13. Panaginip

2.2K 27 0
                                    

Panaginip
ni Shella Mae G.

Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa aking silid-tulugan nang ako ay may mapansin. Mayroong babaeng naglalakad din patungo sa silid na aking pupuntahan. Ang nakapagtataka pa ay nakapasok ito nang hindi binubuksan ang pintuan.

Sinundan ko ang babae at nagulat ako sa aking nakita - walang tao sa loob ng aking silid.  Ang mga gamit ko ay ganun pa rin ang ayos at hindi man lang ito nagalaw.

Dumiretso ako sa kama at nahiga. Bigla akong kinilabutan. Para kasing may malamig na hangin na dumampi sa aking balat. Nang tinignan ko ang bentilador ay hindi naman ito nakabukas.

Lumipas ang ilang sandali, nakarinig ako ng malakas na sigaw.

"Mayang! Gumising ka na d'yan dahil malelate ka na sa klase mo! Dalian mo d'yan at mag-aalmusal ka pa."

Ako ay napabangon dahil sa sigaw ni Inang na nanggaling sa kusina. Tumayo ako at nag-obserba sa loob ng aking silid.

Ganun pa rin naman ang ayos ng aking kagamitan. Ang kaibahan nga lang ay tirik na ang araw at nakabukas na ang mga bintana.

Akma akong tutungo sa banyo nang ako ay kinilabutan sa aking napansin...

Isang babae ang nakangiti sa akin.

Mga Kwentong DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon