7. Tumigil ang Mundo

1.4K 30 1
                                    

Tumigil ang Mundo
ni imeesyouuu

Lihim akong napangiti sa isipang magkahawak-kamay tayong dalawa habang naglalakad. Pinangarap lang kita noon pero kita mo naman, hawak-hawak na kita ngayon.

May kung anong nagdidiwang sa loob ko. Ewan ko ba! Patay na patay lang yata talaga ako sayo.

"Babe, nakangiti ka? Para kang baliw." Panunudyo mo sa akin.

"Oo, baliw naman talaga ako... Lalo na pagdating sayo." Gusto kong isatinig ang mga katagang yan pero pinili ko na lamang ang manahimik. Mga ngiti ay sadyang hindi mawala-wala sa aking labi.

Tumigil tayo sa isang park kung saan kita unang nakita. Umupo tayo sa may swing at sabay na nagduduyan. Maya-maya pa'y lumapit ka sa akin. Mata ko ay nakadirekta lamang sa mukha mo.

Parang kailan lang ninanakawan kita ng tingin sa malayuan pero ngayon, nagagawa na kitang titigan kahit pa magdamagan.

Kasi naman Vince e! Ano bang ginawa mo sa akin? Bakit ba gustung-gusto kita?

Kulang na lang mapunit ang labi ko sa sobrang kakangiti.

Maya-maya pa'y hinaplos mo ang pisngi ko at unti-unting lumalapit ang mukha mo sa akin. Napapikit na lamang ako habang hinihintay kung anong susunod na mangyari.

Ngunit tumigil ang mundo ko nang may lumanding na tissue sa mukha ko.

"Ano ba?!" Singhal ko. Halos makuha ko na lahat ng atensyon ng mga estudyanteng nandirito sa canteen. Kainis.

"Naku Mia! Pinagpapantasyahan mo na naman ang ultimate crush mong si Vince." Pang-aasar sa akin ni Gina. Napairap na lang ako ng mata.

Nandun na e! Hahalikan na niya 'ko e! Bwiset talaga 'tong si Gina!

Napaismid ako sa sobrang inis at pagtingin ko sa gilid ko'y nahagip ng mata ko si Vince na nakatingin sa direksyon ko.

Napa-oh my God na lang ako.

Si Vince na ultimate crush ko, nakatingin sa akin at kinindatan ako!

Mga Kwentong DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon