Alleason's POV
Simula nung last saturday napansin ko ang pag iiba ni Yannica, hindi na siya masyadong maingay, hindi na din siya yung makulit, di na din siya masyadong malisyosa. Palagi na siyang tulala, at minsan pag kinakausap mo biglang ma-zo-zone out, parang ang lalim ng iniiisip niya, ano kayang droga tinira netong isang to? Ipapa-Rehab ko na ba?
Friday na ngayon at mamaya ay pupunta na kami sa bar nila Yannica, nang pababa na ako sa stairs ay napadaan ako sa room ni Yannica, at walang anu-ano na pumasok sa loob nito.
"Okay ka lang ba Yanni?" Straight forward kong tanong sa kanya.
Bakit ganun ang face ni Yanni, ang laki na ng eyebags niya, tapos ang pale na ng skin tone niya and mukha siyang stress na stress. Jusko ang panget na niya! Anyway di naman pala siya maganda, hahahaha... Joke! Mahal na mahal ko yang kaibigan kong yan, kaya nga concern ako sa kanya ngayon eh.
*Gulp* "Oo naman, halika na nga baka malate pa tayo, tapos you will sisi me, pag nalate tayo" sabi ni Yanni pero halata sa kanya ang pag ka-aligaga niya. Tsss... she's lying.
After akong idrag ni Yanni papunta sa Van hindi ko pa din siya tinitigilan na titigan.
Pag kababa naming lahat sa Van ay nag puntahan na sila Elle, Jill, Claire at Yanni locker nila. Hindi na ako pumunta sa locker ko dahil kinakabahan ako kay Yanni, sinundan ko siya hanggang sa locker niya. Before opening her locker tumingin tingin muna siya sa paligid to see if someone is here, nang lumingon siya sa direction ko nag tago ako sa may pader sa unahan ko. Pag tingin ko ulit kay Yanni meron na siyang hawak na isang bond paper size na picture, ang nakalagay sa picture ay isang lapida with her name on it.
"Yannica?" I called out her name. At sinara niya agad yung locker niya.
"A-al-alleason? A-anong gi-ginagawa mo dito?" Yanni sad while stuttering.
"Sinong nag lagay niyan sa locker mo?"
No response from Yanni, nakatingin lang siya sakin at parang paiyak na.
"Bakit di ka sumasagot! Alam mo ba kung anong nakalagay diyan sa picture ha?! That's one form of a death threat Yanni! Sinong nag bibigay sayo niyan? At di mo man lang sinasabi samin na may natatanggap ka na palang ganyan, meron pa bang iba?"
Sh*t! Bakit di niya to sinabi sa amin? Tutulungan naman namin siya ah, kayang kaya naming ipatrace kung sinong sender nun, pero anong ginawa niya, sinolo niya yung problema niya, tinago niya sa amin.
"Ano Yanni? Meron pa bang iba?"
Biglang yumakap si Yanni sa akin at ngayon ay umiiyak na talaga siya.
"Oo, (*sniff) meron pang ibang death threat (*sniff)."
After kumalma ni Yanni, binuksan niya ulit yung locker niya at may kinuha siyang isang black box at picture at nilagay sa loob ng bag niya.
"Allea, dun tayo sa canteen, ikwekwento ko sayo" sabi ni Yanni habang nag lalakad kami sa hallway.
"Okay lang ba sayo na umabsent ka muna sa morning classes mo?" tanong ni Yanni sakin.
"Yeah, grades lang naman mawawala sa akin dun eh, eh eto, baka ikaw pa mawala samin"
Tumingin sa akin si Yannica and she flashed a faint smile.
Bakit? Tama naman ako diba? Grades lang naman mawawala sakin pag di ako umattend sa morning classes ko. Eh kung di ko pa nalaman na may mga death threats pala siyang na rerecieve edi baka mabalitaan nalang namin sa TV na may natagpuang bangkay ng babae na nag ngangalang Yannic Shay Hamilton na palutang lutang sa Ilog Pasig diba?
BINABASA MO ANG
Why Can't we Stay the Same
Teen FictionThey consider theirselves as their own sisters, they have been together through their ups and downs, but before they met and became best friends something dreadful happened to their past. They also met some people that are connected to the past and...