Chapter 21

8 1 0
                                    

Chapter 21

"Sinapak ka ng bag?" Hindi mapigilan mabunghalit ng tawa si Josh sa narinig.

Biglang nagsitawanan ang iba habang ako ay biglang ngumiti sa sinabi niya. Pagkatapos kasi nung yakapan naming dalawa ay pumasok na ang iba buti naman ay magkalayo na kami bago sila pumasok. Hindi ko maiwasan matuwa dahil alalang-alala talaga ang iba kay Lance.

"Pangit ka siguro kaya ka sinapak. Mukha kang unggoy." Asar ni Kevin kaya kita ko pano tignan ni ng masama ni Lance si Kevin.

"Seriously, sinundan mo talaga siya sa kanila?" Gulat kong tanong.

Nakaupo kaming lahat na nakaikot sa sahig dito sa practice room kung saan kami tumatambay. Nasa harapan namin ang mga junkfoods na dinala ni Kevin. Hindi ko alam san niya ito nakuha pero ang dami, siya lang naman kumakain ng sobra.

"I really just missed her," aniya at nagkibit-balikat. "Ilang taon na rin ang lumipas."

"Ano ba nangyari?" Tanong ni Mark. Wow, nagsasalita pa pala ito? Ang seryoso niya kasi. Seryoso din naman si Natr kaso ito si Mark may pakamisteryoso ang peg. Mas nakakatakot pa siya kesa sa pinakamamahal kong Nate.

Nakita kong sumulyap sa akin si Lance at ngumiti. "Nakita ko kasi siya sa Art Gallery. I bet she's visiting her own arts. Habang naglilibot kasi kami ni Diana nakita ko ang pangalan niya na nakaukit sa isang pyesa."

"Wow!" Hindi ko maiwasang maibulaslas ang paghanga sa isang pintura na nakalagay sa harapan.

A tree na may nakaukit na letrang L, at may babaeng nakatayo sa isang bangin na nakaharap sa sunset. Nakahawak ito sa kaniyang buhok at nakapikit. Sa isang kamay nito ay nay hawak siyang pang-ukit na para bang siya ang nag- lagay ng letrang L sa isang kahoy. The scenery was sad. Parang ramdam ko ang bigat ng emosyon habang nakatingin sa pyesa. Dahil sa mabibigat na kulay ang nakalagay nito.

Lilipat na sana ako sa kabilang pintura pero napansin ko na nakatitig pa rin si Lance sa harapan ng pintura. Nakita kong hahawakan niya sana ang pintura pero paran pinipigilan nito ang sarili at biglang ngumiti.

"You okay?" Alalang tanong ko at lumapit sa kaniya na nakatitig pa rin sa harapan.

Ngumiti ito pero nakatitig pa rin sa harapan. "Nasasaktan ako."

Napatingin ako sa kaniya na may pagtataka sa mukha. "Ha?"

Lumingon ito sa akin na nakangiti na. "Wala, let's go?" He said while walking away.

Tumingin ako sa kaniya at lumingon sa pintura uli. "Bakit malungkot ang mata niya?" Ano bang meron sa painting na 'to sa kaniya?

Napatingin ako sa pangalan sa may-ari nito. "Monika Loison," bulong ko.

"Monika, di ba?" Bigla kong naibulaslas sa harapan nila.

Napatingin silang lahat sa akin at nakita kong nanlaki ang mata ni Lance sa sinabi ko.

"Hoy bata, sabat ka ng sabat hindi mo naman kilala sino ang kinekwento ni Lance." asar na sabi ni Nate at binato sa akin ang kaninang hawak niyang junkfoods.

Being a Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon