kanyang Tita Jean pero alam naman niyang ginawa lang iyon ni Cole dahil nag-aalala lang ito sa kanya. Walang malalim na dahilan. Iyon lang 'yon.
"Sige," sagot niya na lamang at kumain na.
"I forgot something," anito at biglang tumayo. Sinundan ng mga tingin niya kung saan pupunta si Cole. Pumasok ito sa study room at lumabas din naman agad. May dala itong envelope. Umupo itong muli sa tabi niya at ibinigay sa kanya ang hawak nito.
"It's for you," Cole said.
"Sa akin?" Itinuro niya pa ang sarili. Tumango naman ito.
Binuksan niya ang envelope at kinuha ang laman nito. Agad na bumungad sa kanya ang isang cheque at mga papeles. Wala siyang masabi dahil sa laki ng halaga na nakikita niyang nakasulat sa cheque.
"Do you remembered when we went on Vega Fuerte's hacienda?"
"Oo naman."
"Iyan ang ipinunta natin doon. Don Miguel sell his stock market shares to Don Vega Fuerte. Mukhang alam na niyang hindi mo agad makukuha ang iniwan niyang mana para sa iyo kaya naman gumawa siya ng paraan para ibenta lahat ang shares niya. Para sa iyo lahat ang perang iyan Jenny."
Napalunok siya. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya. Twenty million is a lot money. Not just a lot, very a lot!
"I'm sorry if we're too late to file an affidavit to change your status. Hindi ko agad na-ipasa sa registral ang marriage certificate nating dalawa. But don't worry, nakausap ko na ang abogado ko, he'll fix it, mababawi natin ang hacienda."
Nangingilid ang kanyang mga luha dahil sa sobrang saya. Her Lolo Miguel loved her so much at hinding-hindi niya mapapantayan iyon.
"Salamat ng sobra," aniya at pinigilan ang sarili na maluha ng todo.
BINABASA MO ANG
SEÑORITA SERIES 3: JENNY (PUBLISH UNDER IMMAC PPH)
RomanceR-18 Not suitable for young readers. Contains explicit mature content. Parental guidance must advice. Ang librong ito ay kuwento po ni Cole.