Chapter 12

44 16 6
                                    

Chapter 12

"Thank you sir!" pagsasalamat ko at isinarado ang pintuan ng kotse.

Napatingin ako sa eskwelahan namin at napangiti dahil wala ng media ang nagtatambay sa gate, napagod na yata dahil wala naman silang makukuhang impormasyon.

Sinabihan na rin ako ni sir Harold na unti-unti na mawawala ang scandal na nagawa at sinabihan na rin ng kanilang kompanya ang publiko na walang kahit na anong galos ang natamo ng babae nung nabangga ni Nate.

Napatingin ako kay Nate na unang naglalakad sa akin. Napabuga ako ng hangin. Ibig ba sabihin nito ay aalis na siya sa eskwelahan namin? Hindi ko na ba siya makasama?

"What are you looking at? Pasok na tayo." asar nitong sabi at inirapan ako bago pumasok sa loob ng eskwelahan.

Nakanguso ako habang sumusunod sakaniya at hindi pa rin magbabago ang mga tao sa loob. Nakatingin lang ito kay Nate, 'no hindi sila makakalapit sa amin dahil nandito ako. Akala nila ha, kayang kaya ko silang atakih  in lahat kapag lumapit.

Hanggang tingin lang kayo!

Pumasok na kami sa classroom at nakita ko ang nayayamot na mukha ni Kyla sa katabi ng upuan ko. 

Seatmate kami sa subject na 'to at si Nate ay nasa unahan katabi yung school hottie namin na pakiramdam ko ay may away ang dalawa dahil hindi na pinapansin ni Nate si Jera. Everyone knows mahilig si Nate sa mga flings, including me na matagal ko ng alam. Ang hindi ko lang alam ay may ex na ito, na minahal niya daw ng sobra.

"Ano nangyari?" takang tanong ko kay Kyla ng makaupo sa tabing upuan.

Napahalumbaba ito at tinignan ako. "Wala si ma'am ngayon, pero may pinapagawa."

Hindi ko mapigilang ngumiti dahil wala si ma'am pero bakit ang bigay ng problemang dinadala niya?

"Masaya nga eh, bakit?" takang tanong ko.

Tinignan niya ako na parang hindi siya natutuwa sa sinabi ko. "Are you kidding me? Tignan mo sa board, ilang page ang ipapagawa niya?"

Sinulyapan ko ang board at nakita ko ang benteng pahina ang inilagay. It's a written exam, balancing na naman. Hindi ko maiwasang mapahalumbaba at tinatadyak ang paa.

"See? I told you, ang daming sasagutin." tawa ni Kyla sa tabi ko.

Humarap ako kay Kyla na nakanguso at agad niya akong tinignan ng may pagtataka. "Naiwan ko ang calculator ko!" ngawa ko sa harapan niya.

Agad niyang tinampal ang noo niya ng marinig ang hinaing ko at bumuga ng hangin.

"Akala ko nadadamihan ka. Calculator lang pala hanap mo." umirap ito at ibinigay sa akin ang kaniyang calculator.

"Ikaw sagot, pakopyahin mo 'ko." wika niya at kinuha ang phone ko sa desk.

"In your dreams, Ky." inirapan ko siya.

Nagsimula na akong nagsasagot habang nag cecellphone naman sa tabi ko si Kyla at pahinto-hinto para makasagot. Tahimik na rin ang classroom namin dahil nakafocus na ito sa pagsasagot.

"Diana, kilala mo 'to? May friend request siya sayo." tanong nj Kyla at ipinakita sa akin ang phone ko.

Si Charlotte! Inadd niya ako sa facebook!

Being a Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon