Alleason's POV
Aish! Wrong timing naman tong bestfriend ko! Kaasar! Imbis na kumakain pa ako at nakikipag kwentuhan kay Yanni eh bigla akong napatakbo palabas ng canteen. Kasi naman nag text sa akin si Theo na nasa may soccer field daw siya netong C.U. kaya ayun, napatakbo ako, miss na miss ko na kasi yung impaktong yun eh, tagal ding hindi nag paramdam nun.
Habang tumatakbo ako nakita ko sila Claire at Calvin sa may bench sa labas ng building ng department nila. Naku, naku! Lumalovelife na yata tong isang to! Di pwede yun! Kasi nag promise kami sa isa't isa na wala munang mag boboyfriend sa aming lima eh, pero mamaya ko na siya kakausapin dahil nag text nanaman si Theo at pinag mamadali ako kasi may surprise daw siya sa akin.
Nang maka dating na ako sa may puno sa may field nakita ko si Theo na nakatayo sa ilalim nun, tsk, kahit kelan talaga to, ayaw na ayaw mainitan, kasi iitim daw siya at baka mabawasan daw ang kapogian niya. Minsan nga naiisip ko na baka bakla tong BestFriend ko eh... Wag naman sana! Crush ko to eh! Hahahahah! Bakit? Crush lang naman eh, syempre ang pogi yata nito no! If I know, crush din ng mga best friend Ko tong lalaking to! Hahaha
"Ang bagal mo talaga kahit kelan" sabi ni Theo habang ginugulo ang napaka ganda kong hair na naka braid ngayon, and speaking of Braid thank you nga pala kay Elle kasi siya nag braid sa akin eh, magaling mag braid yun eh. Kaya siguro sila close ni BRAIDen! Hahaha jk. Corny Ko na XD
"Tsk! Ginugulo mo buhok ko eh! Ano bang surprise mo? Pag ako di na surprise jan ah! Lumayas ka agad sa harapan ko..."
"Psh! Baka nga pag nakita mo to, baka maging sobrang saya ka at maubusan ka nang saya..." Kahit kelan talaga tong lalaking to, may pagkamayabang!
"K Fine, asan na?"
"Close your eyes, surprise nga eh" Sabi niya habang pinipitik, ay I mean Pinipikit yung mata ko, how sweet, joke chooosss! (>_<)
Naramdaman kong may kinuha siya sa bag niya at parang sinuot ito? Ano to?  ̄ 3 ̄
"Okay, dilat na"
Pag ka dilat ko wala namang siyang hawak na kahit ano? Asan ang surprise dito?
 ̄_ ̄Pinag lololoko ata ako nito eh.
"Lumayas kana"
"HUH?! Teka teka! Wala ka bang napapansin? Grabe to, akala ko pa naman magaling kang observer. Tsk.Tsk.Tsk. Im so disappointed Babe" sabi niya habang pailing-iling pa, atchaka Babe daw? Ewww! Kadiri ayaw na ayaw kong tinatawag akong 'Babe' eh, hindi ako baboy no! Alam naman niyang ayaw kong mag patawag ng ganun eh. Bwisit
"Whatda! Babe your face! And may pa disappoint disappoint ka pa dyan! Eh sa wala akong nakitang gift eh. Lumayas ka na nga!"
"Hahahahahaha!" Aba! Nagawa pang tumawa!
"Tawa tawa ka dyan! Kaasar to! Sinayang mo lang oras ko eh" Kainis to, sobra!
"Sorry, teka nga, bakit ba ang highblood mo ngayon ha? Meron ka ba ngayon? Wait ano bang date ngayon?" sabi niya habang tumitingin sa calendar sa phone niya. Grabe to, paano niya nalaman? Ganun ba ako ka highblood ngayon?
"Sabi na nga ba eh, patapos na nga pala yung month,hahahaha! Mararanasan ko na naman yang mood swings mo"
"Ewan ko sayo"
"Tignan mo kasi yung suot kong ID ngayon" napatingin naman agad ako at HUWAAAAAH!!!
May suot siyang ID ng Cambridge University, so it means dito na din siya mag aaral?
"Owemgie! Dito ka na mag aaral?!" tanong ko while jumping up and down like a kid. Hahaha sobrang saya ko! Palagi na ulit kaming mag kikita.
"Ay hinde, ninakaw ko lang to dun sa tambay sa labas"  ̄ˍ ̄
BINABASA MO ANG
Why Can't we Stay the Same
Teen FictionThey consider theirselves as their own sisters, they have been together through their ups and downs, but before they met and became best friends something dreadful happened to their past. They also met some people that are connected to the past and...