Chapter 19

9 1 0
                                    

Chapter 19

"Diana!"

Napalingon ako sa tumawag at muntikan ka pang mabitawan ang hawak kong water bottle sa nakita.

"Lance!"

Napatayo ako sa pagkakaupo at naiwan ko pa ang water bottle ko sa sahig. Kumaway ito sa akin at may inabot na papel.

Napatagilid ang ulo ko sa pagtataka sa inabot niyang papel sa akin. Ano ba ito? Napasulyap ako kay Lance na ang linis at astig tignan sa suot niyang pang practice na suot. Baggy shirts and shorts pero kahit ganiyan suot niya sobrang bagay naman, kahit nga basahan o ano pang cheap na ipapa-suot sa kaniya bagay na bahay naman.

Napanguso ako sa aking iniisip, nakakainggit naman talaga kapag biniyaan ka ng sobrang sex appeal.

"Training schedule mo, Diana."

Napatingin ako sa kaniya na nanlalaking mata. "Ano?'

Sumulyap uli ako sa papel na binigay niya. Bakit ganito? Halos lahat sakop na sa training ang schedule ko. May school pa na nakalagay at ang gabing schedule ko ay pag-practice ko roon sa Ballerina studio ng aking lolo.

"Nakakapatay," bulong ko sa hangin.

"Ganiyan talaga ang buhay ng isang artista," aniya kaya napatingin ako sa kaniya na napatakip ang bibig. Grabe naman ang pandinig nito, ang layo na nga niya sa akin rinig na rinig pa. Pero hayaan na, pogi naman si Lance. Halos lahat naman talaga pogi sakanila, pwera kay Nate, sobrang perfect 'non.

"Sundin mo 'yan ha?' He winked at kumuha ng tubig sa tabi na nakalagay sa lamesa.

Sa isang practice room kasi dito sa building, puno ito ng salamin at sa isang gilid naman ay may isang mesa at naroon nakalagay ang mga kailangan tulad ng inumin at pagkain para makapagpahinga ka pagkatapos ng practice.

Umupo ako sa tabi dahil kakatapos ko lang mag practice ngayong oras. Lumabas na rin ang trainor ko sabi niya sa susunod na araw naman. Pgsasayaw ang itinuro sa akin dahil walang-wala naman ako 'non. Hiphop o ano ang itinuro sa akin kaya sobrang hirap. Sanay naman ang katawan ko sa pagsasayaw dahil Ballerina ako kaso hindi ako sanay sa mga galawang astig.

Pagka-upo ko ay napatingin ako kay Lance na tumayo sa harapan ko. Napaangat ang kilay ko sa kaniya. Ano ang ginagawa niya dito?

"Tapos na practice niyo?" Takang tanong ko sa kaniya na nakatingin lang sa akin.

"Oo?" Parang hindi siguradong sagot nito.

"Nate?" Agaran akong tumayo sa sinabi niyang tapos na ang practice nila.

Tapos na pala! Sa wakas makikita ko uli ang pinakamamahal kong Nate. Hindi ko pa siya nakikitang nag-eensayong sumayaw.

Imagine, Nate dancing. Sweating. Serious face. Awesome choreo. Ang hot!

"Diana, you're drooling."

Napahinto ako sa paglalakad at napalingon kay Lance na sumusunod sa akin na nakangisi. "What?" He laughed.

Umiling ako. "Lead the way!"

Humalakhak ito at ginulo ang buhok ko na napahinto sa akin.

"Mas gusto mo talaga si Nate kesa sa iba, no?" Tumawa ito at umling-iling. "Totoo mga talaga sabi ni Josh, si Nate lagi hinahanap mo."

Hindi ko mapigilang ngumiti. "Dahil gusto ko lang talaga siya." Tinapik ko ang balikat ni Lance. "Pero hindi ako magsasawang susuporta sa inyo."

Nang nakarating na kami sa kanilang dance practice room pero pinigilan niya ako pagpasok sa loob.

Being a Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon