Regalong Walang Iba
ni Justine Claire L.Nakakahawa talaga ang ngiti at halakhak niya, nakagaganda ng araw. Kahit masilayan ko lang saglit parang buo na ang araw ko at nakakagaan ng loob 'pag kasama mo siya.
"Lily, bunso tama na muna yang paglalaro, halika na't magmiryenda muna," tawag ko sa kanya ngunit hindi siya pumunta, pinagpatuloy pa rin niya ang paglalaro malapit sa dalampasigan. Kaya pinabayan ko muna dahil ang saya saya niyang tignan.
Dalawa na lang kami ng kapatid ko ang magkasama. si Mama ay namatay sa panganganak at si papa nama'y may sarili ng pamilya at kami'y kinalimutan na.
Nahulog ang hawak kong baso ng makita kong wala ang aking kapatid sa kanyang pwesto. Bigla akong kinabahan at hinanap ito.
"Lilyyyy, bunsooo!" Sigaw ko ngunit walang Lily'ng nagpakita. Hinanap ko siya kung saan-saan at nagpatulong na rin sa mga awtoridad.
Bumuhos na namang muli ang luha ko nang maalala ang nangyari sa pinakamamahal kong kapatid dalawang taon na ang nakakaraan.
Ang sakit sa damdamin na hindi mo na siya makakasama. Kung sana binantayan ko siya ng mabuti, kung sana hindi ko siya dinala sa dagat, ay sana kasama ko pa siya hanggang ngayon.
Dati, pinapangarap ko lang magkaroon ng kapatid at nangyari nga, ngunit kinuha din naman siya ng maaga.
Masakit mang isipin ngunit kung nasaan man siya ay sana masaya siya at naalagaan.
"Mahal na mahal kita bunso. Tulungan mo si ate ah? At gabayan mo ako palagi. Hindi kita makakalimutan." Pinunasan ko ang aking luha at tumayo na para magpaalam sa puntod ng aking kapatid.
"Hanggang sa muli mahal kong bunso, paalam."
BINABASA MO ANG
Mga Kwentong Dagli
Historia CortaMga koleksyon ng mas maikli pa sa mga maikling kwento na maaaring kapupulutan ng aral, magpaiyak, magpasaya, magpatawa o 'di kaya'y mga kwentong gigising sa iyo sa reyalidad ng buhay.