J-44

21.5K 349 29
                                    


J-44

SHE kick some pebbles as she tried to reminisce those scenes that Cole and her have shared.

Minsa ay napapangiti siya, minsan din ay napapatawa.

"Jen, tumawag na ako sa attorney ko, magpapadala na ako ng notice sa Tita Jean mo."

Ngumiti siya.

"Salamat ate. Nga pala ate, dadalawin ko sana si Mirasol. Hihiram sana ako ng kabayo."

Grace smiled her back.

"Oo naman, go on! Have fun okay."

Tumango siya at agad din naman na tinungo ang kuwadra. Pumili siya agad ng kabayo at sinakyan ito. Pinatakbo niya ito at agad na tinungo ang bahay ni Mirasol.

Habang nasa daan ay nakasalubong niya pa ang isa sa mga naging kaklase niya noon, Hannah. May dala itong mga bagahe. Pinatigil niya ang kabayong kanyang sinasakyan at bumaba siya sa kabayo.

"Hannah," tawag niya dito.

"Oy Jen, kumusta?"

"Ayos lang. Ikaw? Bakit may dala kang mga bagahe? Saan ang punta mo?"

Napakamot naman ito sa ulo.

"Naglayas ako sa amin e."

"Ha? Bakit?"

"Alam mo naman ang itay, napakalasenggero."

Malungkot naman siyang napatango.

"Naging lasenggero lang naman ang itay mo 'di ba nang mamatay ang inay mo?"

Mapait naman itong napangiti at napatango.

"Lilipat na ako sa Bukidnon. Nandoon kasi nakatira ang tiyahin ko, kapatid ng itay. Saka tumawag na din ako sa kanya na doon na ako titira sa poder niya. Matandang dalaga kasi iyon saka walang makakasama sa bahay niya kaya hayon, doon na muna ako."

"Paano ang itay mo?"

"Nako, mas sasaya iyon kapag wala na ako sa poder niya. Alam mo namang malaki ang galit no'n sa akin 'di ba dahil anak ako sa labas ng inay."

Bigla niya itong niyakap. She realized, mas masuwerte pa rin pala siya dahil may natitira pang nag-aalaga sa kanya kahit wala na ang kanyang Lolo Miguel.

Kumalas ito sa yakap niya.

"Sige Jenny ha? Mauna na ako at baka maiwanan ako ng bus e. Ingat ka ha."

"Ingat ka rin."

Masigla lamang siyang nginitian nito. Pinagmasdan niya ang pag-alis ni Hannah. Mapait ang naging buhay nito pero nagagawa pa rin nitong ngumiti. Napabuga siya ng hangin at muli nang sumakay sa kabayo.

Dumaan siya sa makipot na daan kung saan makikita ang kanilang hacienda sa pinakadulo.

Nang umabot siya'y agad din naman siyang bumaba.

"Mababawi na rin kita sa wakas," aniya sa sarili.

Konti na lang kasi at ang korte na mismo ang gagawa ng aksyon para mapalayas ang kanyang Tita Jean.

She smiled so cheerfully. Mabait pa rin ang Diyos sa kamya dahil hindi nito pinatagal na mabawi niya ang hacienda ni Don Miguel.

Muli siyang sumakay sa kanyang kabayo at bumalik na sa hacienda ni Grace.

NANG umabot siya sa hacienda ni Grace ay agad niyang namataan ang pulang Strada pick up type na sasakyan.

Hindi siya maaring magkamali, sasakyan iyon ni Cole.

SEÑORITA SERIES 3: JENNY (PUBLISH UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon