Chapter 1

128 39 112
                                    

Chapter 1

Lahat tayo ay may pangarap pero hindi dapat tayo maghinayang kapag hindi natin 'yon makamit. Mas mabuting may pangarap tayo sa ating buhay kesa naman sa taong walang pangarap at parang nagpapadala lang ng agos sa tubig hindi alam saan patungo.

At ang pangarap ko ngayon? Ay pakasalan ko si Nate!

"Diana, nag-chat na ba sayo si head admin?" nakita ko si Kyla na dala-dala ang mga cartolina at coloring materials.

Tinignan ko muna ang cellphone ko sa lamesa pero walang mensahe o chat galing sa admin namin. Hindi ko mapigilang mapanguso, baka nakalimutan niya yata kami.

Pagkalapit ni Kyla ay agad kong kinuha ang mga bili niya at inilatag sa damuhan.

"Sure ka bang makakaya mo gawin ang banner, Di?" nag-alala ang boses nito at laging tinitignan ang ang relo niya.

I blew my hair off my face at tinignan siya ng masama. "Kyla naman, trust me on this one. Matagal na tayong kilala tapos lagi kang nagdududa." I puffed my cheeks at nagpakurap ng aking mata. "Are you really my bestie or what?"

Nakita ko itong bumuntong hininga at umupo sa aking tabi sa damuhan. "Tutulungan nalang kita, Di. Hindi ka lang talaga marunong sa art," aniya at tinulungan ako sa paggawa ng banner.

I pouted, ang sama naman ng bestfriend ko. All I want is to help at ito ang binigay na task sa amin ni ate Gabriela. We are all excited to meet them, really. Kaya hindi ko mapigilang maging energetic all of a sudden.

"Wow!" I clapped my hands at tinignan ang gawa namin ni Kyla. Not bad, but all thanks to Kyla. She do all the drawings, while I do all the ideas and the designs.

"Let's go?"

Tumayo kami at nilinis ang aming kalat, mahirap nang mahuli kami ni manong guard na pagala-gala dito sa campus lalo na at sa garden pa kami gumagawa.

Dumaan kami sa Engineering building para puntahan ang admin namin sa club. Kyla and I are thankful dahil hindi pumasok ang professor namin dahil may gagawin pa ito, he just gave us two to four unit to read and quiz kaagad bukas. I'm happy dahil walang pasok ngayon, pero malungkot dahil sa gawain.

"Anong ginagawa ng taga accountancy dito?" I saw Gabriel walking towards us with his half smirk and intimidating look.

Napairap ako sa aking mata at tinignan siya ng masama. "Saan si ate?"

Nakita ko itong tumingin sa akin at kay Kyla. Bumaba ang tingin nito at nakita nito ang hawak kong banner. "Again with your nonsense fan girling? Hindi ka naman nila kilala."

Nonsense? Tinignan ko ito ng masama at kinurot ang kaniyang tagiliran. "Anong nonsense pinagsasabi mo? Hindi nonsense ang pagiging fan girl ko."

Narinig ko ang pag-ngisi nito kaya tinignan ko uli ito ng masama. "Makatarungan ang pagiging fan girl namin. Kahit hindi nila kami kilala, tulad nga ng sabi ko. I love them and support them with all my-"

"With all your might. I know, you keep repeating it over and over again." bagot na bagot ang tono ni Gabriel at nakanguso na ito.

Hindi ko mapigilang mapahalakhak sa mukha nitong mukhang pato kaya tumalon ako para maabot ang leeg nito at isinabit ko ang aking braso kaya napayuko ito at narinig ko ang kaniyang daing. Ang tangkad naman kasi ni Gabriel kaya nahihirapan ako.

"Ano ba, Di! Bitawan mo ko! Nasasakal ako." I heard his acting cough kaya hindi ko mapigilang guluhin ang buhok nito at tumawa ng malakas.

"Get a room!" rinig ko ang asar ni Kyla sa amin kaya agad kong binitawan si Gabriel na ngayon ay masama na ang tingin sa akin.

Being a Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon