Chapter 27

4 1 0
                                    

Chaoter 27

"Diana, ano tong nakikita ko?"

Habang naglalakad kami ni Kyla sa field ng university ay hindi niya ako tinantanan  kaninang umaga. Lagi niyang tinatanong ang nangyari kahapon.

"Ano?" Ngumuso ako at tumigil sa paglalakad para humarap sa kaniya.

With her eyebrows arched parang naghihintay ito sa anong sasabihin ko.

"What do you need to know?" Ngumuso ako at tumingin sa gilid kung saan may naglalaro ng soccer sa field kahit tirik ang araw ay marami paring naglalaro na mga athletes.

"I need answers!"

Tumaas ang kilay ko. "Sa bagong album ng Dynamite ba?"

I saw her eyes sparkled but in a blink of an eye nawala ito kaya agad akong nagtaka.

"Yes, we'll talk about that later," bigla niyang hinawakan ang balikat ko at yinugyog.

"Ano ang naririnig ko ha? Ginawa kang alalay nung maldita na 'yon!" Hysterical ang pagkasabi ni Kyla sa akin na nakapagkunot ng noo ko.

"Sinong maldita?" Taka kong tanong.

"Duh! Yung babaeng nakabangga natin sa cafeteria. Amoy lansa ang babaeng 'yon eh!" Binitawan ako nito at umirap sa kawalan na para bang nanggigigil.

Ngumiti ako. "Pano mo naman nasabi, Ky." Natatawang sabi ko sa kaniya.

"Nakita ka kahapon ni Axel, kitang-kita sa mata ni Axel kung pano ka raw niya ginawang alalay." Umirap ito sa akin. "Nakita ka ng tao, Di. Alam mo naman ang ginawa niya sayo, pero wala kang ginawa." Parang disappointed ito sa akin dahil sa tono ng pananalita niya.

"Kilala kita, Di." Umiiling ito.

Bigla akong napangiti at hinawakan ito sa balikat. "Walang kaibigan ang tao, Ky. Hindi yata 'yon sanay na may kasama siya kaya hayaan nalang natin. She's just new to this freedom."

Napabuga ito ng hangin at tumango. "I don't know, Di. Something's off about her, she's really familiar but I can't recall it."

Bigla kong naalala ang sinabi ng mga babae kahapon sa restaurant na kinakain namin ni Charlotte kahapon.

Nang nakita kong pumasok sa loob ng cr si Charlotte ay napantig ang tenga ko sa narinig sa mga dumaang babae sa tabi ko.

"Bakit familar 'yong babaeng kakapasok sa cr?" A short hair girl asked.

"Oo nga, nakita ko na siya saan pero hindi ko maalala." The other girl said.

"Parang siya yata ang rumored girlfriend ni Nate."

Ano kaya rin iyon? Baka nagkakamali rin sila?

Umiling ako sa harap ni Kyla. "Hayaan nalang natin."

Papasok na kami sa loob ng cafeteria ay nakita namin na naroon na sa upuan namin si ate Gabriela na kumakain habang nagbabasa ng libro sa engineering. Napanguso ako sa nakitang hawak niya. Hindi ko talaga makakaya ang pagiging engineering. Accountancy ako, pero mas malala ang engineering para sa akin.

"Ate!" I waved my hands nang napalingon sa amin si ate Gabriela. Saan kaya ang mga lalaki ngayon?

Si Nate? Nagtext na sa akin si sir Harold na excuses muna sa klase namin si Nate dahil sa bagong album nilang ginagawa ngayon.

Busy sila nung nakaraan pero mas busy sila ngayon dahil papalapit na ang date ma dapat tapos na sila.

"Ano to!?"

Habang kumakain kami ng tahimik ay biglang napasigaw si Kyla sa tabi ko.

Napatingin kami sa kaniya at nagtatakang tinignan siya. Buti nalang hindi ako masyadong nagulat kundi nabugahan ko na si ate Gabriela sa harapan ko.

Nasa harapan kasi si ate Gabriela nakaupo, at katabi ko naman si Kyla na kumakain habang nag cecellphone.

Narinig namin ang nahihiyang tawa ni Kyla at nagpasensya sa mga nakarinig sa sigaw niya.

Kinurot ko sa tagiliran si Kyla at ngumuso lang ito sa akin.

"Ano ba 'yan Kyla. Nakakagulat ka." Nakangusong sabi ni ate Gabriela na para bang nag pipigil ng tawa. Nakakatawa nga naman kanina dahil nakita ko rin ang reaksyon ng mga tao sa sigaw ni Kyla. Nagulat, at nanlaking mata. Sino bang hindi matatawa sa mga gulat na mukha.

"What the hell? Kapal ng mukha ng bruhang iyan!" Inis na inis na sabi ni Kyla habang nakatingin sa cellphone niya.

Nagtataka kaming nagkatinginan ni ate dahil sa reaksyon ni Kyla. Hindi naman kasi talaga siya ganiyan. Ganiyan lang reaksyon niya kapag may galit ito sa isang tao.

"Ano?" Takang tanong ni ate habang nakatingin at naghihintay sa chika ni Kyla.

"That two-faced bitch! Hindi nga ako nagtataka sa ugali niya." Naiinis na sabi ni Kyla at ipinakita sa amin ang hawak niyang cellphone.

Kumunot ang noo ko sa nakita. Mukha ko kasi at mukha ni Charlotte ang ipinakita sa akin. Post ito ni Charlotte sa instagram kahapon. Ano meron diyan?

Bigla akong napangiti. "Pinost niya ako!" Masayang sabi ko sa nakita.

I can't believe it. Napansin ko rin abot isang million ang hearts sa picture naming dalawa kahapon. Hindi ko maiwasang kiligin.

"What? You're happy? Really?" Hindi mapaniwalang sabi ni Kyla sa akin.

Kaya tinignan ko na may pagtataka si Kyla. "Bakit? Ano ba dapat reaksyon ko?"

Tinignan ko si ate Gabriela na nakatingin na rin sa akin at tinignan siya na may pagtataka. Don't tell me may naiisip rin siya gaya ni Kyla.

"Really, Diana? Hindi mo pansin?" Takang tanong ni ate Gabriela at kinuha ang phone ni Kyla at ipinaharap sa akin ang cellphone.

"Ang ano? Pinost niya ako?" Nakangiti kong sabi pero sa isipan ko ay gulong-gulo na sa reaksyon ng dalawa.

Napabuga ng hangin si ate at tinignan ako na parang hindi makapaniwala. "You're naive!"

"Right?" Kyla agreed.

Zinoom ni ate Gabriela ang picture naming dalawa. "Halata na edited ang picture niyong dalawa, Di. Tignan mo ng maigi at pinalali ang mukha mo lalo. Mukha kang mataba dito. Tignan mo rin mukha niya, malayong-layo sa personal. Mas pinaganda pa niya lalo ang mukha niya."

Kumunot ang noo ko sa sinabi nila. "Ano meron?"

Wala naman akong pake. Maganda naman talaga si Charlotte kahit hindi edit o edit. She has the natural beauty na gusto ng mga tao ngayon.

"Sinisiraan ka niya, Di."

Napailing ako sa sinabi ni Kyla. "Hayaan nalang natin. Maganda naman talaga siya." Sabi ko sa kanilang dalawa.

I saw ate Gabriela's face palm. At kita ko rin ang pag irap ni Kyla sa tabi ko na para bang frustrated sa sinabi ko.

"Goodness gracious, Di. Napaka-ignorante mo talaga kahit kailan. Minsan umiiral na naman ang kabaitan ko kahit binaback-stab kana o sinisiraan kana pero parang walang-wala pa rin sayo." Pahayag ni Kyla sa akin.

Ate Gabriela agreed. "But that what makes Diana, Diana."

Napailing ako sa kanilang dalawa. "Hayaan nalang natin basta hindi niya naman ako sinaktan." I smiled at them pero parang wala lang ang sinabi ko sa kanila dahil inirapan lang ako nilang dalawa.

Nagkibit-balikat ako. I'm just happy.

----

Being a Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon