Chapter 6

55 28 62
                                    

Chapter 6

"Una kana, Nate." ngumuso ako at tinignan ang aking sapatos, nahihiya ako sa nangyari kanina. Sa bangayan ng dalawa.

"What? Mas pinipili mo siya kesa sa akin?" nanlalaking mata niya akong tinignan at parang hindi makapaniwala sa ginawa ko.

Tinignan ko ito ng masama. "Listen, I'm sorry for what happened earlier? Pero may gagawin lang ako ngayon, tapos na kitang samahan sa—"

Hindi pa natapos ang pagsasalita ay isang malaking kamay ang sumakop sa mukha ko para mapatigil sa aking pagsasalita. Ang laki ng kamay!

"Gagawin? Magdadate kayo ng unggoy na lalaking 'yon?" tumataas na ang boses niya ngayon, nagpapasalamat nalang akong konti nalang ang mga estudyante at minsan nalang sila dadaan sa exit gate sa likuran ng school namin dahil hindi na naka-tago pa ang mukha ni Nate.

"Unggoy?" bigla akong napangiti sa sinabi niya at tinutusok ang kaniyang tagiliran. Kinuha ko ang kaniyang kamay nakatakip sa akin.

"What are you doing?" kunot-noong tinignan niya ako at pilit lumalayo sa ginagawa ko.

"Nagseselos ka 'no?" seloso talaga nitong si Nate, sakaniya lang naman ako kahit ganiyan siya sa akin.

"Bakit naman ako magseselos? Kadiri mo mukha mo!" pinitik niya bigla ang noo kaya tinignan ko siya ng masama habang hinihimas sa sakit.

"Ang sakit 'nun!" angil ko at inirapan siya. Masakit ang pagpitik niya sa noo ko at masakit din na sinabihan ka ng mahal mo na kadiri ang mukha ko pero mahal ko pa rin siya.

"Personal assistant lang kita, kadiri 'yang selos ang pinagsasabi mo." umirap ito sa akin at tumingin sa malayo.

Napabuga ako ng hangin sa sinabi niya. "For your information, hindi mo ako personal assistant. Tinutulungan kita hindi dahil sa kahilingan ni sir kundi ayoko din masira ang grupo niyo. I'm just your fan girl." humina ang boses ko sa sinabi ko sa hulihan, totoo naman talaga I'm just his fan girl.

Tumalikod ako at nilingon siya na may malaking ngiti. "Pinatawag lang ako ng lolo ko, don't worry tutulungan pa rin kita. Ingat ka, Nate!" kumaway pa ako bago ako naglakad palayo.

Pumikit ako at napailing sa nakitang mukha ni Nate habang sinasabi ko 'yon. Para itong wala lang sakaniya ang pinagsasabi ko dahil nakatitig lang siya sa akin. Tinampal ko ang aking bibig. "Baliw ka talaga Diana, kung ano nalang pinagsasabi mo sa future husband mo."

Lumingon ako sa aking likuran at doon pa nagsimula ang kaniyang sasakyan bago ito mawala sa paningin ko.

"Don't worry, Nate. Tutulungan kita kahit ano 'mang mangyari."

Gabi na nang nakarating ako sa ballet center na pagmamay-ari sa aking lolo. Hiningal at pinagpawisan pa ako habang sinusuot ang aking ballet shoes, nakarinig na ako ng mga musika kaya mas lalo lang akong kinabahan dahil nagsisimula na.

When I'm fully done to my hair and shoes ay tinakbo ko kaagad ang room at dahan-dahang pinihit ang pintuan.

Nanalaki ang mata ko ng bumukas ang pintuan at nakatayo doon si lolo na nakataas ang kilay at galit na galit akong pinagmasdan. Napatingin din ang iilang mga estudyante ni lolo sa loob.

Yumuko ako at pumikit. "I'm sorry, lolo. May sinamahan lang ako sa pag-enroll."

"Go to the other room, young lady!" sigaw niya kaya napapikit ako.

Other room?

Nanlaki ang mata ko at tinignan siya. "Po?"

Not the other room, please. Kahit kinabahan ay tinignan ko sa mata si lolo upang magpakaawa. Ayoko bumalik uli 'ron. It's like a torture room.

Being a Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon