Chapter 22

12 1 0
                                    

Chapter 22

"Sure ka ba dito? Hindi ka ba makilala?" Alalang tanong ko kay Kevin na pumasok sa isang restaurant na hindi naka takip ang mukha. Confident pa itong pumasok sa isang samgyup restaurant.

"Yes, I'm sure!" He said full of energy. He greeted some staffs pero laking gulat ko ay normal lang itong tumugon sa kaniya.

Someone lead us the way sa isang VIP table I think? Dahil nasa malayo kamo sa mga tao at may pa tali pang kami lang makakapasok at ang mga waiter.

Napatingin ako sa paligid at ang mga tao naman ay napatingin lang sa amin. Nakakapanibago na hindi sila dumumog kay Kevin.

"Ano gusto mo?"

Napakurap ako sa harapan ni Kevin at hindi makaimik dahil hindi ko siya narinig at nawala ako sa aking isip.

Tumawa ito ng malakas. "Tsk, Mark." Umiiling pa ito habang nakatingin na sa mga orders na pagpipiliin.

Kumunot ang noo ko. "Mark?" Ano ba meron kay Mark? Isa pa 'yon. Ang lamig lamig parang babae daig pa ang may period. Ang sweet sweet sa camera pero pag makaharap mo kulang nalang sipain ka palayo sa planetang ito. Parang si Nate pero mas malala si Mark.

Hindi ito sumagot at tumawag sa isang waiter na nasa gilid sa amin na nakatayo lamang na parang naghihintay mag order si Kevin.

"Same order nalang po. Two orders!" Kevin smiled at the waiter.

Nang makaalis na ang waiter ay tinignan ko si Kevin. "What's this?"

He sits comfortably at tinignan ako. "Why? I miss eating!"

"Bakit ako ininvite ko? Meron namang iba?" I asked.

He smiled and leans at the table. "I really feel sorry sa ginawa ni Nate."

My heart said in awe. Ang bait naman ni Kevin pero hindi dapat siya ang magsosorry sa side ni Nate. Wala namang ginawang masama si Kevin.

Ngumiti ako. "No worries! Sanay naman ako sa kaniyang ugali." I said as a matter of fact. Totoo naman, medyo somosobra siya pero unti-unting nakilala ko naman ang side ni Nate.

Lumingon ako sa paligid at hindi ko naman napapansin na napapalingon sa amin ang mga kumakain. Konti lang ang mga tao dito at ramdam ko ang sophisticated ng kanilang aura. No pictures, no fans, wala.

"Itong restaurant na 'to, sa lola ko 'to. Lagi akong kumakain dito kapag hindi kami pinagbabawalan sa aming diet." Tumikhim ito at nagpakawala ng munting tawa.

"Actually, sa aming lahat ako lang ang hindi nakaranas ng salitang diet," aniya na parang proud sa kaniyang katawan.

Napanguso ako. Oo, nakakainggit. He's still slim pero laging kumakain. May freedom siyang kumain ng kahit ano. Ako kasi binabawalan ng lolo ko, basta lumagpas ng isang pound pa iyan,

Napalakpak si Kevin ng makita ang paparating na pagkain sa aming hapag. Ang saya niya naman, nakakatuwa.

Kumunot ang noo ko na maya maya ay lumapit sa amin ang iilang mga waiter at nilagyan ng mga table ang katabi namin ang mga upuan.

"Ano to?" Tanong ko kay Kevin pero ngumiti lang ito sa akin habang nagluluto ng beef sa harapan at hinihiwa ito gamit ang gunting.

Nilagyan din ng dalawang set ng lutuan ang table na nakalagay sa amin.

"Nandito na pala sila!" Tuwang naptayo si Kevin at sinalubong sina Lance, Josh, Mark at Nate.

Oh my nandito si Nate! Parang nawala ang inis ko sa kaniya kapag makikita ko ang poging mukha niya. Ano ba meron kay Nate talaga.

"Grabe, ni hindi mo kami inimbita. Nalaman lang namin dahil kay Tita." Ngumuso pa si Lance habang umupo sa tabi ko.

Tita?

"Nandito si mommy?" Takang tanong ni Kevin at lumingon lingon sa paligid. Umupo na rin ang iba at nasa harapan ko si Nate umupo kung saan umupo si Kevin kanina. Ngumuso ako at umiwas ng tingin ng nakatingin ito sa akin.

"Mommy!" Masayang bati ni Kevin sa isang babaeng lumapit sa table namin.

Napatitig ako sa kaniya. Ang ganda ng mommy ni Kevin. Manang mana talaga sa kaniya. Professional tignan dahil sa suot nitong business attire at ang sophisticated din dahil sa aura nito. With her fair skin, brown eyes and long lashes na mukhang nakuha ni Kevin sa kaniyang ina, narrow nose and with plump lips.

Tumikhim ito at lumapit kay Kevin at niyakap. "Syempre, nasabihan ako sa isang crew natin kaya tinawagan ko sila dahil namiss ko kayong magkasama." Ngumiti ito sa amin at agad tinapunan ako ng tingin at tumaas ang kilay ng parang ngayon lang ako napansin.

I swallowed a big lump on my throat sa kaba ko. Para natakot ako bigla sa tingin niya.

"Who's these?" Tanong nito.

Sasagot na sana ako kaso si Kevin na sumagot.

"Siya pala si Diana, mommy. Bagong recruit ng agency namin." Kevin introduced me.

Tumayo ako at yumuko ng onti. "Hello po."

Gusto ko mang lumapit para magpakilala kaso hindi ako makakalabas. Sa gilid ko ay isang pader at nasa tabi ko naman ay si Lance na nakaupo sa tabi na prenteng kumakain sa niluluto ni Josh.

Nakita kong ngumiti ang mommy ni Kevin. "No need to stand. Nice to meet you!"

Parang nawalan ng tinik ang lalamunan ko sa kaba. Akala ko aawayin ako ng kaniyang ina sa mga nakikita kong movies. Kailangan ko ng magpahinga sa kakapanuod ng penikula. Adik na adik na ako, kung ano nalang pumapasok sa isip ko.

"Thank you po!" Magalang kong sagot at ngumiti.

Nang nakaalis na ang mommy ni Kevin ay umupo na kami lahat at nagluluto na sa hapag.

"Nako, kung hindi kami tinawagan ng mommy mo hindi uli ako makakain ng masasarap!" Natatawang sabi ni Josh habang kumakain ng kimchi.

"Gutom kasi ako kaya biglaan." Natatawang sabi ni Kevin at tinignan ako. Napakurap pa ako ng bigla itong kumindat sa akin na para bang may ipinapahiwatig siya na hindi ko naman gets kong ano ang ibig niyang sabihin.

Habang masaya silang kumakain ay napatingin lang ako sa aking rice bowl na half rice lang ang nakuha ko. Gusto ko mang kumain ng madami pero naalala ko na may practice na naman ako mamaya sa studio ng lolo ko at alam kong naroon na siya sa studio dahil wala na siyang ginagawa ngayong week.

"Oh, anong nangyari? Hindi ba masarap?" Alalang tanong ni Lance sa aking tabi.

Napatingin silang lahat sa akin at napatigil sa kanilang kinakain. Pati na rin si Nate ay tumingin sa akin. Bigla akong kinabahan sa titig niya. Umiwas ako ng tingin at ngumiti sa kanila.

"Masarap kaya!" Umiling-iling ako dahil masarap naman talaga lalo na yung mga spices at side dishes.

"Teka, sasabihin ko sa chef namin!" Biglang sabi ni Kevin kaya nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Nako! Masarap kaya." Angil ko at pinipigilan siyang tumayo.

"Napansin ko nga, ilang hiwa lang kinakain mo. Hindi ba ako masarap magluto?" Ngumuso si Josh.

Hindi ko mapigilang tumawa. "Masarap naman."

"Just eat. Forget about your grandfather." Seryosong sabi ni Nate at kumain ng tahimik.

Biglang kumalabog ang puso ko sa sinabi niya na para bang may mainit ma humahaplos sa puso ko. He always remember it!

-----



Being a Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon