15. Limangpu't Libo

2.8K 27 2
                                    

Limangpu't Libo
ni Jessa S.

Naliligo si Ginang Reyes habang nagbabasa ang kanyang asawa ng dyaryo. Pagkatapos maligo ay tinakpan nya ang kanyang buong katawan gamit ang kanyang tuwalya saka lumabas ng banyo.

Susunod nang maliligo ang kanyang asawa dahil may pupuntahan silang isang selebrasyon.

Paakyat na si Ginang Reyes sa kanilang kwarto upang magbihis, nang may biglang  kumatok sa kanilang pintuan. Naisip nyang walang ibang magbubukas ng pinto sapagkat silang dalawa lamang ng kanyang asawa na kasalukuyan namang naliligo ang magkasama sa kanilang tahanan.

Narinig ni Ginang Reyes ang tinig ng kanyang asawa na nagsasabing "May tao, papasukin mo."

At walang ano pa man ay agad na bumaba si Ginang Reyes upang pagbuksan ng pinto ang tao sa labas ng kanilang tahanan.

Binuksan ni Ginang Reyes ang pinto, pumasok naman sa kanilang tahanan ang lalaking kumatok sa kanilang pintuan at nakita ng lalaki na nakatakip lamang ng tuwalya si Ginang Reyes.

"Bibigyan kita ng 50,000 ipakita mo lang sa'kin ang iyong buong katawan." Wika ng lalaki.

Sinunod naman ni Ginang Reyes ang sinabi ng lalaki at natanggap nya ang perang binanggit nito.

Pagkatapos maligo ng kanyang asawa ay tinanong nya kung sino ang kumatok sa kanilang pintuan.

"Isang lalaking nag-abot sakin ng 50,000." Sagot ni Ginang Reyes.

"Kaibigan ko iyon, umutang sya noon sa'kin  ng pera. Buti naman ay nagbayad na siya."

Mga Kwentong DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon