Chapter 5

61 30 87
                                    

Chapter 5

"I don't know what's gotten into you, bakit mo ginawa 'yon?"

Tanong ko habang naglalakad sa hallway sa school namin, mabuti nalang at ang iilang department tulad sa amin ay wala ng pasok kanina lang. Kaya hindi na ako mamomoblema na may makakakita sa amin, though he's wearing his black cap at mask tulad noong unang kita namin pero naka-hoodie lang ito.

"How many time I've told you, hindi ko siya sinasagasaan." madiin nitong sabi at naramdaman kong una na itong naglakad.

Napabuntong-hininga ako at tumakbo ang haba naman ng paa ni Nate hindi ko kaagad maabutan. Pumunta ako sa harap niya at agad itong huminto, tinignan niya pa ako ng masama. Nako, 'kong hindi ko lang 'to mahal sinapak ko na 'to ng bongga.

"Sabi ko I'll lead the way—" napahinto ako sa aking sasabihan ng may isang malaking kamay ang sumakop sa mukha ko. Ang bango.

"Shut up, saan ba ang kasama mo ha?" tumaas ang kilay nito ng maibaba na niya ang kaniyang kamay.

"Wala siya dito—"

"Edi shut up." aniya at unang lumakad. Tinignan ko ito ng masama, kanina niya pa ako binabara.

Maya-maya ay napangiti ako habang tinignan siyang nag-iisang naglalakad. May pa-shut up pa itong nalalaman ha? Alam niya kaya ang daan?

Unti-unti na itong lumayo at mas lalong lumawak ang ngiti ko ng huminto ito at tinignan ako. "What are you waiting for?" he's already frustrated, ayt? How cute!

Tumakbo ako papunta sa kaniya na may ngiti sa mukha, tagumpay ako. Sana nandito si Kyla para makita ang mukha ni Nate y. Pero sadly, may lakad ito kasama si Axel. But it's a blessing in disguise, dahil solo ko ngayon si Nate.

Nang nakarating na kami sa kabilang building kung saan naroroon lahat ang mga office sa mga department. Kumatok muna ako sa pintuan ng accountancy dean at pumasok.

"Ateng!" gulantang ang mukha ni Maria ng makita ako, napatayo ito at niyakap ako ng mahigpit.

Tumawa ako ng mahina at niyakap din siya pabalik, siya ang unang bumitaw at hinawakan ang magkabilang braso ko. "Ano ginagawa mo dito? Hindi ka naman tinawag ng dean ah?"

Ngumuso ako at senenyas na may kasama ako sa likuran. "Nandiyan si dean?"

Tumango ito at iginaya ako sa pintuan sa office ni dean, sumulyap muna ito sa kasamahan ko at kumunot ang noo.

"Pogi siya?" bulong nito sa akin.

Ngumuso ako at pilit pigilan ang ngiti. Nakita ko na lumawak ang ngiti nito at niyugyog ako. "Oh my, Di."

Napalayo si Maria ng sumagot si dean sa loob. Tinignan ko si Maria na nakangiti na sa amin. "Student Assistant duty." sabi nito bago lumayo at bumalik sa kaniyang gawain. She's ahead of me, at skolar ito sa school namin dahil sa pagiging student assistant and she's really nice.

"Bagay kayong magkaibigan, pareho maliliit." bulong nito sa akin kaya tinignan ko ito ng masama.

Ano ba ang pinagsasabi nitong lalaking 'to? Akala ko isang good guy, pero maling akala. Kapag kumakanta, parang isang anghel pero kapag nagsasalita parang demonyo.

Pumasok kami sa loob at nakita ko si dean na naka-upo habang nagbabasa ng mga papel. Halata kay dean na me-edad na 'to dahil sa mapuputing buhok pero kung kumilos ay parang isang binata dahil laging sumasali sa aktibidad sa school na animo'y isang estudyante.

"Nathan!"

Napahinto kami ni Nate at parang naestatwa dahil sa sinabi nito. Does he know?

"Ms. Andres, ikaw muna ang bahala sa enrollment niya. Madali lang naman, ibibigay mo lang 'to sa registrar." may inilahad sa akin si dean na isang folder sa kaniyang harap.

Being a Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon