Isang Daan
ni Rodnie M.Pagkatapos kumain ni Gerald, napaupo ito sa kinalalagyan ng dalawang babae. Ang dalawang ito ay kasama niya sa isang patimpalak ng tugsayawit. Hindi niya ito gaanong kilala sapagkat magkaiba sila ng seksyong kinabibilangan.
Ang isang babae na nagngangalang Camille ay biglang kinausap si Gerald at sinabing "Utang nga ako ng isang daan."
Dahil malapit ito sa daan na kanilang kinalalagyan at patuloy ang pag-urong ng mga sasakyan, hindi niya ito agad naintindihan. Inulit ito ni Camille hanggat narinig na ni Gerald.
Si Gerald ay may katangian na matulungin kung kaya'y hindi ito nagdalawang isip na pahiramin ng pera si Camille.
"Salamat, babayaran ko sa lunes," wika ni Camille.
"Sige," sagot naman ni Gerald.
Pagkatapos ng kaganapang iyon, nag chat si Camille sa Messenger at sinabing "Salamat pala dahil pinahiram mo ako ng isang daan."
"Walang anuman," sagot dito ni Gerald.
Dito na nagsimulang kilalanin nina Gerald at Camille ang isa't isa. Kinuha ni Gerald ang numero ni Camille sa telepono at binigay niya ito ng walang pag-aalinlangan.
Sa araw-araw na magkatext at mag katawag sina Gerald at Camille ay nagtapat ang dalawa na may gusto sila sa isa't isa. Hindi nila sukat akalain na ganun nalang kabilis ang mga pangyayari.
Niligawan ni Gerald si Camille. Pagkaraan ng isang linggo, niyaya ni Camille si Gerald na kumain sa isang sikat na kainan. Ang pagyaya ni Camille ay isang paraan niya para sagutin na niya si Gerald.
Hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman ni Gerald sa mga oras na iyon. Sa huli, silang dalawa ay ganap ng magkasintahan na nagsimula dahil sa isang daan.
BINABASA MO ANG
Mga Kwentong Dagli
Cerita PendekMga koleksyon ng mas maikli pa sa mga maikling kwento na maaaring kapupulutan ng aral, magpaiyak, magpasaya, magpatawa o 'di kaya'y mga kwentong gigising sa iyo sa reyalidad ng buhay.