Chapter 11

47 18 8
                                    

Chapter 11

KINABUKASAN, hinatid na kami ni sir Harold dahil may kakausapin din siya sa dean namin at hindi ko alam kung ano kahit si Nate ay hindi alam.

"Una ka muna, Diana. Si Nathan nalang ang sasama sa akin sa dean n'yo," sabi ni sir Harold ng makapasok sa eskwelahan.

Mabuti nalang kumukunti ang mga media ngayon, dahil ilang linggo na rin silang pabalik-balik dito at wala naman silang makukuha dahil protektado si Nate sa aming security.

Tumango ako bilang tugon kay sir Harold at nagpaalam na sila sa akin. Tinignan pa muna ako ni Nate bago tumalikod sa akin. Napataas ang kilay ko. Anong problema nun?

"Kyla!" tili ko at kinawayan siya ng makita papasok sa entrance gate ng eskwelahan namin.

Ngumiti ako ng may panunuya nang makita si Axel na nakasunod sa likod ni Kyla. So okay na pala sila?

"Diana! I missed you." humalakhak si Kyla at yinakap ako ng mahigpit.

"Wow, namiss mo 'ko? Sa hapon ka pumasok pero parang ilang araw kang wala dahil wala ka sa katinuan mo," sabi ko at pinitik ang kaniyang noo ng pabiro.

Ngumuso ito at hinimas ang aking pinitik at tinignan si Axel sa kaniyang tabi na natutuwa habang tinitignan kami.

"Babe oh, away ako ni Diana." pagsusumbong ni Kyla kay Axel.

Nanlalaki ang mata ko sa nakita. Waah! Is it really my bestfriend? Ngayon ko lang siyang nakitang ganiyan sa isang lalaki.

"Okay lang 'yan babe, inaway mo din naman ako kahapon." biro ni Axel at hinimas ang buhok ni Kyla.

"Ayoko na nga sayo babe." tumalikod si Kyla sa amin at umaktong nagtatampo.

"Babe!" natataranta ang mukha ni Axel at pilit yinakap si Kyla.

Eww, nandiri ako sa nakita nilang paglalandian sa harapan ko. Baka kami ni Nate maglalandian hindi siguro kadiri tulad sakanila 'no.

Axel is one of the famous athlete sa school namin. A basketball captain to be exact pero matalino siya kahit isa siyang athlete, dahil makikita mo rin ang kaniyang pangalan kahit saan sa bulletin board sa kaniyang karangalan.

Pero ngayon nakita ko siyang sweet kay Kyla hindi talaga ako nagkakamali na mahal na mahal niya ang bestfriend ko. Noon pa man, kasama namin minsan si Axel sa group study at makikita ko lagi niyang tinutulungan si Kyla so he's really a good guy.

"Uhm, una na ako. Hehe." pagpaalam ko sa naglalandiang love birds aa harapan ko at tumakbo palayo.

"Ouch!"
"Aray!"

Sabay namin daing ng kabanggaan ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ang nabangga ko na nakaupo sa sahig at nagkalat ang kaniyang mga dalang gamit.

"Oh my god, sorry!" tumayo muna ako at pinagpagan ang tuhod iniinda ang sakit ng pwet.

Tinulungan ko siyang kunin ang mga gamit at nakita ko ang mga water pens na nagkalat at ang mga oslo paper.

"Sorry talaga." sabi ko ng matapos na namin makuha mga gamit niya at inulungan ko na siyang tumayo.

"It's okay." mahinang sabi niya sa'kin.

Napatingin ako sa mukha niya ng maiangat ang ulo nito. Napaawang ang bibig ko sa nakita.

"Ang ganda." hindi ko mapigilang maibulaslas 'yon.

"What?" natatawang tanong nito at sinuklayan ang kaniyang buhok gamit ang kan'yang daliri.

So pretty. Mas lalo lang siyang gumanda ng makita ang buo niyang mukha. Napakurap ako ng maalala siya. Siya yata yung nabangga ko kahapon noong lutang si Kyla, small world.

"Ang ganda mo talaga sobra." sabi ko at inilahad ang kamay. "I'm Diana, accountancy."

"Charlotte from Business Administration," ngiting pakila n'ya at tinanggap ang kamay. Ang lambot.

"Bago ka lang dito?" tanong ko at ibinigay na sakaniya ang mga nahulog na gamit.

"Oo eh." nahihiyang sabi niya.

Artista ba 'tong kaharap ko ngayon? Sa malapitan ang haba ng kaniyang pilikmata, ang puti at kinis din ng kaniyang mukha na namumula pa ang pisngi kahit walang gamit na blush-on. Nakalugay pa rin ang kaniyang mahabang kulay brown na kulot na buhok na nakadagdag ng kaniyang pagkamestiza.

"Pwede kitang i-tour dito sa school kung gusto mo." ngumiti ako ng malapad.

Gusto ko siyang maging kaibigan, pakiramdam ko ang cool niya sa lahat.

"Sure!" sagot nito.

Habang tinuturo ko siya sa mga daan daan ng malawak na eskwelahan namin at nalaman ko palang na ilang linggo pa ito nag-aaral at home-school rin siya. It's her first time.

"Diana? May tanong ako." seryosong tanong ni Charlotte sa'kin.

"Kaano-ano kayo ni Nate? Kalat kasi sa campus baka may namamagitan sainyo." bigla niyang sinabi na ikinatigil ng paglalakad ko.

Napalingon ako sakaniya na natatawa. Ano ba dapat isagot ko? Hindi ko kasi dapat sabihin dahil isa itong exclusive top secret.

"Kaibigan ko lang siya." sabi ko sakaniya at ngumiti.

Tumango ito at umiwas ng tingin. "Pwede ba kitang maging kaibigan?"

Nanlaki ang mata ko at hindi maiwasang ngumiti. "Talaga?"

Tumingin ito sa akin na nakangiti na. "Oo, wala kasi akong kaibigan dito eh."

"Ang saya ko!" yayakapin ko na sana si Charlotte ng may marinig akong tumawag sa pangalan ko.

"Diana!"

Napalingon ako sa likod ng makita ko si Gabriel at senenyasan na papuntahin ako.

Nahihiya akong tinignan si Charlotte na nakatingin din kay Gabriel.

"Una muna ako ah? See you!" pagpaalam ko at tumakbo papunta kay Gabriel na prenteng nakatayo na parang model.

Ngumuso ako ng makalapit sakaniya. "Ano ginagawa mo dito?"

Nakita kong nakatingin siya sa malayo at tumingin na sa akin. "Sino 'yon, Di?"

Sinulyapan ko ang kaniyang tinignan at si Charlotte 'yon na nakatalikod na at naglalakad palayo.

"Si Charlotte, bagong kaibigan ko. Transferee." sabi ko kay Gabe at ngumiti.

Nagkibit-balikat si Gabriel at tinignan ako at hinawakan ang ulo na nakapagnguso sa'kin. Ito na naman siya, para akong bata kung ituring.

"Familiar siya." simpleng sabi niya.

"Bakit mo ko tinawag?" takang tanong ko.

May kinuha ito sa kaniyang bulsa. "Ilan na sayo? Malapit na deadline na'tin ah?" tinignan niya ang kaniyang phone.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niyan. Anong deadline? Nakita niya yata ang pagtataka ko at ipinakita niya sa akin ang ka'nyang phone na may maraming painting pictures sa eskwelahan.

Nanlaki ang mata ko at dali-daling kinuha ang phone ko at tinignan kung ilan ang nakunan kong litrato sa mga painting.

"61!"
"49!"

Nanlaki ang mata ko dahil ang dami na niyang nakunan! Narinig ko ang halakhak nito at ipinakita sa akin ang phone niya.

"Habol na habang may araw ka pa. Ihanda mo na ang ibibigay mo!" tumawa ito ng malakas na para bang natutuwa ito.

Kinuha ko ang phone niya at iniscan lahat. Totoo, 61 talaga lahat! Hindi ko na ito naiisip ah? Nabusy yata ako dahil kay Nate.

"Goodluck, Di." tumawa ito ng malakas at ginulo ang buhok ko.

Aawayin ko pa sana siya ng may humila na sa'kin palayo.

"Nate!" gulat kong sambit.

"Late na tayo sa klase. Sinabihan kana ni sir Harold na una ka na sa classroom. Ang tigas ng ulo mo!" singhal niya.

Nanlaki ang mata ko sa mga sigaw niya sa'kin.

Ano ba ang problema niya?

-----

Being a Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon