J-35
NAKAUWI na sila ng bahay ngunit patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Hindi nga siya magawang patahanin ni Mang Elias.
Nang makababa siya ng sasakyan ay agad niyang tinungo ang chapel na nasa sulok ng bahay. Doon nang makaharap niya ang abo ng kanyang grandparents ay mas lalo pang bumuhos ang kanyang mga luha.
Lagi na lamang siyang nasasaktan at ayaw niya na nang ganito. Naghihirap na ang kalooban niya. Gusto niya lang naman maging maayos. Mamuhay ng simple, iyong kagaya ng dati pero bakit parang naging meserable ang buhay niya ngayon. Tama! Meserable siya sa pagmamahal niya para kay Cole at sa lahat nang balakid sa relasyong mayroon sila ngayon.
Ito ang unang beses na pinagalitan siya ng todo ni Cole at sobrang sakit no'n para sa kanya.
Pinahiran niya ang kanyang mga luha kahit sige pa rin ito sa pagbagsak.
Bigla namang nag-ring ang kanyang cellphone. It was Ms. Gabby.
Suminghot siya at inayos ang kanyang boses.
"H-hello?"
"Good evening Ms. Jenny, I know it's very late but I was just worried. Pumunta ako sa inyo kanina at sinabi sa akin na hindi ka na doon nakatira. I was just concerned about your home study. It's for you to decide."
She inhaled, exhaled. She felt so exhausted.
"Ms. Gabby, can we stop the tutorial class? Wala na kasi ako sa Cebu pero pinag-aaralan ko naman ang mga textbook na bigay mo. Gusto ko sana na mag-order na lang ng iba pang textbooks at ako na ang bahalang mag-aral doon. Don't worry Ms. Gabby, I'll double the money for your outstanding service to me."
"Oh, thanks Ms. Jenny and no problem for that. Can you send me the address so I can send you the other textbooks."
"Yes Ms. Gabby, thank you so much."
Pinatay niya na ang tawag at ipinasa kay Ms. Gabby ang bago niyang address pagkatapos no'n ay hiningi niya na rin ang bank account number nito. Bukas na siya maghuhulog ng pera dahil kailangan niya pa palang e-transfer iyong perang nakuha niya sa Lolo Miguel niya sa account niya mismo.
Huminga siya ng malalim at lumapit sa abo ng kanyang grandparents. Nagtirik siya ng dalawang kandila at ipinagdasal ang mga ito.
Matapos niyang magdasal ay nakatanggap siya ulit ng tawag. It was Cole. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi at pinatay ang tawag nito. Pinatay niya na rin ang kanyang cellphone para hindi siya nito matawagan pa.
He scolded her, now he's calling her phone. Damn him!
Bumalik siya sa upuan at doon humiga. Hindi siya tatabi kay Cole. Bata pala? Puwes paninindigan niya kung paano magmaktol ang isang bata!
"GOD DAMN IT, Jenny! Why are you not picking up my phone calls!?" inis niya nang sabi nang mapagod na siya sa kaka-dial sa number ni Jenny. Pinatayan siya nito, not just that dahil talagang pinatay talaga nito ang cellphone.
"Gabing-gabi nambubulahaw ka sa mga pasyenteng tulog," sita ni Clayd sa kanya nang madaanan siya nito sa hallway.
Inis naman niyang binato kay Clayd ang hawak niyang envelope.
"What's this?"
"Dahil sa envelope na iyan nagpang-abot si Jenny at Abby," aniya at inis na itinago sa bulsa ang kanyang cellphone.
"Bakit? Pinag-agawan ba nila ang sobre?" natatawang sagot ni Clayd sa kanya.
Inismiran niya ang kaibigan.
"Give that to Connor." Tumango naman ito.
"Wait, Abby is your sister-in-law, right?"
"And she likes me that is why she keeps on bugging me to break my marriage."
"Oh, ang laking isyu nga niyan."
Nahilot niya ang kanyang batok.
"They're pissing me off! Pati mother-in-law ko nakikialam na rin dahil sa pagpapakasal ko kay Jenny."
"That's also a big issue."
"And now Jenny is mad at me, I can't reach her," pag-amin niya. Guilty na guilty kasi siya sa sinabi niya kanina. At aminado siyang nadala lamang ng kanyang matinding emotion.
Ngumisi naman si Clayd sa kanya.
"Oh, you looked so guilty," he teased.
He make face and frown. He even gritted his teeth.
"Well, kung ako naman ang nasa position mo, I'll be guilty. Why? Dahil hindi naman kasalanan ni Jenny na magkagusto si Abby sa iyo. Hindi niya rin kasalanan na ayaw siya ng mother-in-law mo at mas lalong hindi niya kasalanan kung bakit kasal ka sa kanya ngayon. Kung tutuusin puwede mo siyang takbuhan pero nagmana ka sa akin eh, may paninindigan pero ang point ko doon, Jenny had all the right to be mad. So it's really your fault." Umiling-iling pa ang ulo nito habang tinatapik ang kanyang balikat.
"Wow, you're really my friend," he sarcastically said.
"Of course! And I think you should go home by now. I'm going to take your rounds, so don't worry. You should make it up to your wifey, because I am pretty sure, mahihirapan kang suyuin iyon. Alam mo naman kapag bata, matampuhin..." malakas itong tumawa. "...in Jenny's condition, you know what are those risks, if she continued being like that, there's a chance that she'll be depress. You're a doctor Cole you should know that Jenny is in a bad shape. Her emotions are unstable, maybe, perhaps, you know a little cuddle will help or..." Clayd evily smiled at him while he's frowning, waiting for him to continue his speech.
"...if laughter is the best medicine, why not do it with sex." And Clayd burst out in laughter while running away from him.
"You piece of shit! You're the best friend I've ever had, asshole! Nice advice moron!" inis niyang sagot. Tumawa lamang ito at sumenyas na hinaan ang kanyang boses.
Sinimangutan niya lamang ang kaibigan. Tuluyan na itong pumasok sa elevator at iniwan siyang buwesit na buwesit dahil sa pang-aasar nito.
He frustratedly brush his hair using his fingers and went to the elevator. Gusto niyang makauwi agad, alam niyang may kasalanan talaga siya. Tama si Clayd, Jenny's emotions are unstable and he knows the risks kapag nagpatuloy ang ganoon. Mas malaking problema iyon kapag umabot sa ganoon.
BINABASA MO ANG
SEÑORITA SERIES 3: JENNY (PUBLISH UNDER IMMAC PPH)
Storie d'amoreR-18 Not suitable for young readers. Contains explicit mature content. Parental guidance must advice. Ang librong ito ay kuwento po ni Cole.