Isang Anghel sa Buhay
ni Judy-Ann B.Masaya at simpleng pamilya ang matatagpuaan sa bayan ng Sto. Tomas. Si nanay Ramona at tatay Juanico ay nakatira sa lugar na ito, kasama ang limang anak na babae.
Sila'y pamilyang nangangarap na magkaroon ng isang anak na lalaki. Lalaking angel sa pamilya. Masaya ang buong pamilya nang malamang buntis ang ina. Inalagaan at kinakausap ang bata habang nasa tiyan pa lamang.
Masayang bumili ang tatay ng mga damit nito ngunit sa kasamaang palad, nang ipinanganak ang sanggol, tatlong araw lamang ang itinagal niya sa piling ng pamilya.
Masakit at nahihirapan silang tanggapin ang nangyari.
"Kaya natin to nanay, patatag lang po tayo."
"Salamat anak, pero bakit pa nangyari ito sa atin?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni nanay.
"Nandyan lang siya para sa atin nay, tay." Napapaiyak ang mga anak tuwing nakikitang umiiyak o malungkot ang mga magulang.
Sabay sabi sa sarili na "Bakit siya pa? Sana ako na lang."
Wala na silang nagawa kundi tanggapin ang katotohanan - katotohanang hanggang pangarap na lang.
Anghel siyang hulog sa pamilya at taga gabay na nasa langit. Anghel din sa pangarap na kailanma'y hindi mapapasakanila kahit kailan.
Buhay nga naman. Minsan masaya ngunit may pangyayaring nagdudulot ng sobrang sakit sa ating puso.
Habang may buhay, tanggapin na may mga bagay talaga na hindi para sa atin. Habang tumatagal, tiniis ng pamilya ang sakit ng pagkawala ng kanilang mumunting anghel.
Ginawang inspirasyon ang nangyari sa kanilang anak hanggang bumalik ang saya sa kanilang mga mukha. Naniniwala silang hindi sila pababayaan ng Panginoon at alam nilang may plano ang Panginoon sa kanilang mga buhay.
BINABASA MO ANG
Mga Kwentong Dagli
Short StoryMga koleksyon ng mas maikli pa sa mga maikling kwento na maaaring kapupulutan ng aral, magpaiyak, magpasaya, magpatawa o 'di kaya'y mga kwentong gigising sa iyo sa reyalidad ng buhay.