Chapter 14

51 9 1
                                    

Chapter 14

"Nabalitaan mo na ba?" tanong sa'kin ni Kyla habang nakahiga sa higaan ko at nilalaro ang nga plushie bears ko. 

Napalingon ako sakaniya at binitawan ang ballpen dahil sa pagdodoodle ko ng nga animals at mga stick persons dahil 'di naman ako marunong mag drawing.

"Ano?" tanong ko rin at humilig sa sandalan ng upuan.

Kinuha nito ang kaniyang phone sa uluhan at may iniscan ito. Napataas pa ang kilay ko dahil ang tagal niyang 'di sinagot ang tanong ko. Tumatawa pa ito habang nakatingin sa kaniyang phone. Ano ba 'tong babaeng 'to!

Nakakainis kaya yung taong may gustong sabihin pero hindi itutuloy. Kung ano tuloy ang iisipin ko.

"Ky!" I demanded kaya ito nataranta at nahulog sa mukha niya ang phone.

Napabunghalit ako ng tawa ng hinawakan nito ang kaniyang ilong at mangiyakngiyak niya itong hinihimas. That was epic!

"Diana naman eh!" wika nito at umupo sa pagkakahiga at tinignan ako ng masama.

"I'm sorry, okay? Ikaw kasi, pinapa-intrega mo ko sa 'Nabalitaan mo na ba, Di?'." I mocked her.

I saw her snapped her fingers ng maalala yata ang kaniyang sasabihin. Napatampal ako sa noo ko, mas malala pa yata si Kyla kesa sa'kin pagdating sa makakalimutin.

"Ano uunahin mo? Good news or bad news?" tanong nito.

Bubuka na sana ang bibig ko para sasabihin ang sagot ko pero nagsalita uli ito.

"I prefer good news muna!" she said while giggling.

Napairap ako, pinapapili pa niya ako pero siya rin ang pumili. Sarap sapakin ng bestfriend ko!

"Go on! Edi good news." asar kong sabi at umirap uli.

Kinuha niya uli ang kan'yang phone at iniscan ito. Don't tell me makakalimutan na naman niya ang kaniyang sasabihin?

"Ito oh, good news!" masayang sabi nito at ibinigay na niya ang kaniyang phone sa akin.

Tinanggap ko 'to at nakita ko ang isang chat head sa gilid, ang mukha ni Axel sa messenger at alam kong nagchachat sila kanina kaya nakalimutan niya ang kaniyang sasabihin sa'kin. Tinignan ko si Kyla na may panunuya sa ngiti pero inirapan lang ako nito.

Napakunot ang noo ko ng makita ang top headlines sa balita ngayon.

'DYNAMITE IS BACK!'

Nanlaki ang mata ko. Anong back ba ang ibig nilang sabihin?

Binasa ko ang laman ng balita at hindi ko mapigilang sumaya at the same time malungkot, babalik na nga ang Dynamite at ibig sabihin nun ay okay na si Nate! At hindi na siya papasok sa school? Hindi ko na siya makakasama?

Ayon sa balita, nag sorry na ang babaeng nabangga umano ni Nate. Nasa statement ng babae ng babae na nagpapanggap lang itong nabangga upang mapansin ito ni Nate. Nakablur pa ang mukha niya sa balita at umiiyak ito dahil sa kaniyang boses at panay pa ang pahid nito sa kaniyang pisngi at ilong kahit hindi makikita.

Naalala ko tuloy yung araw na pinuntahan namin ni Nate ang babaeng 'to. I saw how she looked at Nate.

At sa ngayon, may fan signing event sila at naroon si Nate. Ipopromote nila ang bagong album! At pupunta ako!

"Di, ang bad news. Swipe next." sabi ni Kyla at tinignan ako.

Ngumuso pa ako at pinindot ang next. Muntik ko pang mahulog ang phone ni Kyla, buti ay may strap itong nakakapit sa daliri ko.

Being a Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon