12. Mga Ala-ala

2.1K 30 0
                                    

Mga Ala-ala
ni Kristelle G.

Isa sa mga naging saksi ang sasakyan sa masalimuot na pangyayari sa aking buhay. Hindi ko akalaing ang kagimbal-gimbal na pangyayari ang s'yang tuluyang magpapa-ulila sa akin at sa aking mga kapatid.

Isang pangkaraniwang hapon noon nang maisipan namin na bumisita sa aming kamag-anak.

Pasado alas-siyete na noong lumuwas kami at habang binabagtas namin ang daan, napansin ng aming drayber na may maingay. At nangyari nga ang hindi ina-asahang pangyayari na s'yang dadalhin ko habang buhay at kailanma'y hindi mabubura sa isip at puso ko dahil nagdulot ito ng sakit at nang-iwan ng sugat na kailanman ay hindi matatanggal sa akin na s'yang magpapa-alala sa akin sa mga nangyari noong gabing iyon.

Ito ang aking nasa isipan habang minamasdan ang sasakyan at iniisip kung kailan makakamit ang hustisya na ipinagkait sa amin.

Mga Kwentong DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon