Surpresa
ni Ria S.*Beeep. . . Beeep. . .*
Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga nang may isang malakas at sabay-sabay na busina sa labas ng bahay.
"Kambal, si Mama..." Umiiyak na sabi ng aking kapatid dahilan upang lumakas ang kabog ng aking dibdib na halos hindi ko na ito marinig.
Nang kami'y papalapit na sa pangyayari, kumalat ang dugo. Ang paa ko ay nanginginig at ang aking luha ay siyang nagsisipatakan ng aking makitang wala ng buhay ang aking Ina.
"Kambal! Gising! Uy Kambal!"
Namulat ako sa katotohanang iyon ay panaginip lang pala."Kambal, si mama?"
"Kanina pa kita giniginising, binabangungot ka. Maagang umalis si mama, pumunta ng palengke." Sagot nito. Bumaba kami ng kapatid ko at sinimulang kumain ng almusal.
Lumipas ang ilang oras at wala pa ang aking Ina. Unti-unting nagpapakaba sa aking dibdib ang posibleng mangyari.
"Kambal, ang tagal naman ni mama." Usal ko.
"Na-traffic lang siguro 'yon." Bakas na rin ang kaba sa mukha ng aking kapatid.
Maya-maya pa'y nakarinig kami ng katok sa aming pinto.
"Kambal," sabay naming sabi.
"Ako na magbubukas." Wika ng kapatid ko. Ang bawat hakbang niya ay siyang pagbilis ng tibok ng puso ko.
"Kambal, halika. Sabay nating buksan." Tawag nito sa akin. Kinakabahan ma'y lumapit pa rin ako sa may pintuan pagkatapos ay nagsimula itong magbilang upang sabay namin itong buksan.
"Isa... Dalawa ... Tat---"
"Happy Birthday Kambal!"
Napaiyak na lamang ako sa saya nang makita ko ang aking Ina. Kasabay 'non ang pagkagulat kong nandun din ang tatay ko na matagal ng namalagi sa ibang bansa.
BINABASA MO ANG
Mga Kwentong Dagli
Short StoryMga koleksyon ng mas maikli pa sa mga maikling kwento na maaaring kapupulutan ng aral, magpaiyak, magpasaya, magpatawa o 'di kaya'y mga kwentong gigising sa iyo sa reyalidad ng buhay.