Chapter 25

5 1 0
                                    

Chapter 25

"Are you alright?" Tanong ni sir Harold sa tabi ko.

Napakurap ako sa kawalan at tumingin sa kaniya. Nakita ko si sir Harold na nakatingin sa Dynamite na nasa loob ng recording studio na masayang nagkukulitan dahil ilang beses na itong umuulit at pakiramdam ko naiinis na ang music director nila. Rinig na rinig namin sila pero sila hindi nila kami maririnig dahil sa sound proof. May pagitan kasi itong salamin.

Nakita kong napahilot ng sintido ang music director at umiling dahil may namamali itong tono sa kanila. Gusto ko mang tumawa kaso may bumabagabag sa akin.

Ngumiti ako kay sir Harold. "I'm alright, sir."

Tumango ito. "Hindi ako sanay na hindi maingay ang isang Diana." He patted my back at may ibinigay na folder.

Nagtataka ko itong tinanggap. "Ano ito sir?"

Ngumiti ito na parang masaya. "Your contract and also imemeet mo na rin ang manager mo. But for now, hindi mo pa fully sign ang contract I will be your substitute manager for now." He explained.

"I know it's hard, but I know you also want this. Ano ang pipiliin mo? Your own happiness? Or the happiness of the others?" He asked.

Napatingin ako sa kaniya sa sinabi niya sa akin.

"I know pipiliin mo ang kaligayan ng iba, pero look at yourself. Reward yourself first before the others. I know you really want it, Diana. Kitang-kita ko sa mga mata mo na gusto mo talaga pero nag-alinlangan ka dahil sa pamilya mo."

"Love yourself first, dahil that's who you'll spending the rest of your life. Because once you have learn to loved yourself, you'll learn to live your life." Pagpapatuloy niya na ikinatungo ko.

He really has the point. I want to but I couldn't. I love too but I can't. I'm so torn.

"Isipin mo muna ng maigi bago ka mag-sisi. Once everything is done, you can't return to the past." He said at ngumiti. "I mean it, Diana. That contract has expiration. If you can't sign, it means the contract is terminated and the company can't accept you back." Sabi nito bago umalis para sabihan ang staff na oras na para sa shooting ng music video ng Dynamite.

Napatingin ako sa mga frames sa loob ng music studio st naroon ang iilang mga artist under this company. Meron din doon ang mga award na nakukuha ng mga artist. I can imagine myself winning into that contest. I can imagine my name written on that certificate. How I wish.

"Are you alright?"

Nakita ko sa tabi ko si Nate na umiinom ng tubig at bigla akong nataranta dahil hindi ko ito napansin na nakalapit na ito sa akin.

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. "Oo naman, bakit?'

Kumunot ang noo nito at tinignan ako ng mabuti. Para naman akong na-conscious sa mukha ko baka may naiwan akong bougar o muta. Nakakahiya naman. Pasimple kong kinapkap ang mukha ko at ang laking pasalamat na wala naman akong nakap-kap.

"Parang wala ka sa sarili mo simula kanina. Tell me, may problema ba uli sa lolo mo?" Tanong nito.

Umiling-iling ako at naiwagayway ang aking kamay. "Wala, Nate. Okay lang talaga ako."

Tumitig ito lalo sa mukha ko kaya umiwas ako ng tingin. Napatingin ako sa likuran ni Nate at nakita kong tinatawag nanito at parang hindi niya ito naririnig. Nakita ko ang iilang tao sa loob at myembro ng Dynamite ay lumabas na at tinatawag na si Nate ng isang staff.

"Tinatawag ka na nila, Nate!" Pag-iiwas ko sa kaniyang tingin at sumumod sa ilang tao na lumabas roon.

Nakahinga ako ng maluwag nang nakalabas at nakita kong sumunod rin si Nate nasa likuran ko. Buti naman nakawala ako sa titig niya. Huwag ngayon, Nate. Mahirap na. Magiging marupok ako kapag nandiyan ka lagi sa tabi ko.

Sumunod ako sa isang studio at nakatayo na ang iilan roon at tinuturo na sa myembro ng Dynamite kung ano ang gagawin nila sa script. Narinig ko na ang half of the music at lalo akong naeexcite sa kalabasan.

Habang nanunuod ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng Cellphone ko. Agad ko itong tinignan at nakita kong si Charlotte ang nagbigay ng mensahe.

She wants to have a coffee date with me. Hindi ko mapigilang ngumiti sa nakitang mensahe. Grabe, ang isa sa pinakamagandang babae sa school namin inaya ako sa isang coffee date?

Agad kong hinanap si sir Harold st nagpaalam sa kaniya sa aalis muna ako at pag-iisipan ko ang contract na binigay niya. Nakita kong nakatingin ang iilang myembro ng Dynamite sa akin kaya kinawayan ko sila na aalis muna ako.

Hindi yata nila naiintindihan ang senyas ko dahil kumunot lang ang noo nila. Agad akong napatalikod ng napatingin sa akin si Mark at naalala ko ang sinabi niya kanina na nakakabagabag sa akin.

I really don't know him, pero baka nagkakamali lang siya di ba? Pero nahihiya makipag-harap muna sa ngayon kay Mark. Sa susunod ko na siya tatanungin tungkol doon sa sinabi niya sa akin.

I can't remember him? But who is he?

Napailing nalang ako sa aking naiisip at lumabas roon sa studio. I replied to Charlotte na papunta na ako roon sa tinatambayan niya ngayon.

Napadaan ako sa isang reflected tiles at napatingin sa suot ko. Ang baday mo naman, Diana. Nakakahiya makipag-kita kay Charlotte na ganiyan ang suot mo. Pero kapag uuwi ako at magbibihis baka lalong pinaghihinyay ko lang si Charlotte doon.

Umiling ako. It's okay, Diana. Makapal naman ang mukha mo.

Nang nakarating na ako sa loob ng coffee shop ay agad ko siyang nakita dahil halos lahat ng tao sa loob ay nakatingin sa kaniya. Sabagay napapaagaw tingin talaga dahil sa sobrang ganda niya. Bagay sa kaniya maging modelo sa tangkad at kinis ng balat.

Nang nakita niya ako ay agad itong ngumiti at kumaway. Kumaway rin ako at lumapit sa kaniya.

"Diana!" She said happily at tumayo just to hugged me nang makalapit.

Biglang nanlaki ang mata ko sa bigla at hindi agad makapagsalita.

Lumayo ito at binitawan ako, tumawa ito nang makita ang gulat kong reaksyon. "I'm sorry, clingy lang talaga ako Diana. I'm just happy na may kaibigan rin ako."

Bigla akong naawa. "Wala kang kaibigan?" Takang tanong ko at umupo na kaming dalawa.

Nakita kong lumungkot ang ekspresyon sa mukha nito at tumungo. "Wala talaga. Nasabi ko ito sayo diba?"

Tumango ako ng maalala na home-schooled lang ito.

Tumingin ito sa akin. "And now you're finally here, I really want you to be your best friend."

Hinawakan nito ang kamay ko na nasa table. "Can you be my best friend?" She asked with her pleading eyes.

Awe, bakit ang ganda niya? Noong umulan yata ng kagandahan, salong-salo lahat ni Charlotte eh.

"Sure!"

----

Being a Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon