Chapter 13

50 16 1
                                    

Chapter 13

"Nathan Gonzales!"

Rinig na rinig namin ang sigaw ng isang babae sa loob ng napakalaking mansyon sa harapan ko.

Napaangat ang tingin ko sa kabuuan ng mansyon. Ang ganda at ang lawak! Halatang modernized house at pinagawa talaga sa mga mahuhusay na Architects dahil sa bawat sulok nito ay hindi biro ang pagdesign.

Habang naghihintay kami ni Nate sa baba ng mansyon ay may babaeng bumaba galing sa engrandeng hagdan na nasa gitna na parang isang kakadebut lang na prinsesa.

"Nathan darling!" tili nito uli at tumakbo papunta kay Nate at yumakap.

Tawang-tawa naman si Nate at yinakap nito ang babae. Sino 'yan? Bakit nga pala kami nandito?

Nang napansin ng babae ang presensa ko ay bumitaw ito sa pagkakahawak kay Nate at bumaling sa akin ang kaniyang atensyon.

Doon ko nakita ng tuluyan ang mukha niya at ang kaniyang suot. Para na itong nasa middle-aged dahil sa mature nitong pangangatawan. Maganda at elegante ito sa suot niya pa lang na kahit nasa bahay niya lang ay nakasuot ito ng dress.

"Who's this?" takang tanong nito at tinignan ako sa ulo hanggang paa.

Napalunok ako sa kaniyang tingin at tinignan si Nate na kausap ang isang lalaki na kababa lang din ng hagdan. Napanguso ako sa pormal nitong suot.

Sino ba 'to sila? Bakit ako dito dinala?

"Good morning Ms. Andres!" bungad sa akin ni sir Harold sa drivers seat.

"Good morning sir." bati ko sakaniya at binuksan ang pintuan sa likod.

"Bulaga!"

"Ahh! Bigas!" gulatang kong sigaw at napahawak sa dibdib ko.

"Again with your nonsense bubbling. It's still hilarious!" humalakhak si Nate sa harapan ko at nakahawak na ito sa tiyan habang tinuturo ako.

I make faces at tinulak ang mukha niya nang nakapasok sa loob ng kotse.

"Sir oh!" pagsusumbong ko kay sir Harold na nakatingin sa amin gamit ang salamin sa kotse

Nakita ko ang pagngisi ni sir. "Nah." simpleng sabi ni sir habang tumatawa ng mahina.

"See? Kahit si sir natatawa sayo." sabi ni Nate sa tabi ko.

Inirapan ko si Nate at napatingin sa bintana ng kotse at tuluyang nanlaki ang mata dahil sa ibang daan kami pumunta.

"Sir? Nasa ibang daan po yung school." takang tanong ko.

"Yes, I know. Excuse ko na kayo dahil may pupuntahan tayo." sabi ni sir habang nagmamaneho.

"Where?" tanong ni Nate.

Pati si Nate ay hindi din alam 'san pupunta? Naka-uniporme rin ito kagaya ko.

"To Suzzaine." sabi ni sir at huminto sa isang kalakihang gate na nasa harapan namin.

Lumingon si sir sa amin na nakaupo sa backseat. "Listen Diana, siya ang makakatulong sayo to become a successful artist. Listen to her carefully, huwag mo lang gagalitin."

"Okay, do you dance?" tanong nito sa akin habang naglalakad sa hallway sa kaniyang kalakihang mansyon.

Can I dance? But I do ballet? Baka iba ang dance na iniisip nito baka ang gusto niya ay moderno tulad ng hip-hop o kung ano pa.

Being a Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon