Hanggang sa Muli
ni Ivy-Rose L.Malamig na hangin ang dumampi sa aking mukha kasabay 'non ang pagtulo ng aking luha.
Naalala ko yung mga panahong hawak ko pa ang kamay niya habang sabay kaming naglalakad sa may dalampasigan, sabay na pinapanood ang paglubong ng araw.
Hindi ko aakalain na iyon na pala ang huli naming pagsasama.
"Em." Bigkas niya sa pangalan ko.
Alam kong ito na ang hudyat na hihiwalayan niya na ako. Matagal ko ng alam na pinakikisamahan niya lamang ako dahil sa awa.
Hindi ako bulag para hindi makita kung paano magmakaawa sina papa at mama para tumigil na ako. Alam nila na hindi ko kakayanin kung mawawala siya, baka ito pa ang ikamatay ko imbis na ang iniinda kong sakit.
Oo, may cancer ako. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa ako magtatagal sa mundong ito pero isa lang ang nasa isip ko, ang paulit-ulit at parang sirang plaka na mga katagang dumudurog sa aking puso.
"Em, 'wag na nating lokohin ang sarili natin. Alam ko na alam mo na ang lahat. Pinilit kong manatili pero marami na ang nagbago. Hindi ko na kayang magpanggap pa. Em, minahal kita alam mo yan, pero hindi tayo ang para sa isa't isa."
Iniwan niya ako, gayunpaman ay malaki pa rin ang pasasalamat ko sa kanya dahil bago niya ako iniwan ay tinulungan niya akong labanan at magpagaling sa sakit ko.
Masyadong naging sentro ako ng usapan, hindi namin napapansin na dinapuan na rin pala siya ng isang sakit na bumawi sa kanyang buhay.
Wala na siya. Tapos na...
Kasabay ng aking paghikbi ay ang pagsarado sa aking libro.
Bakit ganon? Kwento lang ito ngunit lubos niyang pinakikirot ang puso ko.
Tumayo na ako upang masimulan ang pagtatrabaho baka pagalitan pa ako ni mama at masermonan pa dahil sa kawa-wattpad ko.
BINABASA MO ANG
Mga Kwentong Dagli
Kort verhaalMga koleksyon ng mas maikli pa sa mga maikling kwento na maaaring kapupulutan ng aral, magpaiyak, magpasaya, magpatawa o 'di kaya'y mga kwentong gigising sa iyo sa reyalidad ng buhay.