Chapter 28

3 1 0
                                    

Chapter 28

Habang naghihintay ako sa labas ng university ay nakita ko ang isang van na pumarada sa harapan ko.

Binuksan nito ang bintana at nakita ko sa sir Harold na nakangiti sa akin.

"Ihahatid na kita, Diana." Alok nito sa akin.

Ngumiti ako at iniwagayway ang aking kamay. "Huwag na po, sir! Maraming salamat po." Pagtatanggi ko.

Nagulat nalang ako ng bumukas ang pintuan ng van at nakita ko ang napakagwapong mukha ni Nate wearing his annoying expression. Nakasuot ito ng uniform namin pero sa first subject lang pumasok dahil sa daming gawain.

Makakaya kaya niya ang school at ang pagiging artist niya?

"Pumasok ka na nga, bata." Bagot na sabi nito sa akin na parang naiinis.

"Wow! Parang galit ka sa akin ah?" Sabi ko pagkapasok ng van. Umisod naman ito para makaupo ako sa kaniyang tabi.

Pagkasara ko ng pintuan ng van ay bigla naman tinakpan ni Nate ang mukha ko. Ang pinakagusto niyang gawin para maasar lang ako sa kaniya. Kahit mabango pa ang kamay niya, nakakainis na rin minsan ang pang-aasar nito sa akin.

"Ano ba, Nate!" Angil ko at tinanggal ang pagkakatakip ng mukha ko. Agad naman niya binawi ang kaniyang kamay at naiiling na natatawa habang nakatingin na sa harapan.

"Ang saya ah?" Tanong ko pero may halong inis dahil sa ginawa niya kanina.

"Wala lang." Aniya at may ngiti ito sa labi at tumingin sa katabi nitong bintana at humilig.

Gusto ko pa sana itong tanungin at kausapin pero pumikit ito at nilagyan ng earphones ang kaniyang tenga. Mukhang matutulog yata. Pagod siguro ito sa trabaho niya. Hindi ko mapigilang ngumiti habang nakatingin kay Nate na mahimbing na natutulog.

"Diana, napag-isipan mo na ba?" Tanong ni sir Harold sa gitna ng katahimikan sa loob ng van.

Napatingin ako kay sir Harold na minsan sumusulyap sa akin sa salamin sa harapan.

"Pag-iisipan ko pa, sir." Sagot ko sa kaniya at ngumiti ng malungkot.

Nasa bag ko ngayon ang contract. Hindi ko alam kailan ko ito pipirmahan at maging parte talaga ng isang malaking kompanya. Malaking blessing na ito, dahil kusang lumalapit na.

I want to open this to my mother pero isa rin 'yon na aayaw sa desisyon ko dahil kay lolo. They both have same mindset. Avoid being on a music industry. Hindi nga nila alam na isa ako sa mga fan girl ng music band ngayon.

Pakiramdam ko alam ni mama pero hinahayaan ako pero deep inside ayaw niya. Hindi ko talaga alam bakit ayaw nila. Is this about my father?

Napailing ako sa aking pag-iisip. Bakit ko naman sinama si dad dito. Masaya na 'yon sa ibang pamilya. Hindi ko maiwasang masaktan ng maalala na tinawagan ko si dad at boses ng babae ang sumagot.

"Just tell me okay? I will process that as soon as possible. Hindi namin gusto makawala ang isa sa pinakamagaling na talent." Nakita ko itong nakangiti habang nagmamaneho.

Hindi ko mapigilang mapangiti. "Thank you, sir."

Nang nakaparada na si sir Harold sa tapat ng Ballerina Studio ng lolo ko ay agad akong nagpasalamat.

Napatingin pa ako kay Nate na mahimbing na natutulog sa tabi at balot na balot ang mukha dahil natatakpan ito ng kaniyang hoodie sa ulo sa kakagalaw ng kaniyang ulo.

"Don't worry, sasabihan ko siya." Sabi ni sir Harold na nakalingon ito sa akin.

"Thank you, sir!" Ngumiti ako at isinarado ang pintuan ng van.

Nang nakaalis na ang van ay napatingin ako sa paligid at sa kalangitan. Medyo madilim na ang paligid, at lumalabas na rin ang mga bituin sa langit, papuntang gabi na kaya medyo malamig.

I shook my head at pumasok sa loob. I expected na wala si lolo pero hindi. Naroon siya sa loob nakatayo at tinuturuan ang mga bata na nag baballerina lesson.

Bigla akong kinabahan ng makita si lolo, kaba at takot. Lagi akong natatakot at kinakabahan basta nandiyan siya sa tabi-tabi, malakas ang impact niya sa akin at sa childhood ko. Dahil sa pagiging strict nito at pagpupush ng gusto niya para sa akin kahit ayaw ko.

When the music stops ay tumingin sa akin ang mga bata at nagsisigawan nanh makita ako.

"Ate Diana!" They all greeted at me at isa-isang niyakap ako.

"Hello!" Galak kong bati sa kanila at hinawakan ang kanilang mga ulo. Nasa bewang ko lang sila kaya masa edad anim hanggang walong gulang ang nag lelesson kay lolo ngayon.

"Namiss ka namin, ate!" Jolly said. She's eight years old. The older one sa lahat na nandito.

They all agreed in unison. Ngumiti lang ako sa kanila.

"Buti maaga ka ngayon, Diana." Lolo greeted at me nang nakalapit sa akin.

"Lolo!" I greeted back at lumapit sa kaniya para hagkan ang pisngi ni Lolo as a sign of respect.

"Wala kaming klase ngayon, kaya napaaga ako dito."

Tumango ito sa akin. "Kids, take your break first then balik uli tayo." He said to the kids. Tumango naman ang mga bata at masayang tinungo ang locker room nilat at masayang kumain at umiinom ng tubig. Hindi ko maiwasang mapangiti sa nakita, they are all so cute!

Unang mag practice dito sa studio ay mga bata, sa gabi naman ay mga adults para iwas ingay at gulo. Lalo na sa akin, dahil may special lesson ako lagi kay lolo. He wanted my posture and dances to be perfect and graceful kaya sa mga adults na niya ako sinama.

Sometimes morning may mga bata, in the afternoon ay teens, later that mga pagabi na oras ay may special lessons ang mga VIP student kids.

Yes, lahat ng mga bata ngayon ay VIP kaya si lolo ang nagtuturo. Lahat ng mga bata ngayon ay anak mayaman, kumbaga ang mga magulang nito ay mga nasa pulitiko o nasa business world. May isang bata nga na anak ng mayor sa ibang lugar pero dito kumuha ng ballet class. Still, lolo is the best in teaching ballet kaya kilalang-kilala ito sa mundo.

"Diana, pumasok ka muna sa special room and get ready dahil may mga investors tayo. And one of them ay may-ari ng Vaganova School." Sabi ni lolo sa akin na nakangiti at halatang good mood.

Nanlaki ang mata ko sa narinig. "Po?" Gulat kong sambit.

"You heard it right. They want to invest our center dahil kilala tayo bilang prestigious ballet center ng philippines. The Vaganova School also wants to offer the best student here." Pahayag nito at biglang hinawakan ang balikat ko.

"Whether you like it or not, isasama kita sa showcase mamaya. I want you to be part of the Vaganovean students." Ngumiti ito ng malapad at mukhang excited sa pangyayari mamaya.

Napilitan akong ngumiti at tumango. "Opo lolo."

Masaya itong umalis kaya napabuntong-hininga ako sa kawalan. I don't want to do this but for the sake of my lolo and for my family kailangan ko tong gawin kahit ipagpaliban ko ang happiness ko.

----

Being a Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon